Ang nine-year-old girl na si Arshia Goswami ng Haryana, India, ang itinuturing na “female version of Hercules” matapos mabuhat ang barbell na may timbang na 165 pounds o 75 kilograms.
Isa siyang deadlifting phenom.
Just for info, sa deadlift, ang barbell ay binubuhat sa level ng hips bago ibalik sa floor. Sa weightlift, na ginagawa na rin ngayon ni Arshia, binubuhat ang barbell overhead.
Ang video ng kanyang pagbuhat sa 75 kilograms na barbell ay nai-post sa kanyang Instagram account na may handle na @fit_arshia noong February 29, 2024.
Kapag nagpe-perform siya ng snatch lift o kaya ay clean-and-jerk, napaka-effortless.

ARSHIA'S FEATS IN DEADLIFTING
Ayon sa kanyang amang si Avnish, hindi niya alam kung bakit ganoon kalakas si Arshia.
Posible aniyang dahil ito sa genes o dahil may pambihirang gift lang talaga ang kanyang anak.
Noong siya ay eight years old, at ang body weight niya ay nasa 25 kilograms, nakakabuhat na siya ng barbell na 60 kilograms.
Noong siya ay six years old, nakaya naman niyang magbuhat ng 45 kilograms.
Read: Design of train station in China, inspired by plum blossom or giant sanitary pad?
HOW ARSHIA GOT INTO DEADLIFTING
Unang nagkaroon ng interes si Arshia sa pagbubuhat ng weights noong 2020.
Ang kanyang ama ay may sariling gym na isinara muna noon dahil sa pandemya. Ang kanyang ina ay isa ring fitness buff.
Habang nasa bahay noong pandemic, para manatiling fit, nag-eehersisyo ang mag-asawa araw-araw at nakikisali sa mga kanila si Arshia.
Limang taon pa lang siya noon.
Naging sobrang mahilig siya sa pagpapalakas ng katawan dahil gusto niyang gayahin ang kanyang ina.
Kung gaano katagal mag-exercise ang kanyang ina, hinihigitan iyon ni Arshia.
Minsan ay may nabasang article si Avnish tungkol sa isang batang babaeng Canadian na nakabuhat ng 70 kilograms.
Ayon sa ama ni Arshia, “I wondered how she did it at such a young age. That’s when I thought about Arshia. I knew she was showing interest.”

Nang alisin na ang lockdown restrictions, agad dinala ni Avnish si Arshia sa gym.
Sinimulan na rin nitong turuan ang anak kung paano magbuhat ng weights.
Read: Lady outsmarts male scammer tricking her into believing her husband is gay
Arshia AND HER DAD FACE MISCONCEPTIONS ABOUT KIDS who are into WEIGHTLIFTING
Nang malaman ng kanilang mga kamag-anak na tine-train si Arshia ng ama, tumutol ang mga ito.
Pangamba ng kanilang mga kapamilya, posibleng hindi na tumangkad o maging bansot si Arshia dahil sa pagbubuhat ng mabibigat na weights.
Ito rin ang sinabi ng kanilang mga kapitbahay, at maging ng ibang miyembro ng gym ni Avnish.

