PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jose Rizal, may topless “selfie” noong kanyang kabataan

Jose Rizal, iginuhit ang sarili gamit ang kanyang mirror reflection.
by Bernie V. Franco
Published Feb 14, 2023
jose rizal topless selfie
Iginuhit ni Jose Rizal ang kanyang reflection sa salamin para sa training class niya sa sketching. Ginawa niya ito na naka-topless. Ang orihinal na kopya nito ay pinaniniwalaang nasira noong World War II, taong 1945.
PHOTO/S: Lineage, Life, and Labors of Jose Rizal by Austin Craig / pressreader.com

Bago pa man mauso ang selfie sa social media, ginawa na ito ng ating national hero na si Jose Rizal.

Selfie ang tawag sa pagkuha ng solo photo gamit ang camera ng smartphone.

Dahil wala pang ganitong gadget sa panahon ni Rizal, ang selfie ng pambansang bayani ay isang self-sketch ng kanyang reflection sa salamin.

Read also: Tunay na height ni Jose Rizal, hindi 4'11"

Suwerteng nagkaroon pa ng kopya ng sketch na ito ni Rizal dahil pinaniniwalaang nasira na ang orihinal na sketch noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ano naman ang itsura ni Rizal sa kanyang selfie?

Naka-topless ang batang Rizal, naka-brush up ang makapal at itim na buhok, nakataas ang kanang kamay, at nakasuporta ang closed fist sa kanyang kanang panga.

Jose Rizal selfie

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kopya ng “selfie” na ito ni Rizal ay ipinost nitong February 12, 2023, sa Facebook account ni Ambeth R. Ocampo, Filipino historian, author, at columnist.

Caption dito ni Ocampo (captioned as is): “RIZAL'S SHIRTLESS SELFIE.

“We all know Rizal in an overcoat, but in his youth, long before he became National Hero; he took off his shirt, posed in front of a mirror, and drew a selfie.

“This drawing reproduced in Austin Craig's ‘Life, lineage and labors of Jose Rizal’ (1913) is unlocated and believed to have been lost or destroyed during the 1945 Battle for Manila.”

Sa libro ni Craig, tinukoy ang larawan bilang sketch ni Rizal para sa training sa kanyang sketching class.

May ilang nagkomento sa Facebook post ni Ocampo na tila malalim ang iniisip ni Rizal o di kaya ay "bored" ito dahil sa puwesto ng kanyang kamay.

Paliwanag naman ni Ocampo, ito ay dahil nakatingin sa salamin si Rizal at iginuguhit ang kanyang reflection.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marahil na ang pagkakasandal ng kanyang ulo sa kamay ay para hindi siya mangalay sa tagal ng oras na kailangan para mabuo ang sketch.

netizen comment

netizen comment

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang selfie na ito ni Rizal ay ikinuwento rin ni Ocampo sa kanyang column sa Inquirer noong June 19, 2015.

“Rizal’s self-portraits late 19th century’s selfies,” ang titulo ng column ni Ocampo.

Dito ay idinetalye ng historian ang tungkol sa topless selfie ng bayani.

Teenager si Rizal nang gawin niya ang sketch.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“The first was drawn sometime in his last years as a high school student at Ateneo Municipal or his early years as a college student at the University of Santo Tomas,” ani Ocampo.

RIZALS’S SECOND SELFIE

Ang pangalawang selfie naman ni Rizal ay nakapreserba sa South Bohemian Museum sa Ceské Budejovice, Czech Republic.

Ani Ocampo sa kanyang column, ang self-sketch na ito ni Rizal ay unang nadokumento ni late former Philippine Ambassador to Switzerland Modesto Farolan noong mid-1960s.

Ang pangalawang self-sketch na ito ni Rizal ay ginawa niya at ipinadala sa kaibigang si Ferdinand Blumentritt para mamukhaan siya nito sa unang beses nilang pagkikita. Tinatayang 25 anyos noon si Rizal.

Noong 1886, nang matapos ni Rizal ang kanyang medical studies sa Madrid, Spain, Heidelberg, Germany, at Paris, France, namasyal muna siya sa Europa bago umuwi sa Pilipinas.

Kasama sa kanyang pinuntahan noon ay ang Austria, kung saan nakatira ang kaibigan at Austrian teacher na si Blumentritt.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya anim na buwan bago sila magkita, ipinadala ni Rizal ang self-sketch niya sa Austrian teacher.

jose rizal self sketch

Kalakip ng sketch ay mensahe ni Rizal kay Blumentritt: “Enclosed is a sketch of myself that I am sending you as an advance. It is said that it has a certain resemblance to me, but I am not sure if it really has. As soon as I have a good photograph, I will send it to you. Those that I have are all retouched or badly taken.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iginuhit ni Jose Rizal ang kanyang reflection sa salamin para sa training class niya sa sketching. Ginawa niya ito na naka-topless. Ang orihinal na kopya nito ay pinaniniwalaang nasira noong World War II, taong 1945.
PHOTO/S: Lineage, Life, and Labors of Jose Rizal by Austin Craig / pressreader.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results