PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rems Tuyay: Iyak Lang... Laban Ulit

“Tulo nang tulo ang luha ko sa shuttle habang pauwi."
by KC Cordero
Published Jun 1, 2023 | Updated Jun 1, 2023
Rems Tuyay crying
Akala ni Rems Tuyay ay kaya niyang magpakatatag sakaling bagsak siya sa March 2023 Licensure Examination for Teachers. “Sabi ko, hindi ako iiyak sa boarding house dahil nakakahiya sa mga kasama ko. Pero the moment na pagpasok ko sa pinto, humagulhol na ako. Inilabas ko ang lahat ng sakit.”

Isa si Rems Talagtag Tuyay sa kumuha ng March 2023 Licensure Examination for Teachers.

Lumabas ang resulta noong May 19, at isa siya sa mga sabik na nag-abang sa mga pangalan ng mga nakapasa na ini-release ng Professional Regulation Commission sa website nito.

Read also: Joan Ramirez who passed teacher’s board exam: “Proud po ako na isang kasambahay.”

Recent photo of Rems Tuyay

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang Facebook post noong May 21, ibinahagi ni Rems ang mga pangyayari.

Aniya, kalalabas lang niya noon sa trabaho at nag-overtime pa kaya sobrang pagod na pagod siya.

Pagkasakay niya sa shuttle service, inilabas niya ang kanyang rosaryo at nanalangin. Ipinagpasa-Diyos na lang ni Rems ang magiging resulta.

Dasal umano niya, "Ama, maraming salamat sa lahat. Ikaw na po ang bahala.

“Ano man ang maging resulta, maluwag po sa aking dibdib na tatanggapin. Nawa'y gabayan mo po ako sa mga oras na ito."

Read also: Meet King Bergonio, chemist and Top 5 agriculturist; an achiever and a survivor

Ani Rems, moment of truth nang magsimula na siyang mag-scroll sa PRC website para tingnan ang kanyang pangalan.

At nalaman niya ang masakit na katotohanan. Hindi siya pumasa.

Pagbabahagi pa niya, “Maraming messages akong natanggap na di nga nakasama ang aking pangalan.”

Rems Tuyay crying

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Meet King Bergonio, chemist and Top 5 agriculturist; an achiever and a survivor

Ramdam na ramdam noon ni Rems ang sakit.

“Tulo nang tulo ang luha ko sa shuttle habang pauwi.

“Tinatanong ako ng mga katrabaho ko, 'Accla, ano’ng nangyayari, bakit ka umiiyak?’

“Pero tinatatagan ko lang, at nakuha ko pang magbiro at magpatawa sa kanila.”

Pero sa kalooban ni Rems ay sobrang sakit sa dibdib ang kanyang nararamdaman.

Read also: Principal in Surigao passes bar exam; chooses to prioritize serving school

Halos bumagsak ang kanyang katawan at mawalan ng malay.

“Hindi ako makahinga. Pero ako ito, e. Kilala ako ng mga tao na masayahin at matatag.”

Pagbaba niya ng shuttle service, “Sabi ko sa sarili ko, ‘Tama na ang pag-iyak. Kaya mo iyan. Laban lang, uusad pa.’”

Habang naglalakad din siya ay isang disposisyon ang kanyang pilit na pinanindigan.

“Sabi ko, hindi ako iiyak sa boarding house dahil nakakahiya sa mga kasama ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero the moment na pagpasok ko sa pinto, humagulhol na ako.

“Inilabas ko ang lahat ng sakit.”

Read also: Alexis Alegado, 4Ps beneficiary, Top 1 sa Civil Engineering Licensure Exam

Nakapanayam si Rems ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last May 29 via Facebook Messenger.

Nagbigay siya ng pahintulot na maibahagi ang kanyang naging pagtanggap sa resulta ng March 2023 LET.

Rems Tuyay during her OJT days

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Grade 4 student from Muntinlupa, gold awardee sa international math contest

Tubong Camarines Sur si Rems, at nagtapos ng Bachelor of Science in Elementary Education sa Holy Trinity College of Bato noong 2022.

Ang larawan sa itaas ay kuha noong nag-practicum siya.

Kuwento pa niya, ang mga bata ay mas matatangkad na ngayon sa kanya.

Bagaman at nagtatrabaho na siya ngayon sa isang private company bilang production operator, gusto niyang makapasa sa LET at maging ganap na guro.

Iyon talaga ang pangarap niya.

Read also: 4Ps "National Exemplary Child" Shemiah Pineda now an engineer

Ayon kay Rems, nang kumalma na siya, maluwag niyang tinanggap sa kanyang sarili na ganoon talaga ang buhay—may panalo at talo.

Sambit pa niya, “Hindi naman masusukat ang pagkatao mo ng board exam,

“Magpakatatag ka sa lahat ng pagsubok o hagupit ng buhay dahil walang ibang tutulong sa iyo kundi ang sarili mo.”

Read also: Island girl from Lapu-Lapu offered PHP55-M worth scholarships from 10 U.S. schools

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinasalamatan din ni Rems ang lahat nang nagtiwala sa kanya.

“Hindi ko man kayo maisa-isa, sobrang nagpapasalamat ako sa inyo dahil kahit talo, lagi kayong naririyan sa tabi ko.

“Pasensiya na po sa lahat nang umasa at na-excite hindi po pinalad sa ngayon.”

Nagpaabot naman ng suporta sa kanya ang mga kaibigan.

Sambit ng isa, “We have unlimited chances in life, Remma. Iiyak mo lang ngayon, ‘Nak, tapos laban ulit.”

At iyon talaga ang nasa plano ni Rems.

Pagtitiyak niya sa PEP.ph, “Sa September, kukuha po ako uli ng board exam. Laban lang.”

Read also: Cum laude-board passer gets apology from girl who ghosted him

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Akala ni Rems Tuyay ay kaya niyang magpakatatag sakaling bagsak siya sa March 2023 Licensure Examination for Teachers. “Sabi ko, hindi ako iiyak sa boarding house dahil nakakahiya sa mga kasama ko. Pero the moment na pagpasok ko sa pinto, humagulhol na ako. Inilabas ko ang lahat ng sakit.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results