Si Roger Asakil Joya ay isang sushi master, milyonaire, at owner ng three Michelin Star restaurants.
Sino ang mag-aakala na dati siyang cleaner sa Norway?
Ang three-star Michelin ay ang highest international award na ibinibigay sa isang food establishment na de-kalidad ang dishes.
Si Roger ang may-ari ng Michelin resto na Sabi Omakase sa Stavanger, co-owner ng matagumpay na Sabi Sushi Sabi Enso chains sa Norway.
Dahil dito, siya ang founder ng pinakamalaking sushi chain sa Norway na may net worth na 300 million Kroner o PHP1.5 billion kada taon, ulat ni Marco Camas ng TFC News.
Walang dudang isang malaking achievement ito para kay Roger, na tubong-Cavite, at nakipagsapalaran sa Norway noong siya ay 17 anyos lamang.
Read: 104-year-old woman dies a week after record-breaking skydive
FROM DREAM TO REALITY
Pagkatuntong sa Norway, naging cleaner sa isang restaurant si Roger.
Unti-unti ay nabuo ang kanyang pangarap niyang maging restaurateur.
‘’I came here to Norway when I was 17 years old, and after that I began to study their language and how they live here in Norway. And then after that, I found a place to work and that was a restaurant in Oslo,” kuwento niya.
Pinagbutihan ni Roger ang pagtatrabaho sa sushi restaurant, at kalaunan ay naging sushi chef siya.
Sabi niya, “So I worked hard to come up in the hierarchy of this competence.
“When I reached this level, I started Sabi Sushi in Stavanger,” sabi ni Roger.
Read: Three winners of PHP81-M lotto jackpot, all from same area in Bulacan? Netizens react

Proud si Roger sa pagsasabing certified sushi chefs ang kanyang mga trabahador kung Japanese standards ang pag-uusapan.
Tatlo sa kanyang limang restaurants ay may Michelin Stars, at mayroon pa siyang 45 restaurant chains.
Si Roger ay isa sa iilang sushi chefs sa Norway na accredited ng All Japan Sushi Association, ang katangi-tanging sushi association na aprubado ng Japanese government.
Ang husay ni Roger ay hindi lamang limitado sa kusina.
Sa katunayan, nag-compete siya sa Sushi World Cup sa Tokyo, Japan, noong August 2015, at nakakuha ng second place sa Edomae sushi category.
Pang-apat naman siya sa fourth overall ng kumpetisyon at ang top three winners ay puro mga Japanese.
Kaya’t maaaring ituring si Roger bilang “world’s best non-Japanese sushi chef.”
Bukod sa kanyang sushi business, inilalagak ni Roger ang kanyang panahon sa pagtuturo sa mga kababayan sa Norway pagdating sa pagnenegosyo.
