Agaw-eksena sa social media ang higanteng pusa matapos i-post ang mga larawan nito ng owner.
Maraming namangha sa laki ng pusa na isang Maine Coon Cat at ang owner nito ay si Zaide Javile, isang cat lover mula Bacolod City.
Ani Zaide sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang isang quality Maine Coon Cat na isinilang na sa Pilipinas ay nagkakahalaga ng PHP60,000-PHP90,000 depende sa kulay.
Ang imported naman ay nagkakahalaga ng PHP90,000 pataas.

Si Indigo, ang Maine Coon Cat ni Zaide Javile
Si Zaide ay may 28 alagang pusa at 10 rito ay Maine Coon Cats na kinabibilangan ng mga kuting.
Isa ring cat breeder si Zaide at may vlogs about cats via Facebook (Sinbad the SeaFurrer at Skipper Tom Cattery).
Ang iba pang cat breeds niya ay British Shorthairs, Highland Folds, Flatface Persians, Dollface, at Munchkins.
May mga alagang aso rin si Zaide, pero mas marami ang mga alaga niyang pusa.
Read:
- Stray cat sa Mandaluyong noon, security cat na sa isang building ngayon
- Kilalanin si Urus, ang pedigreed dog na nagkakahalaga ng PHP10 million
CAT LIKE A SIBERIAN HUSKY
Ipinost ni Zaide ang nakamamanghang larawan ng kanyang alagang maine Coon Cat na si Indigo.
Post ni Zaide, dahil sa maganda at makapal na balahibo ni Indigo ay “kadalasan napagkakamalan syang aso na husky.”
Aniya, two years old pa lang si Indigo at hindi pa tapos ang paglaki nito. Inaasahang maabot ng isang Maine Coon Cat ang optimum growth nito sa ikalimang taon nito.
Ani Zaide, tunay na malaki at mabigat ang pusang tulad ni Indigo.
Karaniwang mabuhok, mas malaki sa regular na pusa, at sinlaki ng isang aso ang isang Maine Coon Cat.
Dahil dito, marami ang na-curious sa pusang si Indigo.

Sabi ni Zaide sa interview ng Dapat Alam Mo! Ng GMA News, “[Year] 2020 I think kumuha ako ng breed na ganyan.
“Because of their size… nakaka-starstruck talaga sila na ang laki-laking pusa.
“Minsan natatakot din ako kasi mamaya mapagkamalang wild cat.”
ORIGIN OF THE MAINE COON CAT
Imported kasi ang breed ng Maine Coon Cat, na nagmula sa Maine State sa United States. Ginawa pa ngang official state cat sa Maine ang pusang ito.
Alagang-alaga ni Zaide ang kanyang mga alagang pusa.
Sabi pa niya, “I had a place talaga na pina-aircon muna para mas madali silang maka-adapt.”
Ang isang male Maine Coon Cat ay umaabot ang timbang sa 13-18 lbs o 6-8 kilograms. Ang female version naman nito ay 8-12 lbs o 3-5 kgs.
Maamo naman kung ilarawan ang isang Maine Coon Cat kaya tinagurian din itong “gentle giant.”
Sabi pa ni Zaide, “Maine Coons are slow grower because they are very big on their sizes. Even until one year mga kittens pa sila.”
At di gaya ng ibang pusa, mahilig ito sa tubig. Dahil sa makapal na balahibo nito, nakakatulong ang pagtatampisaw nito sa tubig para ma-regulate ang body temperature nito.
