Kabilang si Sebastian Esai Eco Eviota, mas kilala bilang Baste, sa 23 new recruits ng Pontifical Swiss Guard sa Vatican.
Ang 24 anyos na Filipino ay tubong Davao City.
Batay sa artikulo na naka-post sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) news website last May 8, 2023, pormal nang naging bahagi si Baste ng Pontifical Swiss Guard.
Read also: Meet Sebastian Eviota, Pinoy na member ng elite Swiss Guard na nagpoprotekta sa Pope

Read also: Pinoy mailman in Los Angeles retires after 22 years: "This is it. I’m done."
Ipinanganak si Baste noong 1998.
Ang kanyang amang si Diomedes ay tubong Surigao City, habang ang kanyang inang si Editha, na sumakabilang buhay na noong 2000, ay mula naman sa Esperanza, Agusan del Sur.
Lumipat si Baste sa Switzerland noong 2009 kasama ang nakatatandang kapatid sa pamamagitan ng family reunion visa.
Lumahok siya sa Youth for Christ, ang youth ministry ng Couples for Christ (CFC).
Bago naging miyembro ng Swiss Guards, si Baste ay naging second lieutenant sa Swiss Army noong January 2022 matapos makumpleto ang kanyang basic training.

Read also: Ang dalawang Pinay na imbitado sa koronasyon ni King Charles III
Siya ang first full-blooded Filipino, at ikalawang Pinoy na napabilang sa Swiss Guards.
Ang una ay si Vincent Lüthi, isang Swiss-Filipino na ang ina ay nagmula sa Cebu.
Ginanap ang panunumpa ng mga bagong recruits noong May 6, 2023.
Ang okasyon ay sinaksihan ng mga pamilya ng mga bagong recruits, at ng delegasyon ng Swiss Confederation at Swiss Bishops.
Itinataon ang ganitong seremonya tuwing May 6 bilang paggunita sa sakripisyo at kabayanihan ng 147 Swiss Guards na namatay habang pinuprotektahan si Pope Clement VII sa panahon ng Sack of Rome noong 1527.
Naganap ang Sack of Rome nang salakayin ng nagrerebeldeng Holy Roman Empire troops ang lungsod sa paghahanap ng madarambong.
Bagaman at kokonti ang Swiss Guard na tagapagtanggol ng Vatican, magiting silang nakipaglaban sa mga sumalakay at isinakripisyo ang kanilang buhay para makatakas ang Santo Papa.
Read also: Island girl from Lapu-Lapu offered PHP55-M worth scholarships from 10 U.S. schools

Bago naman ang seremonya, dumalo ang mga bagong Swiss Guards sa misang ginanap sa St. Peter’s Basilica.
Nakipag-meeting din sila kay Pope Francis sa Apostolic Palace.
Pinayuhan sila ni Pope Francis na gamitin ang kanilang oras sa paglilingkod sa Vatican, at mas palalimin pa ang kanilang pananampalataya.
Read also: King Charles' equerry Johnny Thompson scene-stealer at coronation ceremony
Ang Swiss Guards ay itinatag ni Pope Julius II noong 1506.
Isa itong military body na binubuo ng Swiss citizens na ang pangunahing tungkulin ay ipagtanggol ang Santo Papa at ang residence nito.
Kabilang din sa kanilang tungkulin ang samahan ang Santo Papa sa apostolic journeys nito, at protektahan ang College of Cardinals kapag namatay o nagbitiw ang Santo Papa at wala pang naitatalagang kapalit.
Read also: Alexis Alegado, 4Ps beneficiary, Top 1 sa Civil Engineering Licensure Exam
