Ang buhay ni Ganesh Baraiya, 23, ay patunay na sa mundong ito ay walang imposible.
Sa kabila ng kanyang taas na three feet lamang, nakatapos siya ng pag-aaral at naging isang doktor.
Ito ay sa harap din ng napakaraming diskriminasyon na kanyang naranasan.
Read: Pasaway na estudyante noon, teacher na ngayon

Isinilang si Ganesh sa Talaja Thaluka, Gujarat, India.
Normal siya nang ipanganak, pero pagsapit sa edad na apat, napansin ng kanyang parents na ang ulo na lamang niya ang lumalaki—literally—at naiiwan ang kanyang katawan.
Dinala siya ng mga ito sa doktor.
Nalaman ng kanyang parents na may medical condition si Ganesh na hindi na magagamot—ang dwarfism.
At walang ring magagawa ang siyensiya para baguhin ang kanyang "growth hormone deficiency," na ayon sa paliwanga ng website na Cleveland Clinic ay, "The brain doesn't make enough of the hormone that causes bones to grow."
Sa awa sa kanya ng ina, nilagyan nito ng matigas na helmet ang ulo ni Ganesh para huwag nang lumaki—at para makahabol ang kanyang katawan sa size nito.
Ang gusto na lang ng kanyang ina ay maging proportion ang kanyang ulo sa kanyang katawan.
Read: Employee asked by former employer for laptop password 6 months post-termination; netizens react
BULLIED IN SCHOOL; ASKED TO BECOME A CLOWN IN CIRCUS
Nang mag-aral na si Ganesh, tampulan siya ng tukso sa paaralan dahil sa malaking ulo hindi proportional sa kanyang katawan.
Minsan, may nag-alok sa ama ni Ganesh na si Viththal Bhai ng PHP70,000 para isama ito sa isang circus at gawing payaso.
Si Viththal ay kumikita lang noon ng PHP134 sa loob ng isang araw.

Pero hindi nagpasilaw sa salapi ang kanyang ama. Sa halip, natakot si Viththal para sa kaligtasan ni Ganesh.
Inisip ng ama na baka may kumidnap sa anak, kaya ang ginawa ni Viththal ay sinamahan si Ganesh sa pagpasok sa paaralan araw-araw.
Hindi rin nito pinayagan ang anak na umalis ng kanilang bahay kung walang kasama.
Mabuti na lang, nagkaroon din si Ganesh ng mga tunay na kaibigan.
Read: "World’s Narrowest House" built to spite neighbor
PANGARAP TALAGANG MAGING DOKTOR
Sa kabila naman ng kayang pisikal na limitasyon, mataas ang ambisyon ni Ganesh.
Bata pa lang ay pangarap na niyang maging doktor.
Napakasipag niyang mag-aral, at gusto niyang laging matataas ang kanyang grado.
Nang magkolehiyo, nag-apply siya sa Bachelor of Medicine and Bachelor of Surgery degree, pero na-deny dahil sa kanyang dwarfism.
Sa kabila ng magandang kondisyon ng kanyang pangangatawan, hindi tinanggap ng Medical Council of India ang kanyang aplikasyon dahil may taas siya na tatlong piye, na halos kapantay ng usual height ng operating table, which can go as low as 2.1 feet and as high as 4 feet.
Ayon sa MCI, hindi magagampanan ni Ganesh ang kanyang responsibilidad kapag may emergency.
Gumuho ang mundo ni Ganesh dahil sa rejection, pero hindi niya isinuko ang kanyang pangarap na maging doktor.
Read: Largest frogs on Earth at risk of extinction
NAKARATING SA SUPREME COURT PAYAGAN LANG SA MEDICAL SCHOOL
Sa tulong kanyang school principal, lumapit sila sa district collector, sa education minister, at maging sa Gujarat High Court, para makapasok siya sa medical school.
Hindi siya napagbigyan ng mga ito.
Hindi naman sumuko si Ganesh at nagpatuloy sa paghahanap ng paraan hanggang makarating siya sa Supreme Court ng India.
Sa wakas, napagbigyan ang kanyang kahilingan.
Noong 2018 ay pinayagan ng Supreme Court ng India si Ganesh na makapag-enroll sa MBBS.

Nagsimula siyang mag-aral ng medisina noong 2019.
Ngayong 2024 ay nakumpleto niya ang kurso at kasalukuyang nagtatrabaho bilang intern sa Sir-T Hospital sa Bhavnagar.
Read: Husband ends 16-year marriage after learning sad truth: 4 kids are not his
MGA PASYENTE, RELUCTANT MAGPAKONSULTA
Sa isang panayam ng Indian media noong 2021, sinabi ni Ganesh na bigung-bigo ang kanyang pakiramdam noong tanggihan siyang makapag-aral ng medisina.
Pinasalamatan niya angkorte sa pagbibigay sa kanya ng hustisya.
Medisina aniya ang kanyang cherished dream simula pagkabata.
“I know I’m different, but I want to live a good life like other people and make my parents proud.”
Ngayong ganap nang doktor, nakakaranas pa rin si Ganesh ng diskriminasyon.

May mga pasyente na ayaw agad magpagamot sa kanya dahil sa kanyang sukat.
Nagiging komportable lang umano ang mga ito kapag nakitang may kakayahan talaga siyang manggamot.
Aniya, “Whenever patients see me, they are a bit startled at first, but then they accept me, and I also accept their initial behavior.
“They behave with me cordially and with positivity. They become happy as well.”
Read: VIRAL: Guy wears T-shirt with QR code to find date at Ed Sheeran concert
PROUD SA KANYANG TAGUMPAY
Hindi pa man opisyal na kinikilala si Ganesh ng Guinness World Records, itinuturing na siya bilang shortest doctor in the world.
At mukhang wala siyang kumpetisyon sa kategoryang ito.
Ayon kay Ganesh, isa itong pagkilala na ipinagmamalaki niya dahil nakapaloob dito ang makukulay na kuwento ng mga paghihirap na pinagdaanan niya at ng mga magulang para lang maging isang ganap na doktor.
