Nagmula si Jezriel James Maquiñana Jacob, 23, ng Tinambac, Camarines Sur, sa pamilya ng mga guro.
Ang kanyang ama ay naging school head sa isang paraalan sa Tinambac. Ang kanyang ina at ate ay parehong elementary-school teachers, habang ang kuya niya ay senior-high-school teacher.
Gayunpaman, nung nagkolehiyosi Jezriel ay ibang landas ang tinahak niya.
Pagbabahagi niya nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Facebook Messenger last March 23, 2023, “Noong bata pa po ako, pinangarap ko nang maging doktor.
“Pero wala akong idea noon kung anong kurso ang dapat na kunin sa college.”

Read also: Shanna Mae Goyena, Top 2 sa Architecture Licensure Exam; excited "makatulong" sa mga magulang
Wala rin siyang hilig sa science mula elementary hanggang junior high school.
“Kaya nawala po sa isip ko noon ang pagdo-doktor. Gusto ko sanang maging engineer dati.”
Pagsapit sa senior high school, nagka-interes na siya sa science.
“Nagustuhan ko ang mga pinag-aaralan noon tungkol sa ating katawan at kung paano nagwo-work ang cells sa loob ng ating katawan.
“Dahil dun, nabuhay ang pangarap ko na maging doktor.”

Bilang preparasyon sa pagdo-doktor, kumuha siya ng Bachelor of Science in Medical Laboratory Science sa Adventist University of the Philippines, at nagtapos noong August 23, 2022 bilang summa cum laude.
Top 5 siya sa March 2023 Medical Technologists Licensure Examination, at may rating na 91.50.
Read also: Gwyneth Grace Porras, BTS fan, Top 7: “My best moment is yet to come.”
NAGKASAKIT ANG AMA NANG MAG-COLLEGE SIYA
Dahil mga guro ang parents at kapatid, kuwento ni Jezriel nang magkolehiyo siya, “I find it challenging to survive in the course that I took kasi wala akong natatanungan tungkol sa mga pinag-aaralan namin.
“Pag may concepts na mahirap intindihin, hindi ako nakakapagtanong sa kanila kasi hindi rin naman nila alam.”