Kapag nagkakalagnat o may anumang sakit si Arshia, sa pag-eehersisyo at pagbubuhat ng mabibigat iyon ibinibintang ng mga malalapit sa mag-anak.
At kahit pa expert si Avnish tungkol sa weightlifting at ipinaliwanag niyang walang kinalaman ang pagbubuhat ng mabibigat sa nagiging height ng tao, hindi ito pinakinggan ng mga tutol sa plano ng ama para kay Arshia.
Ang ginawa ni Avnish ay nag-create ng Instagram account para sa anak.
Kinunan niya ng video ang pag-eensayo ni Arshia, at ini-upload iyon sa Instagram.
Unti-unti, naging viral ang mga video ni Arshia.
Ani Avnish, “And that seemed a bit of a reward.
“Kids at my gym used to tell me that the videos got these many views. So that gave me a sort of satisfaction, that people are at least seeing what she is doing.”
At para wala nang makialam sa kanyang pagte-train kay Arshia, sa hapon niya ito dinadala sa gym kung kailan walang ibang nag-eensayo.
Read: Meet Osama Vinladen: Professional football player from Peru
ARSHIA DETERMINED TO BE A WEIGHTLIFTER
Sa kabila naman ng mga pagdududa ng mga tao sa kakayahan ni Arshia, determinado ang bata. Sinusunod niya ang ipinagagawang routine ng ama.
At dahil sa naobserbahan sa anak, naniwala si Avnish na tuluy-tuloy ang magiging progreso ni Arshia.
Bumili na rin siya ng standard equipment na para talaga sa mga weightlifters.
Dahil masyado pang mabigat noon para kay Arshia ang standard 20-kilogram barbell, bumili muna siya ng 5-kilogram rod, at 1.5-kilogram and 1-kilogram plates.
Nagpagawa rin siya ng platform na para lang kay Arshia.
Read: Man creates own fake death certificate to avoid child support obligation
Naghanap din si Avnish ng mga tutulong sa kanya para ma-train si Arshia. Kinontak niya ang mahuhusay na weightlifting coaches.
Pinapanood din niya ang anak ng weightlifting tutorials sa YouTube.
Ang target niya para kay Arshia: ang makapasok sa Olympics.
Yun nga lang, sa edad ngayon ni Arshia ay wala pa itong masasalihang international competitions.
Ani Avnish, “By the time she is 12-13 and old enough to compete, she’ll have a proper base and will be better than most kids her age.”

Batay naman sa “India Book of Records,” naitala ni Arshia ang record bilang youngest deadlifter sa Asia nang mabuhat niya ang 45 kilogram noong six years, 11 months, and 27 days old siya. Na-validate ito ng IBR noong December 28, 2021.
Noong 2023, siya ang nanguna sa district weightlifting competition, at nakuha naman ang ikatlong puwesto sa state championship.
Sa dalawang torneong ito ay lumaban siya sa under 40 kilogram weight category. Ang kanyang mga nakasagupa ay mas matanda pa sa kanya ng lima hanggang anim na taon.
Kung limitado man ang puwedeng lahukang kumpetisyon ni Arshia sa ngayon, dahil sa kanyang social media presence ay maraming oportunidad na ang dumarating sa kanya.
Ipinatawag na siya para mag-audition sa isang pelikula.
May imbitasyon din sa kanya na lumahok sa India’s Got Talent.
Sponsored na rin siya ng dalawang fitness brand ng India.
Hinahayaan naman siya ni Avnish kung ano ang gusto niyang gawin sa ngayon habang hindi pa sumasalang sa international competitions.
Read: Wife's post about husband who ghosted her goes viral; gets so much information in 14 hours
NETIZENS ON ARSHIA
Mula naman nang mag-viral ang video ni Arshia matapos buhatin ang 75 kilograms na barbell, bagaman at marami ang pumuri sa kanyang pambihirang lakas ay marami rin ang nagpahayag ng pangamba para sa kanya.
Ayon sa isang nagkomento, “Isn’t she just too young to be carrying weight as heavy as that?
“Her spine isn’t even well developed to withstand such pressure.”
Pinuri naman ang kanyang pambihirang lakas ng isang mahilig din sa weightlifting.
Ayon dito, inabot ito ng ilang taon ng pagsasanay bago nito nabuhat ang nakakayang buhatin ngayon ni Aisha. At teenager na umano ito noon.
Para naman sa isa pa, dahil sa ginagawa ngayong dedikasyon ni Arshia sa pagsasanay at sa ipinapakita nitong lakas sa murang edad, maraming kabataang atleta ang mai-inspire sa kanya.

Samantala, ang tinutukoy ni Avnish na Canadian teenager na nakabuhat ng 70 kilograms ay si Rory von Ulft.
Nagawa ni Rory ang achievement na ito noong 2020.
Pero ang totoong timbang na nabuhat niya ay 80 kilograms gamit ang Olympic bar.
Mas mabigat pa rin ito sa nabuhat ni Arshia, kaya si Rory pa rin ang may hawak ng unofficial title bilang world’s strongest girl.
Read: Goats outnumber people population on island; mayor decides to give them away
