Pitong Pinoy ang nakapasok sa Forbes 30 Under 30 Class of 2024 Asia.
Ang Forbes 30 Under 30 ay isang recognition na ibinibigay ng Forbes taun-taon sa mga young individuals under 30 years old para sa kanilang mga kontribusyon at achievements sa iba’t ibang larangan.
Ang nasabing recognition ay binubuo ng 10 categories: entertainment and sports; finance and venture capital; enterprise technology; media, marketing and advertising; consumer technology; industry, manufacturing and energy; the arts (art and style, food and drink); social impact; retail and e-commerce; at healthcare and science.
Tungkol sa pitong Pinoy na nasa listahan, tatlo ang pasok sa media, marketing and advertising category—si Chia Amisola na isang Internet artist at ang content creators na sina Abigail “Abi” Marquez at Ramon Christian “Arshie” Larga.
Samantala, napabilang sa arts category ang artist na si Joshua Serafin at ang rapper na si Ezekiel “Ez Mil” Miller naman sa entertainment and sports category.
Ang entrepreneurs na sina Mikaela Reyes at Amanda Cua ay kasama rin sa listahan. Si Reyes ay napabilang sa finance and venture capital category at si Cua naman sa media, marketing and advertising category.
Mas kilalanin pa natin ang mga mukha sa likod ng #PinoyPride moment na ito.
Read: Deaf-mute content creator Erline Grace Maniquis teaches sign language
FILIPINOS IN FORBES 30 UNDER 30: ASIA CLASS OF 2024
Ramon Christian Larga
Si Ramon Christian “Arshie” Larga, 27, ay isang licensed pharmacist na namamahala sa pharmacy ng kanyang pamilya sa Marinduque.
Kilala siya at naging viral dahil sa interesting and humorous content niya ukol sa wasto at ligtas na paggamit ng gamot.
Dini-debunk niya ang mga misinformation.
Nag-umpisa rin siya ng fund-raising campaign para matulungan ang mga mahihirap na customers sa pagbabayad ng kani-kanilang pharmaceutical bills.

Si Arshie ay may four million followers sa TikTok.
Noong 2023, kinilala siya ng TikTok Philippines bilang best educational content creator.
Chia Amisola
Ang 21-year-old na si Chia Amisola ay isang internet artist. Siya ang founder ng Developh, isang nonprofit community na may layuning gamitin ang technology "as a tool for liberation rather than oppression."
Binuo ni Chia ang Developh noong 2016 para pangalagaan ang mga digital work, movements, cultures, at art.
Kinilala naman ito ng ilang sikat na publications tulad ng American magazine na The New Yorker and London-based art magazine na Frieze.
Ang isa sa recent website art projects ni Chia ay Ang Bantayog, na gumugunita sa mga biktima ng human rights abuses noong 1970s sa ilalim ng Martial Law.
Joshua Serafin
Si Joshua Serafin ay isang 28-year-old Pinoy artist mula sa Brussels na naimbitahan upang mag-participate sa 60th Venice Biennale ngayong 2024.
Mailalarawan siya bilang isang artist na may kakayahang i-combine ang dance, music, at theatre with live performance sa konsepto ng cultural identity, transmigration, and queer representation.
Naging performer din si Joshua sa ilang prestihiyosong festivals, kabilang ang ANTI–Contemporary Art Festival sa Finland, TONO Festival sa Mexico, at HAU Hebbel am User sa Berlin.
Nai-feature na rin siya sa mga publications tulad ng L'Officiel and ArtReview.
Mikaela Reyes
Ang 29-year-old na si Mikaela Reyes ang co-founder ng Manila-based cross-border payment startup na Parallax, na nagpapadali ng remittances gamit ang cryptocurrency at blockchain.
Inilunsad ni Mikaela ang Parallax noong 2023 matapos magtrabaho bilang freelancer, kung saan ay naranasan niya ang inconvenience ng pagtanggap ng sahod mula sa ibang bansa.
Noong una, Filipino users lamang ang target ng Parallax, pero ngayon, mayroon itong customers mula sa mahigit 150 bansa.
Noong September, nakapag-raise ang Parallax ng $4.5 million sa seed funding na pinangunahan ng Dragonfly Capital.
Amanda Cua
Si Amanda Cua, 21, ang founder ng Backscoop, isang free newsletter sa Southeast Asia startup scene.
Itinatag ito ni Amanda matapos makita kung gaano kahirap ang makipagsabayan sa mga news tungkol sa tech and startups.
Ang kanyang mga updates at One More Scoop podcast ay malaking tulong sa mga startup founders na naghahanap ng investors.
Ezekiel Miller
Si Ezekiel Miller, o mas kilala bilang Ez Mil, ay isang 25-year-old rapper na ipinanganak sa Olongapo at naninirahan ngayon sa Las Vegas.
Siya ang boses sa likod ng sumikat na kanta tungkol sa nasyonalismo—ang “Panalo.”

Noong 2022 ay inilabas din ang isa pang kanta ni Ez Mil na "Up Down," na naging daan upang mapansin siya ng mga rap legends na sina Dr. Dre and Eminem.
Si Eminem ay isa sa mga nag-perform sa 2023 album ni Ez Mil na DU4LI7Y: REDUX.
Abigail Marquez
Ang 23-year-old na si Abigail “Abi” Marquez ay isang Filipino content creator na binansagang “Lumpia Queen” dahil sa kanyang obsession sa crispy appetizer na ito.
Si Abi ay isang trained chef bago sumabak sa videography. Ngayon, ang followers niya sa TikTok ay pumalo na sa mahigit tatlong milyon.
Sa kanyang account, ipino-promote ni Abi ang mga pagkain at kulturang Pinoy, bagay na passion niya raw since the age of 4.
Noong 2023 ay nanalo siya ng TikTok's Creator of the Year for Food award, matapos ang halos dalawang taon sa platform.

Read: Twins separated as babies reunite; both of them are valedictorians
THE FORBES 30 UNDER 30 ASIA
Sakop ng 2024 list ng Forbes 30 Under 30 ang 21 countries at territories mula sa Asia-Pacific region.
Mahigit sa 4,000 candidates ang sumailalim sa evaluation ng Forbes Asia team at panel ng mga independent expert judges base sa mga factors tulad ng funding and/or revenue, social impact, scale, inventiveness, and potential.
Ilan pa sa mga nai-feature sa listahan ngayong taon ang K-pop girl band na Ive, ang Singaporean track and field athlete na si Veronica Shanti Pereira, at ang youngest mayor ng Japan na si Ryosuke Takashima ng Ashiya City.
Sa dinami-rami ng mga ito, talagang hindi nagpahuli ang #TatakPinoy!