PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Criminology student na make-up artist napa-graduate ang sarili

Dahil daw sa talent niya sa pagpipinta, madali siyang natuto sa pagmi-makeup.
by Bernie V. Franco
Published Aug 11, 2023
Francis John Karl Padilla
Francis John Karl Padilla was able to support his studies, send his younger sibling to school, and provide for his family's needs, thanks to his job as a make-up artist. He is now preparing to take the board exam for criminologists.
PHOTO/S: facebook (Francis John Karl Padilla)

“Hindi ko ikinahihiya ang trabaho na ito.”

Parte ito ng graduation post ni Francis John Karl “King” Padilla, 20, isang make-up artist na nakapagtapos ng B.S. Criminology.

Si King ay nag-graduate mula sa South East Asian Institute of Technology (SEAIT) sa Tupi, South Cotabato, noong July 2023.

AT dahil sa pagiging make-up artist ay napag-aral niya ang sarili, naipagamot ang inang na-stroke, napag-aaral ang kapatid, at natutulungan pa ang mga pamangkin.

Ang kuwento ni King sa Zoom interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Pagmi-make-up na po yung napagkakitaan ko sa second year hanggang nag-graduate po ako,”

“Ayaw ko kasing umasa lang sa parents. Nung Grade 12 pa lang po ako, talagang naghanap na po ako ng trabaho.

“So ayaw ko nung manghihingi na lang ng pera sa mga ate,at kuya po, sa nanay, sa tatay,” ani King na pang-labingtatlo sa 14 na magkakapatid.

“Gusto ko sa sarili ko na may mapatunayan ako sa sarili ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang masama sa kanyang side hustle, pero karaniwan kasing na-a-associate ang trabahong ito sa mga gays and girls.

Dahil isa siyang matipunong lalaki na ang kurso ay Criminology, naranasan daw niyang makuwestiyon at ma-discriminate.

“Nakaranas po ako sa school namin na ganyan po. Yung trato nila na, ‘Bakit nagmi-make up ka, e, Criminology [student] ka?’

“E, hindi nila alam sa pagiging make-up artist, andami mong matututunan.”

Sa pagigig working student, nagkaroon si King ng disiplina, na importante sa kursong Criminology.

“So madami na mga naririnig, pero wala po, hindi po ako nagpapaapekto doon kasi opinion nila yun, e.”

Nilinaw rin ni King na marami siyang kaibigang miyembro ng LGBTQIA community na masayang kasama.

Isa siyang supporter ng komunidad na ito, pero hindi raw siya miyembro.

“I'm supporting LGBT community po kasi malapit po talaga sila sa akin. Kasi mas open ako sa kanila.

“Kaya support po ako sa LGBT community po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Inakay na napulot ng magsasaka sa CamSur, isa palang Philippine Hawk Eagle

francis john karl padilla

PAANO SIYA NAGING MAKE-UP ARTISTS?

Paano nga ba nagkahilig si King sa pagme-make-up?

Basic skill kasi ng mga magagaling mag-make-up ay ang pagdu-drawing, na hilig naman ni King.

Noong nasa senior high school siya, madala na representative siya ng kanilang school sa poster-making contests.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“First year college pa lang, yung isip ko talaga parang nag-drawing pa lang ako.”

Nang tumama raw ang pandemya noong 2020 ay nasa second year college na siya.

“So, bakit kaya di ko pag-isipan yung pag-make-up? Kasi sa TikTok mag-scroll-scroll ka, puro make-up yung nadadaanan, yung mga transformation, yung ganun po...

“So nahikayat po ako na, ‘Bakit di po kayang gawin kasi marunong naman din po ako mag-drawing?’”

Ang isang pinsang make-up artist ang gumabay sa kanya.

“Di naman po masamang mag-make-up. So ayun po yung hanap-buhay ko po…”

Tinatayang PHP15,000 daw ang kaya niyang kitain sa isang buwan dahil sa kanyang side hustle.

Proud din si King sa pagsasabing marami na siyang kliyente sa Koronadal at may mga suki na rin siya roon.

“Dito po talaga na-build yung name ko kasi dati, stylist lang po talaga ako.

“Then naka-tie-up na din ako sa mga malalaking organizers dito sa amin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang bayad sa pagmi-makeup ay tinatayang PHP1,500-PHP2,500.

Read: Meet Romer Gutierrez Jazo: former seaman, waiter, bartender now manpower agency owner in the U.S.

francis john karl padilla

BAKIT CRIMINOLOGY ANG KINUHANG KURSO?

Originally, gusto sana niyang maging seaman o di kaya ay nurse.

Naisip din niyang kumuha ng HRM o Hotel and Restaurant Management.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa bandang huli, criminology ang naging kurso niya.

“Kasi may dalawa akong kuya na Army and Marine. Nakadikit yung mga pictures nila sa dingding sa bahay namin.

“Sabi ko, susunod ako naman yung nandiyaan sa picture.”

Tutal ang hilig naman niya sa art ay nai-express npa rin niya ngayon sa pagiging make-up artist.

WHAT’S NEXT FOR KING

Pinagtutuunan ngayon ni King ang pagre-review para sa board exam.

Pero tuloy pa rin siya sa pagiging make-up artist. Sayang naman daw ang kita.

Gayunpaman, sakaling makapasa ay hindi pa siya sigurado kung iiwan niya ang side hustle.

Kung suwertehing makapasa sa Licensure Examination for Criminologists ay pinag-iisipan niyang mag-apply sa Philippine National Police o Bureau of Fire Protection.

Pero aminado si King na napamahal na sa kanya ang pagiging make-up artist.

“For now, nagti-think pa po ako ng future ko kung saan ba talaga ako... saan ba talaga yung future ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hiniritan namin ng tanong si King kung ano ang mas matimbang—ang pagiging make-up artist o magamit ang pinag-aralan?

“Siguro yung mas ano po ako sa pagiging make-up [artist] po. Parang nakaano na po ako. Nala-love ko na po yung pagiging make-up artist po.”

Read: Model nakipag-date "completely naked"; suot niya ay body paint

francis john karl padilla

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anuman ang maging desisyon niya, masaya siya na merong fallback.

Ano naman ang mensahe niya sa mga estudyanteng kagaya ng sitwasyon niya?

Sabi ni King, “To all students out there, huwag niyong ikakahiya kung ano ang talento niyo.

“Ipakita niyo sa lahat na kaya niyo, kasi sayang naman po yung opportunity ninyo or talent ninyo na ipapakita sa ibang tao.

“Kasi hindi naman lahat ng mga bagay na makikita ng ibang tao ay mali.

“So do your best na lang po talaga sa inyo at huwag niyong ikumpara ang sarili niyo sa iba.

“I-prove niyo sa kanila na kaya niyo yung ginagawa niyo. Hindi importante kung ano sasabihin nila, basta ikaw sure ka kung ano yung gusto mo.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Francis John Karl Padilla was able to support his studies, send his younger sibling to school, and provide for his family's needs, thanks to his job as a make-up artist. He is now preparing to take the board exam for criminologists.
PHOTO/S: facebook (Francis John Karl Padilla)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results