Inangat ng isang dalaga ang kinabibilangang Aeta tribe matapos makapasa sa February 2024 Criminologists licensure exam (CLE).
Si Lady Anne Duya, tubong Porac, Pampanga, ay miyembro ng tribong Mag-indi o Mag-Antsi.
Siya ang kauna-unahang babae mula sa kanilang tribo na board passer ng CLE.
Lumabas ang resulta CLE nitong March 6, 2024.
Bukod dito, si Lady Anne ay scholar din ng National Commission on Indigenous Peoples at ng Pampanga Capitol.
Graduate siya ng B.S. in Criminology sa Central Luzon College of Science and Technology sa San Fernando, Pampanga noong July 2023.
Sa college, nakatanggap siya ng awards, tulad ng Best in Thesis, Service Awardee, at Most Outstanding Criminology Intern.
Simpleng FB post ni Lady Anne noong March 7: “SALAMAT GUINO, KEKA NGAN ING KAPURIHAN (Salamat, o, Diyos, sa Iyo lahat ng kapurihan).”

Hindi naman si Lady Anne ang unang Aeta sa kanilang tribo na pumasa sa CLE.
Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 2023, itinampok si Dexter Valenton na pumasa rin sa CLE noong January 2023.
Tinukoy rin ng local government unit ng Pampanga na si Dexter ang unang Aeta na pumasa sa CLE.
Read: Meet Dexter Valenton, first Aeta na pasado sa Criminology Licensure Exam
Si Dexter, tulad ni Lady Anne, ay kabilang din sa tribong Mag-indi.
Nagtapos din si Dexter ng kursong Criminology sa parehong paaralan ni Lady Anne.
