Isa si Shemiah M. Pineda, 23, ng Occidental Mindoro sa mga pumasa sa April 2023 Civil Engineering Licensure Examination.
Nagtapos siya sa Technological Institute of the Philippines noong October 2022 “With Academic Distinction.”

Read also: Alexis Alegado, 4Ps beneficiary, Top 1 sa Civil Engineering Licensure Exam
Sa artikulong inilathala ng DSWD Field Office MIMAROPA last May 1, 2023, nagbalik-tanaw ang ahensiya nang unang makapanayam si Shemiah noong October 25, 2013, habang isinasagawa ang National Search for Exemplary Pantawid Pamilya Children.
Ayon sa DSWD, umiyak si Shemiah nang maitanong dito kung bakit wala ang kanyang mga magulang.
Napag-alaman na 10 years old pa lang siya nang iwan silang mag-anak ng kanyang ama.
Napilitan namang magtrabaho ang kanyang ina sa Maynila para masuportahan silang magkakapatid.
Ayon kay Shemiah, “Hindi ko lang po talaga mapigilan [ang umiyak] kapag tinatanong ako tungkol sa kanila.”
Ang eksenang iyon din ang nagbigay ng malaking pagbabago sa kanyang buhay.
Read 65-year-old Nancy Regis among bar-exam passers
2013 NATIONAL PANTAWID PAMILYA EXEMPLARY CHILD WINNER
Naging monitored child si Shemiah ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) nang maging benepisyaryo ng programa ang kanyang pamilya noong 2013.
Consistent honor student noong high school, tinanghal siya bilang Regional Pantawid Pamilya Exemplary Child sa MIMAROPA.
Siya rin ang tinanghal na 2013 National Pantawid Pamilya Exemplary Child winner.
Read Angel Kate Caritan’s 'halos walang tulog' board-exam journey
Dahil sa award, nakatanggap ang pamilya ni Shemiah ng PHP50,000.00 cash prize.
Dito na rin nagsimulang mabago ang buhay niya mula sa malungkot na mga karanasan.
Pagbabahagi ni Shemiah, “We used the money when my father left us.
“We couldn’t talk to our mother. Being the eldest child, I don’t know how to ease the situation because I was still young.
“All I felt was fear, fear of the thought that we would be left behind because Mama seemed to have given up and she doesn’t know how to raise us.”
Aniya, naranasan din nilang magkakapatid na maghati-hati sa konting pagkain, "because we had nothing.”
Shemiah's achievements
Nagbukas din ang pagiging National Exemplary Child ni Shemiah ng maraming oportunidad.
Naging child representative siya ng kanilang barangay at munisipalidad.
Maraming indibidwal na may mabuting kalooban ang nakita ang kanyang potensyal at nagkaloob ng tulong sa kanya.
Ang San Jose LGU ang sumuporta sa kanyang senior high school sa isang private institution dahil hindi ito sakop ng 4Ps cash grants.

Read also: Topnotcher shares strategies to ace Licensure Examination for Teachers
Panibagong pagsubok naman ang kanyang naranasan nang mag-aral siya sa kolehiyo.
Inakala niyang susuportahan siya ng kanyang ama, pero hindi iyon nangyari.
Kuwento ni Shemiah, “When I arrived here in Manila, I would probably starve if I didn’t know how to find ways.”
Natulungan siya ng kanyang mga kamag-anak para makapag-enroll sa TIP.
Nanirahan siya sa bahay ng isang tiyahin.
Para may panggastos, nag-apply siya sa iba’t ibang scholarship programs.
Kaya nang makatapos at ngayon ay isa nang ganap na engineer, hindi nakakalimutan ni Shemiah ang naging pag-alalay sa kanya ng DSWD.
“Marami po akong narating dahil sa inyo. Thank you so much po.
“Engineer na po iyong 2013 National Exemplary Child ninyo.”
Nagpasalamat din siya sa lahat nang naging bahagi ng kanyang journey.
Read also: Inventor-aeronautical engineer Mark Kennedy Bantugon recounts times his faith in God was tested
SHEMIAH'S FAMILY
Pangarap ngayon ni Shemiah na magkasama-samang muli ang kanyang pamilya.
“I don’t want my mom to live far from us anymore because of work.
“If I could send our youngest to school, I’ll take care of it.”

Read also: Samantha Rojo’s board-exam journey: From 74 percent na bagsak, to 90 percent
Payo niya sa mga kabataang gaya niya ay marami ring pagsubok na pinagdadaanan, “Huwag tayong sumuko hanggang sa maabot natin ang ating mga hinahangad.
“Tandaan natin na walang pangarap na imposible basta nagpapatuloy. Each step counts, every effort counts.
“Habang gumagawa tayo ng paraan para mangyari ang ating ninanais ay walang imposible.”
Sa kanyang Facebook post noong May 3 ay nag-upload siya ng larawan kalakip ang titulo bilang isang ganap na inhinyero.
Ang kanyang caption: “Tuwing napapanghinaan ng loob, I always remind myself na it already took long to be where I am right now.
“Malayo pa, pero malayo na, kaya keep going.”
Sa ngayon ay konektado si Shemiah sa isang kumpanya na nagpa-fabricate ng mga salamin.