Pinatunayan ng National Basketball Association (NBA) player na si Dennis Schroder na umiikot lang ang gulong ng palad ng bawat tao.
Minsan nasa ilalim, minsan nasa ibabaw.
Isa siyang German national na ipinanganak noong September 15, 1993.
Nagsimula ang kanyang NBA career matapos piliin ng Atlanta Hawks bilang 17th overall pick sa 2013 NBA draft.
Tumagal siya sa team hanggang 2018.
Read: Misis nakatanggap ng delivery na 1,020 condoms; hindi naman siya nag-order

Read: Search for “pinakatamad” may premyong PHP60K; huling babangon ang panalo
Noong July 25, 2018, na-trade siya sa Oklahoma City Thunder.
November 18, 2020 ay na-trade siya sa Los Angeles Lakers.
Naglaro naman siya sa Boston Celtics matapos pumirma ng US$5.9M taxpayer mid-level exception contract.
Muli siyang na-trade noong February 10, 2022, this time, sa Houston Rockets naman.
Noong summer of 2022 sa U.S., walang NBA team na kumuha kay Dennis matapos siyang bitiwan ng Rockets.
Read: Ang suwerte ng mga lola! 2 senior citizens, bagong milyonaryo sa lotto

Read: Nawawalang rebulto ni Jose Rizal sa Virac, natagpuan
Nagkaroon din kasi siya ng shoulder injury at nagpagaling muna.
Wala siyang kontrata kaya walang kita.
Habang walang kontrata, noong September 2022 ay naglaro si Dennis bilang miyembro ng team ng Germany sa EuroBasket 2022.
Sa pangunguna niya, nasungkit ng Germany ang third place, at napabilang pa siya sa EuroBasket All-Tournament Team.
Sa naturang tournament ay tinalo ng Germany ang Greece sa quarterfinals kahit nasa line-up ng kalaban ang two-time Most Valuable Player na si Giannis Antetokounmpo.
Nag-average si Dennis ng team-highs 22.1 points and 7.1 assists per game.
Matapos ang EuroBasket 2022, pumirma siya ng one-year US$2.6-million deal sa Los Angeles Lakers.
Read: Grabe! Memorable moment ng newlyweds, binuking sa speech ng best man

Read: Aral mula sa story ng magkapitbahay na nasira ang pagkakaibigan dahil sa WiFi at Netflix passwords
Hindi ito kalakihan na kontrata sa NBA kung tutuusin, pero isa itong malaking oportunidad sa kanya.
Naging malaki ang papel ni Dennis para makarating ang Lakers sa Western Conference Finals—bagaman at natalo sila sa eventual champion na Denver Nuggets.
Last July 2023 ay lumagda siya ng two-year US$26-million deal sa Toronto Raptors.
Kasama sa kanyang kontrata ang mas malaking papel sa team bilang starting point guard.
Read: “Sobrang dulas” na toilet bowl, naimbento ng China; Kay tipid sa tubig, di kelangang linisan
Ang higit na nakakabilib kay Dennis, sa ginanap na 2023 FIBA World Cup ay siya ang tinanghal na Most Valuable Player habang naglalaro para sa Team Germany.
Sa ulat ng ClutchPoint, isang sports media company, sa katatapos lang na torneo ay nag-average si Dennis ng 19.1 points at 6.1 assists kada laro.
Malaki rin ang nagawa niya para talunin ang Team USA noong semifinals at makapasok ang Team Germany sa finals.
Umiskor naman siya ng 28 points sa final game laban sa Serbia, at naiuwi ng Team Germany ang gold medal.
Read: Magkano ang iPhone 15, at anu-ano ang key features?

Read: "Malnourished" at bansot na alligator, na-rescue
Bukod sa pagiging MVP, nakasama rin siya sa All-Tournament Team.
Ang kamangha-manghang basketball journey ni Dennis ay patunay na kayang baguhin ang anumang sitwasyon basta't magpupursige ka, at kayang umangat ulit mula sa anumang downfall.
Read: "My Way" itinuring na "world's deadliest karaoke song"
