Epektibo ang naging strategy ni Alexander Bandiola Jr. para manguna sa May 2023 certified public accountants (CPA) licensure exam.
Si Alexander, 23, ay nagtapos bilang magna cum laude sa University of The Cordilleras noong nakaraang taon.
Siya ang first placer sa CPA board exam noong Mayo ngayong taon at nakakuha ng average na 89.50 average score.
Consistent honor student din si Alexander mula elementarya at high school.
Taxi driver sa Baguio ang kanyang ama at retired employee naman ang kanyang ina.
Read: Narcilisa Talipnao aimed for at least 85% rating; aba, nag-top 1 sa criminologist board exam!

Read: Dating construction worker na topnotcher sa CPA board: “Success is not a race nor a competition.”
SECRET TO BEING A TOPNOTCHER
Ibinahagi ni Alexander ang naging sikreto niya para matiyak na magiging topnotcher siya sa board exam.
"Nung first year pa lang po ako, gusto ko na talagang maging topnotcher. Pero hindi ko po inaasahan ay maging first [placer],” kuwento niya sa Bombo Radyo Baguio interview.
Ang iba raw kasi ay puspusan ang paghahanda sa pagre-review matapos mag-graduate.
Pagdedetalye niya, ”Yung paghahanda po kasi para sa board exam hindi lang nagsisimula sa review.
“Nung first year pa nga lang po, e gusto ko na po talaga [mag-topnotcher].
“First year pa lang po ako nagta-try na po ako sa mock board exams ng school namin.
“’Tapos kung may academic competitions, sinasalihan ko po lahat.”
Sa ganitong paraan, nahahasa na at naeensayo na ni Alexander ang sarili.

Read: Pagiging Top 1 sa board exams, advantage ba sa job hunting?
TAKING THE REVIEW SERIOUSLY
Samantala, ipinagpatuloy ni Alexander ang pagpupursige hanggang sa panahon ng kanyang review after graduation.
Sa Facebook page ng kanyang review center na REO CPA Review, ipinost ang testimonial ni Alexander tungkol sa kanyang success story sa board exam.
Ipinagsabay niya ang online at face-to-face review sessions ng naturang review center.
Sa dami ng review materials, inamin niyang minsan ay nakaka-overwhelm.
Ito naman ang kanyang istratehiya, “Kailangan i-prioritize kung ano ang uunahin at tatapusin.
“First I focused on finishing the pre-recorded lectures and addressing my weak points.
“Then I attended the face-to-face classes and online live lectures, and answered the quizzers to confirm my understanding.”
Tip naman niya sa future board takers, “Plan out what and when you’re going to finish the topics, maintain a consistent sleeping schedule, but also remember to make time for yourself.”
Aniya sa mga nangangarap na maging CPA, “Isa ito sa mga kilalang pinakamahirap na exam dahil mababa nga rin yung passing rate.
“Wag kayong matakot. Pursigido lang [dapat] kayo dahil worth it naman yung license.”
Plano naman ni Alexander na magtrabaho sa isang auditing firm matapos makapagpahinga.
