Naging viral noong October 2021 ang TikTok video ni Jayson Siu, 21, dahil sa isa niyang produkto, ang LED-lined rearview mirror.
Naging mabenta ito at nagkaroon maraming order na umabot sa US$12,000 (PHP671,340) ang kita sa loob lang ng isang araw.
Sa panayam ng CNBC na nalathala noong October 30, 2023, sinabi ni Jayson na first year college pa lang siya noon sa University of Hawaii sa Manoa ay side hustle na niya ang paggawa ng stickers sa kumpanya niyang Invalid.jp.
Nung natanggap niya ang napakaraming orders, tiniyaga niya ang pagpi-print at ang mano-manong pagka-cut ng mga ito.
Read: Wedding, dinagsa ng "shameless" gatecrashers; displaced ang legit visitors

Read: DOLE ipinaalala sa employers ang pagbabayad ng 13th month pay
Makalipas ang isang taon, muli siyang nag-post ng video tungkol naman sa bago niyang produkto—ang LED-backed light-up sticker.
Makalipas lang ang 24 oras, nakatanggap siya ng orders na umabot sa US$38,000 (PHP2,125,910).
Sa kabuuan, kumita si Jayson ng US$512,000 (PHP28,643,840) noong 2022.
Ngayong 2023, nalampasan na ni Jayson ang figures na kinita niya noong isang taon.
Ang dati niyang business address na two-bedroom apartment ng kanyang parents sa Honolulu ay isa nang warehouse.
Nagmistulang full-time job na rin ang Invalid.jp, at hindi na lang raket.
Pero kahit forty hours kada linggo ang inilalaan niya sa kumpanya, itinuloy pa rin niya ang pag-aaral.
Read: Story behind Taylor Swift jar for Swiftie wife who can't stop talking about the pop star
PAANO NAPALAGO ANG STICKER BUSINESS
Senior high school student pa lang si Jayson nang simulan niya ang Invalid.jp. Nagtatrabaho rin siya noon sa isang valet company.
Ang goal lang niya noon ay makaipon ng pambili ng accessories para sa kanyang kotse.
Sikat ang car stickers sa kanyang mga kaedad kaya naisipan niyang gumawa nito bilang sideline.
Nang makaipon ng US$300 (PHP16,783.50), bumili siya ng isang vinyl printer, at nagsimulang gumawa ng stickers.
Ibinibenta niya noon ang stickers sa SnapChat for US$3 (PHP167.84) hanggang US$5 (PHP279.73) ang isang piraso.
Read: Bettor wagi ng PHP147M jackpot sa "lucky pick" combination
Naging mas magastos naman ang kanyang panibagong hobby dahil gusto niyang magpalit ng parts ng kanyang sasakyan.
Kinailangan niyang magbenta ng mas mahal din na produkto.
Habang nagre-research, nakita niya sa Instagram ang ibinibentang LED-backlit rearview mirror. Ang presyo ay US$20 (PHP1,118.90) per piece.
Naisip ni Jayson na puwede niyang ibenta iyon matapos niyang kabitan ng stickers.
Umorder siya ng naturang produkto na gawa sa isang factory sa China.
Read: Vlogger nag-mukbang ng giant clams; netizen tinawag ang pansin ng DENR

Read: Tale of revenge ng mister na iniwan ng misis para sumama sa ibang lalaki
Ang ginawa niya, kinalas muna niya ang salamin, at saka nilagyan ng LED lights sa loob kasama ang pinakasikat niyang sticker na may “drive safe" message.
Matapos niyang ibalik ang salamin, makikita ang sticker kapag pinailaw ang LED.
Isang kaibigan ang nagpayo kay Jayson na mas magiging mabenta ang kanyang produkto kung ipo-post niya sa TikTok.
Sinunod niya ang payo ng kaibigan, at dumami ang natanggap na queries and orders.
Noon na niya inisip na seryosohin ang negosyo kaya nag-resign na rin siya sa valet company.
Read: Food vlogger, nagkatay at nagluto ng alligator para sa video views
DUMANAS DIN NG PAGKALUGI
Pero gaya ng ibang negosyo, naging matumal ang benta ni Jayson.
Unti-unting naubos ang kanyang kinita.
Para mapalakas muli ang kanyang benta, nag-advertise siya sa Snapchat, YouTube at Twitter.
Pero walang naging magandang resulta.
Ayon kay Jayson, para siyang nagtatapon ng pera sa ads, pero hindi naman siya halos maka-break even at minsan ay lugi pa.
Pag-amin niya, nakasira iyon ng kanyang motivation.
Read: Which is healthier: brown rice or white rice?
Ang ginawa niya, ginamit niya ang kanyang marketing budget sa ibang platforms, gaya ng TikTok, Google, Facebook, at Instagram.
Ang resulta: mas maganda dahil dumami ang nari-reach ng kanyang ads.

Read: Napakailap na Philippine brown deer, namataan sa Marinduque
Nagdagdag din siya ng mga bagong produkto gaya ng cupholders, visors, at license plates.
Nanatili namang ang pinakamalakas niyang benta ay ang stickers at LED mirrors.
Naisip niyang gawing kumbinasyon ang dalawa para makalikha ng light-up stickers na customizable at napapalitan ang kulay gamit ang maliit na remote control.
Read: Babae, nagpakasal 4x at naging milyonarya; puhunan ang ganda at galing magtahi ng istorya
MALAKING FACTOR ANG SOCIAL MEDIA SA NEGOSYO
Para kay Jayson, malaki ang naitulong ng kanyang viral video sa paglagong muli ng negosyo niya.
Malaking factor din ang kanyang social media ads at regular uploads sa TikTok dahil mas naging consistent ang kinikita ng kanyang kumpanya.
Read: Dahil sa lotto, 24 anyos na dalaga maagang naging milyonarya

Read: Post about missing pig named Kevin Bacon goes viral; reaches Hollywood actor
Tuloy pa rin sa pagkokolehiyo si Jayson. Bumili rin siya ng mas malaking sasakyan para mas marami siyang naikakarga kapag may deliveries.
Katulong ang kanyang ina at girlfriend sa pagbabalot ng mga orders.
Kamakailan ay nag-hire na rin siya ng contractors na siyang nagsu-shoot at nag-e-edit ng kanyang TikTok videos.
Maganda ang takbo ng negosyo ngayon ni Jayson, at kasama sa long-term plan niya ang mag-hire ng mas maraming staff para magkaroon siya ng time sa kanyang pamilya at mga kaibigan.
Patuloy rin siya sa pag-e-explore ng mga ideas para sa kanyang negosyo sa tulong mga nakikilala niya sa social media na gaya niya ay mahilig sa stickers.
Read: What two to five minutes of walking can do to prevent diabetes, other diseases
