PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rags-to-Riches Model Maleesha Kharwa

“Now I am all over the world.”
by KC Cordero
Published Sep 26, 2023
Maleesha then and now
Ang buhay ni Maleesha Kharwa ay itinuturing sa India na isang real-life Cinderella story. Mula sa paninirahan sa slum area, isa na siya ngayong sikat na model, endorser, at influencer. (Photos courtesy of @maleeshakharwa on Instagram)

Fifteen years old pa lang si Maleesha Kharwa ng Mumbai, India, pero naging covergirl na siya ng international fashion magazines gaya ng Vogue at Cosmopolitan.

Siya ang mukha ngayon ng isang luxury skin-care brand.

Popular din si Maleesha sa social media. Sa Instagram, mayroon siyang mahigit 300,000 followers.

Sino ang mag-aakalang tatlong taon ang nakalilipas ay isa lang siyang ordinaryong teenager na nakatira sa slum area ng Dharavi, Mumbai.

Read: Hari ng isang tribu sa Ghana, hardinero sa Canada

Young Maleesha

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbago ang kapalaran ni Maleesha nang ma-meet niya ang Step Up 2: The Streets at Grey’s Anatomy actor na si Robert Hoffman.

Dahil sa chance encounter na iyon, napakalaki ng naging pagbabago sa kanyang buhay.

Unti-unti, natupad ang childhood fantasy ni Maleesha na maging isang fashion model.

Sabi niya sa panayam sa kanya ng The National, isang news company sa India, "Now, I am all over the world.

"I feel proud of myself. I always wanted to become a model.”

Five years old pa lang daw siya ay pangarap na niyang maging model.

“I dream of becoming a supermodel one day.”

Read: Lotto teller na nainip, bumili ng “ScratchIt” ticket, wagi ng PHP1M

CHANCE ENCOUNTER WITH ROBERT HOFFMAN

Paano nagsimula ang malaking pagbabago sa buhay ni Maleesha?

Tatlong taon na ang nakalilipas, nasa Mumbai si Robert Hoffman para mag-shoot ng music video.

Napansin ni Robert ang isang magandang batang babae—si Maleesha—na nakaupo sa mattress sa loob ng isang makeshift tent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilapitan niya ang bata at kinausap. Nag-post din siya sa social media ng larawan at video nilang dalawa.

Read: Mahigit PHP3M na perang ididikit sa artworks, ibinulsa ng artist; blank canvas lang ang ipina-frame

Photo of Maleesha and Robert

Agad naging viral ang video.

Hindi nagtagal, naging international sensation si Maleesha.

Nakatanggap din ang dalagita ng maraming imbitasyon para mag-audition.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagsimulang magkaroon ni Maleesha ng modeling assignments.

Read: Scientist na-decode ang language ng mga ibon; ano ang ambag ng "giant bird mask" sa experiment?

INIAHON ANG PAMILYA SA SLUM AREA

Mula sa kanyang kinikita, ang unang ginawa ni Maleesha ay alisin ang kanyang pamilya sa slum area, at kumuha siya ng isang maayos na apartment.

Pagbabahagi niya, ni wala silang kuryente noon, at malayo ang igiban ng tubig.

“Now we have a power connection, there is a ceiling fan, and we have tap water.”

Ikinuwento rin niya na noong nasa slum area pa sila, madalas gibain ng mga awtoridad ang kanilang barung-barong.

The slum area

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Now we have a safer roof over our heads.”

Masaya pa niyang sambit, “My father is proud of me.”

Read: Babaeng akala ay "joke" lang ang jackpot winners sa lotto, suwerteng nanalo

PATULOY ANG PAGSIKAT

Ngayong 2023, si Maleesha ang naging endorser ng luxury beauty brand na Forest Essentials para sa The Yuvati Collection.

Maleesha as Cosmopolitan cover

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At batay sa kanyang patuloy na pasikat sa social media at fashion world, mukhang marami pang oportunidad na darating sa kanya.

Tinaguriang “Princess of the Slum,” si Maleesha ay naging simbolo ng pag-asa ng maraming kabataan sa slum area ng India.

Read: English teacher na naging pulubi, nakabangong muli!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang buhay ni Maleesha Kharwa ay itinuturing sa India na isang real-life Cinderella story. Mula sa paninirahan sa slum area, isa na siya ngayong sikat na model, endorser, at influencer. (Photos courtesy of @maleeshakharwa on Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results