Kayang gumawa ni Rajacenna van Dam, 31, ng 10 paintings nang sabay-sabay.
Kayang hawakan ng Dutch artist sa kanyang magkabilang kamay at paa ang apat na brushes.
Residente si Rajacenna ng Vlaardingen, Netherlands.

Naging Internet sensation siya matapos mag-viral ang kanyang video habang nagpe-paint ng astronaut, ng self-portrait, at walo pang iba’t ibang subjects sa mga canvas na nakalatag sa kanyang table, sa sahig, at sa dalawang easel.
Ginawa ni Rajacenna ang pagpipinta sa 10 magkakaibang subjects para lang i-challenge ang nararamdaman niyang pagkabagot.
Ang video ay ini-upload niya sa kanyang YouTube channel noong April 24, 2020.
Mula nang mag-viral ang video at nakilala siya sa larangan ng art, ginawa na niyang propesyon ang pagpipinta.
Read: Paintings na parang gawa lang ng bata, nasa PHP2 bilyon ang halaga!
RAJACENNA, PAANO NAKAKAPAG-PAINT NANG SABAY-SABAY?
Ipinaliwanag ni Rajacenna na bago pa man niya umpisahan ang mga ipipinta, pinaplano na niya sa isip kung paano sila gagawin.
Mag-uumpisa umano siya sa isang canvas, at saka siya lilipat sa isa pa.
Kayang-kaya niyang pagalawin ang mga daliri sa mga kamay at paa nang sabay-sabay, kahit pa siya ay kaliwete o left-handed.
Kayang-kaya rin niyang mag-multitask dahil iba't iba ang painting sa bawat canvas.
Read: Painting exhibit sa Catanduanes, abaca paper ang canvas na ginamit!
Noong 2019, sinimulan niyang magpinta gamit ang dalawang kamay.
Dahil gusto lang niyang i-challenge ang sarili at para mas mabilis siyang makatapos ng painting.
Noon rin niya natuklasan na siya ay ambidextrous, o kayang gamitin ang parehong kamay lalo na sa pagsusulat.
Read: Artist creates diorama of 1939 family home: “Para mabalikan ko ang masasayang alaala.”
RAJACENNA, HINAMON KUNG KAYANG MAGPINTA GAMIT ANG MGA PAA
Sa isang panayam, may journalist na nagtanong kay Rajacenna kung kaya rin niyang magpinta gamit ang mga paa.
Tinanggap niya ang challenge “for fun.”
Aminado siyang noong una ay nahirapan siya dahil hindi ma-grip ng hinlalaki at katabing daliri ng kanyang mga paa ang brush, na nalalaglag pag nagsimula na siyang magpahid ng pintura.

Para maresolba iyon, gumamit siya ng tape sa pagitan ng mga daliri sa kanyang mga paa.
Nang masanay na ang kanyang mga daliri sa paa na may nakaipit na brush, kinunan ni Rajacenna ng video kung paano siya magpinta gamit ang mga paa—at naging viral iyon.
Nagsunud-sunod na ang nagpapagawa sa kanya ng paintings.
Read: Lumang takip ng manhole, naging artwork na collector’s item
OBRA NG KAMAY AT PAA NI RAJACENNA, MAHIRAP TUKUYIN ANG PAGKAKAIBA
Sa sobrang husay ni Rajacenna, siya lang ang makapagsasabi kung alin sa kanyang mga obra ang ginawa niya gamit ang kanyang kamay o paa.
Hindi iyon mapapansin ng ibang tao.
Aniya, kita niya ang malaking pagkakaiba.
Aminado naman siyang mas maganda ang kanyang mga obra na kamay ang ginamit sa pagpipinta.
Bata pa lang ay malaki na ang interes ni Rajacenna sa pagdo-drawing.
Bahagya siyang nawalan ng interes dito noong dalagita na siya.
Na-inspire lang siyang muli nang mapanood ang isang Italian street artist habang nagpipinta sa kalye.
Ayon kay Rajacenna, mabilis siyang manawa sa isang bagay, kaya gusto niyang binibigyan ng challenge ang sarili.
Kapag gumagawa aniya siya ng 10 paintings nang sabay-sabay, para na rin siyang nagme-meditate at nagiging kalmado ang kanyang pakiramdam.
Read: Mahigit PHP3M na perang ididikit sa artworks, ibinulsa ng artist; blank canvas lang ang ipina-frame
SKILLS NI RAJACENNA HINDI MAIPALIWANAG NG SIYENSYA
Sa pagkaalam ni Rajacenna, siya pa lang ang tanging artist sa buong mundo na kayang magpinta sa 10 canvas nang sabay-sabay gamit ang mga kamay at paa.
Umaasa naman siya na maging inspirasyon ng ibang tao para gumawa ang mga ito ng mga bagay na inaakala nilang hindi kaya ng kanilang kapasidad.
Kung paano nagagawa ni Rajacenna na magpinta gamit ang mga kamay at paa sa iba’t ibang canvas, ayon kay Turkish-German scientist Onur Gunturkun, ang kaliwa at kanang bahagi ng kanyang utak ay mas konektado kumpara sa utak ng ibang tao.
Ayon pa sa scientist, ang kakayahan ni Rajacenna ay hindi kayang ipaliwanag maging ng siyensya.
Read: Estudyanteng gutom na, kinain ang saging artwork worth PHP6M
HOW MUCH IS RAJACENNA’S ARTWORK?
Ang isang obra ni Rajacenna ay nabebenta mula US$8,700 (PHP 503,438.55) hanggang US$12,945 (PHP 749,081.84).
Kabilang sa kanyang mga tagahanga ang pop star na si Justin Bieber.

Read: Pen Medina: Bukod sa pagiging mahusay na aktor, isa ring pintor!
