Beauty and brains—ganito mo mailalarawan si Laica Pauline Uy, isa sa mga topnotchers sa May 2024 Philippine Nursing Licensure Examination.
Si Laica ay nasa ninth place, at may rating na 90.20%.
Siya ang nag-iisang topnotcher mula sa Cebu, kung saan nagtapos siya bilang cum laude sa kursong Bachelor of Science in Nursing sa Velez College.
Bukod pa rito, naging finalist siya sa Miss Cebu pageant noong 2023.
Read: Billionaire speaker gives away PHP68M to 1,200 graduates
LAICA PAULINE UY: AN ACHIEVER, A WELL-ROUNDED STUDENT
Simula kindergarten, isa nang achiever si Laica.
Pero sa kabila nito, naniniwala siyang hindi lang dapat umikot sa apat na sulok ng silid-aralan ang kanyang buhay.
Kaya naman pagdating ng kolehiyo, sobrang aktibo niya sa extra-curricular activities.
Sumali siya sa iba’t ibang organizations at naging miyembro ng dance team, non-profit organizations, at ng student council.
Pinasok din ni Laica ang mundo ng pageantry at lumahok sa Miss Cebu 2023.
Bukod sa nakapasok sa Top 12 finalists, nasungkit niya ang dalawang minor awards: Most Confident at Fashion Forward Filipina Award.
Not bad for a first timer.
Sa kanyang interview sa CDN Digital, maraming aral na hindi basta-basta makukuha sa loob ng classroom.
Pahayag ni Laica, “The classroom taught me lessons, but these experiences taught me life lessons.”

Read: Quintuplets graduate together with different degrees
THE ROAD TO BECOMING ONE OF THE TOPNOTCHERS
Noong una, hindi raw talaga nursing ang natitipuhang kurso ni Laica.
But eventually, dahil sa pagiging people-oriented niya, napagtanto niyang ito ang kanyang calling.
Pagka-graduate, pinaghandaan niya ang papalapit na board exam.
Pumasok siya sa iba’t ibang review center classes.
Puspusan din ang ginawa niyang pagsagot sa practice exam questions at pagsasanay gamit ang at least 1,000 ANKI—isang free and open-source flashcard program.
Hindi rin kinalimutan ni Laica ang pagdarasal at pagbabasa ng mga isinulat niyang affirmations.
Dagdag niya, “I tried my best to go through this journey holistically, eating regularly, taking my vitamins, and getting enough sleep instead of overworking myself to the point of burnout.”
Pero gaya ng ibang estudyante, nakaranas din ng challenges ang dalaga.
Kinailangan daw niyang kumunsulta sa therapist dahil sa matinding anxiety lalo na nung nagsimula siyang mag-cram para sa exam.
Sabi niya, “To some, this might be a sign of weakness, but understanding why you feel the way you do and what you can do about it could just be the stepping stones to harnessing your power.”
Sa kabila ng lahat ng kanyang efforts, hindi inasahan ni Laica na magiging topnotcher siya among the 11,000 takers ng Philippine Nursing Licensure Examination.
Agad niyang ibinahagi sa mga magulang ang magandang balita nang lumabas ang resulta.
Aniya, worth all her efforts ang nangyari. Wala nang mas hihigit pa sa sayang naramdaman niya nung nakitang proud ang kanyang mga mahal sa buhay dahil sa kanyang achievements.
FUTURE PLANS IN STORE FOR LAICA
Ngayong isa na siyang licensed nurse, pinag-iisipan ni Laica na ipagpatuloy ang kanyang edukasyon at training.
Gusto rin muna niyang magpahinga at lasapin ang sayang dulot ng kanyang tagumpay.