Nang magkolehiyo si Angelo Lozano, ang pangarap talaga niya ay kumuha ng nursing.
Si Angelo ay tubong Barangay Ubbog, Bangar, La Union.
Kuwento niya nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Gmail last November 22, 2023, “Due to financial problems, hindi ko itinuloy.”
Sa halip, kumuha siya ng Bachelor of Science in Forestry sa Don Mariano Marcos Memorial State University-North La Union Campus, Bacnotan, La Union.
“Wala akong idea sa course na Forestry nung enrollment namin ng first year sa DMMMSU, kasi never ko talaga alam na nag-e-exist pala ang ganitong course.”

Dahil nursing ang kanyang gusto, nagplano si Angelo na mag-shift ng course noong first year college siya.
“Pero hindi ko itinuloy dahil sa mga new friends ko. I enjoyed studying with them.”
Nagtapos siya noong June 8, 2023 bilang cum laude.
Top 5 naman siya sa October 2023 Foresters Licensure Examination, at may rating na 90.30 percent.
Read: 13-year-old binatilyo, inakalang may diperensiya noon; nagtapos ng college with perfect GPA
SETBACKS DURING COLLEGE
Tulad ng ibang estudyante, problemang pinansiyal ang isa sa mga kinaharap na problema ni Angelo.
Ang kanyang ina ay isang Overseas Filipino Worker, at ito rin ang nagpapaaral sa bunso niyang kapatid na college na rin.
Ani Angelo, “But I am super blessed because I received scholarship from Commission on Higher Education (CHED) that supported my study from first year to fourth year."
Read: Anak niregaluhan ang ama ng sports card na ibinenta 30 years ago para masuportahan ang pamilya
Nagkaroon naman siya ng duda sa sarili nang matapos ang pandemya.
“Biglang bumaba ang grades ko, and hindi po nakaabot sa dean’s lister.
"Sobrang nadismaya po ako sa sarili ko. Lagi kong sinasabi na magaling lang yata ako kasi online class.
"Pero ngayong face-to-face na, ang baba ng grades ko. Ang bobo ko.”
Dumating din sa point na sinabi niya sa kanyang ina na hindi na niya papangarapin na maging cum laude.
“I told her na parang hindi ko na kayang ilaban. Basta maka-graduate ako, okey na ko.”

In-encourage naman siya ng ina na gawin pa rin ang kanyang best.
Ani Angelo, “...I can still hear her silent expectation na sana maka-graduate akong cum laude since wala pa sa family namin na nakaka-achieve ng Latin honors.
“So inilaban ko po uli, and luckily and blessed enough, I survived, and I graduated cum laude.”
Read: Wish list ng batang babae kay Santa Claus, puro mamahaling gadgets; netizens hati ang opinyon
PREPARATIONS FOR BOARD EXAM
Aminado naman si Angelo na maaga niyang pinaghandaan ang board exam.
In fact, sinunod niya ang payo ng unang adviser sa college na mag-bago pa mag-graduation.
“He keeps on saying na, ‘Kung magma-manifest kayo, i-manifest niyo na maging topnotcher kayo. Para kapag hindi ibinigay ni Lord, at least passer pa rin kayo.’
“So, I always manifest it, plus hard work, determination and prayers during my review journey.”
Read: Bar passer Rosula Calacala's journey from katulong to teacher to lawyer

HURDLES
Noong nagsimula nang mag-review si Angelo, nagkaroon ng problema sa pera ang kanilang pamilya.
"Si Mama po ay nakabakasyon dito sa Pilipinas kasi umuwi siya nung graduation ko.
"Unexpectedly, akala namin ay one month lang vacation niya pero biglang na-extend until December 1, 2023.”
Hindi nagsabi si Angelo sa ina na kailangan niya ng pera para sa registration kahit nag-start na ang admission para sa board exam.
Sa Professional Regulation Commission sa Baguio City pa siya magpaparehistro.
“Nahihiya po akong humingi kay Mama kasi alam ko na priority namin ang nag-aaral na kapatid ko.
“Kapag tinatanong ako ng mga friends kung kailan kami pupunta sa Baguio, umiiwas na lang akong sumagot. Kasi deep inside, parang ayoko nang ituloy kasi wala akong gagamitin na pera.”
Read: Cris Guiral, umangat ang buhay dahil sa 4ps, pagsisikap sa pag-aaral
But in the end, nung nalaman ng ina niya ang tungkol sa PRC registration, binigyan siya ng panggastos.
“Tinanggap ko po pero naiiyak ako kasi kahit may financial problems kami, todo suporta pa rin siya sa akin.”
Bukod dito, noong panahon ng review, nadagdagan ang timbang niya bunsod ng stress at kawalan ng oras sa pag-e-exercise.
“I gained so much weight po. Very different from my usual body type.
“It came to a point that someone's body shame me. That's why I'm afraid to go out before.”
Read: Genius na may master's at doctorate degrees, piniling maging jobless
NANGARAP TALAGANG MAGING TOPNOTCHER
Mahirap ang board exam, at may mga puntong ang expectation niya ay kahit maging passer lang at hindi maging topnotcher.
"Ako kasi, nag-self review ako for almost three months. May mga questions na hindi ko talaga alam sagot.
“Kaya after po ng exams, I assumed na papasa lang ako, pero hindi topnotcher.
"Pero I still pray na topnotcher sana. Lahat naman po tayo ay pangarap ang maging topnotcher.”
Ang pangarap na ito ay pangako rin niya sa ina: Bukod sa pagtatapos bilang cum laude sa kolehiyo, magigong board topnotcher din siya.
Read: Kid wins badminton tournament; buys gift for helper
Nasa galaan si Angelo nang lumabas ang resulta. Una niyang tiningnan ang list of passers.
“Kasi I know myself na baka hindi ako pasok sa topnotcher.”
Nagulat umano siya dahil andaming tumatawag sa kanya at nagko-congratulate.
“Confused po ako, then I checked yung list of topnotchers at nakita ko ang name ko sa Top 5!
“Hindi ko napigilan ang umiyak kaya umuwi agad ako sa bahay at ibinalita kay Mama and sa family ko po.”
Hindi siya nakatulog noong araw na iyon.
“Mixed emotions po ang nararamdaman ko. After how many years, may topnotcher na ulit sa Forestry from DMMMSU.”
Read: Ephraim Bie, Top 1 in bar exam, gets PHP1.95 million incentive
CONFUSED PA SA MAGIGING CAREER
Inialay ni Angelo ang tagumpay sa kanyang ina.
“During my review days, lagi siyang nasa tabi ko at ibinibigay ang lahat nang needs ko. She even bought me peanut kasi maganda raw po sa pagre-review.
“Next is to my relatives, friends and DMMMSU family po. At lagi po akong nagpapasalamat kay Lord.”

Sa ngayon ay hindi pa tiyak ni Angelo kung gusto ba niyang maging part ng academe o magtrabaho sa Department of Environment and Natural Resources.
“Both po kasi ang gusto ko that's why I'm still confused kung ano pipiliin ko.
“Whatever decision I've made in the future, pag-iisipan kong maiigi and no regrets.”
Payo niya sa mga gusto ring kumuha ng Forestry, “Hindi lang po ito gaya ng sabi nila na magbibilang ka ng puno.
“Sakop din nito ang sustainable development goals, at pangangalaga sa ating remaining forests, natural resources and protected areas.”
Read: PHP500K-worth Gold Air Jordan 3 ng Hollywood director, natagpuan sa donation bin ng isang shelter
