Nakakuha ng atensiyon sa social media si Ji-Hyeon Kwak, 25, ng South Korea dahil sa kanyang commitment na mag-ipon ng pera mula sa kanyang regular na suweldo.
Nagagawa niya ito sa pamamagitan ng pagtitipid.
Unang sumikat si Ji-Hyeon Kwak noong 2022 nang maging laman siya ng mga pahayagan sa South Korea matapos maging guest sa sikat na TV program ng SBS, ang Master of Living.
Noong time na yun, sa edad na 23, si Ji-Hyeon Kwak ang pinakabatang South Korean na pinayagang makabili ng sariling apartment.
Read: Stroke survivor lines up to join raffle for the first time; wins brand-new car
Malaking milestone ito para sa kanya dahil kasama sa requirement ang pagkakaroon ng malaking savings.
Sa naturang show, ibinahagi niya na 19 years old siya nung nagkaroon ng trabaho.
Sa loob ng apat na taon ay nakaipon siya ng 100 million won o PHP4,483,508.40.
Read: Couple that won billions in lottery ends 12-year marriage

Read: Ganesh Baraiya defies discrimination, rises to become the world's shortest doctor
Dahil dito, nabigyan siya ng spot para sa apartment waiting list.
Sa South Korea, karamihan sa mga 20-something ay hindi nabibigyan ng chance na mag-acquire ng sariling space dahil sa kawalan ng kakayahang magbayad.
Kumikita siya ng two million won o PHP89,314.33 sa loob ng isang buwan—na mababa pa sa minimum wage na 3,900,000 won, o PHP163,969.69, sa South Korea
Gumagastos lang siya ng 8,400 won o PHP355.83 sa loob ng isang buwan sa groceries.
Ayon pa kay Ji-hyeon, para makatipid ay paiba-iba siya ng diet.
Kung ano ang pinakamura, yun ang kanyang niluluto at ino-order.
Read: Pasaway na estudyante noon, teacher na ngayon

Read: Employee asked by former employer for laptop password 6 months post-termination; netizens react
MANY WAYS TO SAVE
Malaking tulong din ang mga napapanalunan sa kanyang apps.
Gumagamit din siya ng elaborate system of coupons and discount cards para mabawasan ang kanyang gastusin.
Ini-scan din niya ang lahat niyang resibo para kumita ng points.
Boiled tap water at homemade tea naman ang kanyang iniinom.
Para makatipid sa pamasahe, dalawang oras siyang naglalakad papasok at pauwi sa trabaho.
Read: "World’s Narrowest House" built to spite neighbor
MONEY-SAVING GOALS
Kamakailan ay muling naging viral si Ji-Hyeon Kwak matapos i-upload sa kanyang YouTube account na nakaipon siya ng panibagong 100 million won o PHP4,197,843.60.
Nagawa niyang mapantayan ang amount ng una niyang naipon sa loob lang ng dalawang taon.
Ipinakita rin niya ang screengrab ng kanyang savings account na may laman na 200 million won o PHP8,398,342.44.
Pagbabahagi ni Ji-Hyeon Kwak sa kanyang social-media followers, noong una ay kinakabahan siya na baka hindi na siya makaipong muli lalo pa at sobrang effort ang ginawa niya sa kanyang unang ipon na 100 million won sa loob ng apat na taon.
Pero aniya, nasorpresa siya na mas madali siyang nakaipon ngayon kumpara noon.
“After reaching 100 million won, I felt that the speed of raising money was getting faster.”
Read: Largest frogs on Earth at risk of extinction

Read: Husband ends 16-year marriage after learning sad truth: 4 kids are not his
Dagdag pa niya, mas gusto niyang madagdagan ang kanyang kita at mas malaki ang matipid para maibalitang muli kapag nakaipon na siya ng 300 million won o PHP12,597,351.05.
Patuloy namang dumarami ang online fans ni Ji-Hyeon Kwak na sumusubaybay sa kanyang money-saving journey at sinusunod ang kanyang techniques.
Sa YouTube ay mayroon na siyang 20,000 followers.
Ang kinikita niya sa social media ay hindi niya isinasama sa kanyang savings.
Talagang ang suweldo lang niya ang kanyang iniipon.
Kumpara sa mga may mas malaking suweldo, kahanga-hanga ang savings ng dalaga. Bukod sa pagiging wais sa buhay at disiplinado, mainam ang kanyang maginhawang pamumuhay kahit masasabing salat sa luho.
Read: VIRAL: Guy wears T-shirt with QR code to find date at Ed Sheeran concert
