PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Student on PHP1M Gift: “Prank”|

"Deserve kasi ni CJ yung one million."
by Bernie V. Franco
Published Jul 22, 2023 | Updated Jul 21, 2023
money cape
Kinagiliwan ng netizens ang cape money na nagkakalahaga ng PHP1 million bilang graduation gift ni CJ Baybay mula sa kanyang nakatatandang kapatid na si Christian Merck Grey (in red shirt). Kasama nila sa photo ang kanilang ina. (Inset) Bakas ang kaligayahan ni CJ na nakatanggap din ng gold necklace mula sa kuya.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)

Hindi makapaniwala ang isang Grade 10 sa PHP1 million na natanggap mula sa kanyang kuya bilang graduation gift.

Inisip niyang isa lamang itong prank dahil isang vlogger ang kanyang nakatatandang kapatid.

Naghintay pa ang estudyante na bawiin ng kanyang kuya ang limpak-limpak na salapi. Pero hindi pala ito prank!

At bukod sa PHP1 million ay may kasama pa itong gold necklace.

Ito ang karanasan ng Grade 10 graduate na si Charles Joseph “CJ” Baybay matapos mag-graduate sa isang high-school campus sa Quezon City kamakailan.

Ang galanteng regalo ay galing sa kanyang kuya, ang half-brother na si Christian Merck Grey, isang vlogger.

Read: Rider in Davao City arrested for Superman stunts on the road

SURPRISE GRAD GIFT

Dapat kasama ni CJ na pupunta sa school ang kuya niya sa araw ng graduation, kuwento ng binata sa Good News episode ng GMA News nitong July 15, 2023.

Ani CJ, “On the day of my graduation, my brother was supposed to come with me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But he’s like, ‘No, no, no. I have to stay behind because I have a gift for you.’”

Sumunod sa school si Christian pagkatapos ng graduation ceremony.

At dito niya sinorpresa ang nakababatang kapatid.

Ang money cape ay gawa sa tig-iisanlibong piso na may total amount na PHP1 million.

Sabi ni CJ, “A cape and it had a lot of money in it. And I was like, ‘Nah, this has gotta be a prank.’”

Read: 17-anyos na dalagita, nag-vandalize sa Colosseum; dinala sa presinto kasama mga magulang

money cape

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang araw matapos ang graduation, hindi pa rin binabawi ng kanyang kuya ang pera.

Pagpapatuloy ni CJ, “It was in my room for two days and I was like, ‘When’s he gonna get it back?’ And then I was like, ‘Oh, he actually gave it to me.’”

Hindi nilustay ng binata ang perang iniregalo ng kanyang kuya at ipinatago sa kanilang ina.

“I think I’d rather use that one million to invest in my business or whatever in the future," sabi ni CJ.

Read: Lola, ni-landing ang eroplano matapos magka-medical emergency ang piloto

DESERVING OF THE GIFT

Samantala, ibinahagi ni Christian kung bakit PHP1 milyon ang iniregalo sa kapatid.

Anang vlogger, “Nung napag-usapan namin ng wife ko, ang ireregalo talaga namin is kotse. E, babalik na siya sa U.S. ‘Wag kotse,’ sabi ko, ‘pera kaya.’”

Sabi ng misis ni Christian na si Pamela, “Deserve kasi ni CJ yung one million kasi matalino siya. With honors siyang grumadweyt at mabait talaga siyang bata.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lahad ni Christian tungkol sa kanyang half-brother, “Magkapatid lang kami sa mother ko. So, parehas kaming walang tatay.”

Nagtrabaho raw noon sa Guam ang kanyang ina, at nang makabalik sa Pilipinas ay buntis na raw ang nanay niya kay CJ.

Noong una raw ay hindi matanggap ni Christian si CJ, pero kalaunan ay nabuo ang maganda nilang pagsasamahan bilang magkapatid.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinagiliwan ng netizens ang cape money na nagkakalahaga ng PHP1 million bilang graduation gift ni CJ Baybay mula sa kanyang nakatatandang kapatid na si Christian Merck Grey (in red shirt). Kasama nila sa photo ang kanilang ina. (Inset) Bakas ang kaligayahan ni CJ na nakatanggap din ng gold necklace mula sa kuya.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results