Kaya todo ang pakikinig niya sa class discussions para hindi na niya kelangang magtanong o mag-research.
Ang isa pa niyang naging mabigat na pagsubok, “During my fourth year in college, my father was diagnosed with a cerebrovascular disease which caused him to depend on his daily activities on other people.
“Thankfully, because during that time, online lang yung class namin due to the pandemic, I was able to take care of my father.”
Aniya, sa awa ng Diyos, kinaya niyang pagsabayin ang online class at pag-aalaga sa kanyang ama.
Naging focused din siya sa goal na makapagtapos ng college with latin honors.
“Kahit ano man kasing hirap ng pag-aaral, kapag inspired tayo at alam natin na maraming tao ang sumusuporta sa atin, nagiging madali ang lahat.”
Read also: Meet Francis Gubangco: Lumaki sa slum area, nagtiis sa PHP17 na baon, engineer na ngayon
NAHIRAPAN SA PAGHAHANDA SA BOARD EXAM
Mas naging mabigat ang mga hamon kay Jezriel nang maghanda na siya para sa board exam.
“Medyo hindi ko po na-feel yung hirap na pagsabayin ang online class at ang pag-aalaga kay Papa. Pero iba pala kapag board exam na ang paghahandaan.”
Hindi lang aniya ang mental aspect ang kailangang ihanda, kundi physically, socially, and spiritually.
“Nung time po na yun, halos araw-araw ramdam ko yung pagod ng katawan sa pag-aalaga kay Papa.”
May mga araw na dahil sa pagod at puyat, hindi na siya nakakapag-review.
“During daytime po kasi, ako ang nag-aalaga kay Papa, nagpapakain, nagbubuhat, at nagpapaligo dahil ako lang ang naiiwan sa bahay.”
Nakakapag-review lang siya nang maayos tuwing gabi at madaling-araw.
“Ganyan po ang naging set up ko hanggang matapos ang 2022. Pero noong January, humingi na ako ng katulong sa pagbabantay kay Papa kasi feeling ko, di ko na talaga kakayanin kasi tatlong buwan na lang at mag-e-exam na.”
Read also: Board passer, inspirasyon si Sarah Geronimo para makatapos ng college, makapasa sa board exam
ANG DAMI NIYANG ‘WHAT IFS’
Fortunately, pumayag ang kapatid ng ama ni Jezriel na tulungan siya.
“Nung time po na yun, feel ko na talaga yung pressure kasi palapit na nang palapit ang exam, and di pa ako ready.”
Tuwing maiisip niya ang board exam, pinanghihinaan siya ng loob.
“Maraming ‘what ifs’ ang pumapasok sa isip ko. What if mabagsak, matatanggap ko ba yun? What if di ko ma-meet ang expectations ng mga tao sa akin, what if di ko kayanin ang exam?”
Read also: Yalany Soliva, duda sa sarili, Top 4 sa nursing board exam
NAG-SET NG GOAL NA MAGING TOPNOTCHER
Pagtatapat ni Jezriel ay hindi niya naramdamang handa siya sa pagkuha ng board exam dahil alam niyang kulang ang kanyang naging pagre-review.
“With the challenges that I had to go through while preparing for the board exam, hindi ko na-feel na sapat na ang mga inaral ko para ma-achieve yung goal na nai-set ko para sa sarili ko.
“In fact, after the last subject of our board exam, hindi na po ako nag-expect na makakasama ako sa topnotchers kasi nahirapan talaga ako sa exam.”
Ipinag-pray na lang niyang Diyos na ang bahala dahil ginawa rin naman niya ang best niya.
“Kahit mahirap, I dreamed of becoming a topnotcher po para in case na di ko man ma-achieve yung goal ko, mataas pa rin ang chance na makakapasa ako.”
Read also: Consuelo Caldosa, hindi akalaing Top 9 sa nursing board exam: “Blessing na po ang makapasa...”
Kaya nang lumabas na ang resulta, “Di ko po napigilang mapasigaw at umiyak sa tuwa nung nalaman kong nakapasa ako sa board exam and napabilang pa sa mga topnotchers!
“Hindi agad nag-sink in sa isip ko ang nangyari dahil hindi ko na ine-expect na magiging topnotcher ako.
“I was reminded that time na kahit ano mang pagsubok ang dumaan sa buhay natin, kung isu-surrender lang natin ang buhay natin sa Diyos, Siya na ang bahalang gagawa para sa atin.”

Iniaalay ni Jezriel ang tagumpay sa kanyang parents na hindi nagkulang sa pagsuporta sa kanya since day one.
“Nakita ko po talaga ang kanilang sakripisyo at pagpupursige na matustusan ang mga pangangailangan ko sa pag-aaral.
“Kay Papa po, hindi man madali ang pag-aalaga, pero kakayanin ko dahil kung paano niya kami inalagaan nung bata pa kami, ganun din namin siya aalagaan at mamahalin.”
Read also: Yvonne Olayvar, Top 7 sa Geology board exam: “Mama...pwede ka na pong mag-retire!”
Sa ngayon ay focus muna si Jezriel sa pag-aalaga sa kanyang ama.
“Gusto ko rin pong mag-proceed sa medicine, pero considering our situation, parang mas gusto ko na munang magtrabaho para makatulong na rin sa mga gastusin.”
Payo niya sa mga gusto ring maging med tech, “Hindi magiging madali ang inyong pag aaral. Maraming challenges and trials ang magte-test ng inyong tiwala sa inyong sarili at tiwala sa Panginoon.
“Pero I know you can also make it. Remember to trust in God because He is way bigger than our anxieties, problems, and fears.”
