PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aeta Teacher: From 25 Failures to PhD

Misyon niyang maturuan ang mga kapwa Aeta.
by KC Cordero
Published Feb 11, 2023
Photos of Gennie Panguelo
Matapos makapasa sa Licensure Examination for Teachers, mas pinayabong ni Gennie Panguelo ang kanyang kaalaman. “Dalawa lang ang pangarap ko sa buhay; ang maiahon sa hirap ang pamilya ko at mapagsilbihan ang mga kapwa ko Aeta na mabigyan ang kanilang mga anak ng magandang pundasyon sa pag aaral.”

Nang lumabas ang resulta ng October 2022 Licensure Examination for Teachers last December, kahit hindi siya bahagi ng nasabing pagsusulit ay muling nag-viral ang kuwento ni Gennie Panguelo.

Ayon sa post ng DepEd Philippines sa official Facebook Page nito last January 11, 2023, year 2016 pa pumasa sa LET si Gennie, pero after 25 takes.

Nagtapos siya sa kolehiyo noong 1988.

Photo of Gennie Panguelo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Tumalon ako nun, sumigaw at umiyak nang marinig ko sa bawat tumatawag na, ‘You deserve that license.’

“Sa loob ng napakahabang panahon, at sa wakas ay nakuha ko ang aking pinakamimithing lisensiya.

“Lahat ng ito ay dahil sa tulong at gabay ng ating Panginoong Diyos, sa mga taong naging inspirasyon ko, aking mga anak at pamilya.”

Miyembro ng indigenous peoples (IPs) na Aeta, naging adhikain ni Gennie ang makatulong sa kanyang komunidad at maipabatid sa mga kasamahan ang kahalagahan ng edukasyon.

Married na siya, at may anak na dalawang lalaki at tatlong babae.

Read also: Lanvin De Los Santos told "sayang" after losing La Salle scholarship; bags top 1 in board exam

SAKRIPISYO PARA SA PAMILYA AT KAPWA-AETAS

Pagbabahagi ni Gennie sa isang Facebook post, “To practice my course as a teacher, I accepted an offer to teach in far mountain in Capas, Tarlac, after my graduation.

“Dalawa lang ang pangarap ko sa buhay; ang maiahon sa hirap ang pamilya ko at mapagsilbihan ang mga kapwa ko Aeta na mabigyan ang kanilang mga anak ng magandang pundasyon sa pag aaral.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Photo of Gennie Panguelo with Aeta students

Hindi biro ang kanyang mga naging sakripisyo.

“As a mother, I'm always looking for our needs. I need to sacrifice, forget my personal needs and interest just to make sure my kids/family have their needs.

“Tinitiis kong iwanan ang aking mga anak para mabigyan sila ng magandang buhay.

“At kailangan kong maglakad nang tatlo hanggang apat na oras para marating ang eskuwelahan kung saan ako nagtuturo.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya, bilang isang ina ay gusto niyang laging masilayan ang mga ngiti ng mga anak at makitang magaan ang kanilang buhay na mag-anak.

“Isa akong guro na may tungkulin, hindi lamang sa pamilya ko, kundi pati na rin sa mga batang tinuturuan ko.”

Read also: New teacher loses mom the day before oathtaking: 'Nauna pang isabit ang tarpaulin mo sa funeral'

STRUGGLES BAGO PUMASA SA EXAM

Bukod sa mga nabanggit, may isa pang struggle si Gennie.

Bumagsak siya sa LET nang una siyang kumuha noong 1990.

Gayunpaman, ipinagpatuloy pa rin niya pagtuturo.

Hindi siya tumigil sa pagkuha ng exam dahil alam niya na pangunahing pangangailangan ng isang pampublikong guro sa basic education ang lisensiya.

"Noong December 12, 2016 ang huling pila ko para mag-file ng board exam.

“Humingi ako ng palatandaan na paglabas ko ng Metro Town Mall ay may isang tao na magbibigay ng pagkakataon na ako ay makapag-review.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagpapasalamat niya sa Diyos na, “Naging daan si Laila Victoria. Ipinakilala niya ako Kay G. Mark Paul Daenos, na ipinaliwanag naman ang program ni Dr. Carl E. Balita.”

Nabigyan siya ng scholarship para makapag-review.

“Nakapag-review ako at pumasa noong March 20, 2016.”

Labis ang pasasalamat niya sa mga tao na nabanggit.

June 13, 2016 ay naging regular teacher na siya sa DepEd.

Read also: Lindy Zalan Aviles, Top 1 in board exam; believes in determination not superstition

HINDI TUMIGIL SA PAGPAPAYAMAN NG KAALAMAN

Kasunod nito ay mas lalo namang pinayabong ni Gennie ang kanyang sariling kaalaman.

Nakumpleto niya ang Master’s Degree in Filipino sa University of St. La Salle Bacolod noong June 2013.

May PhD na rin siya sa Teaching and Management, na nakuha niya noong February 2021.

Agila Awardee siya ng Carl Balita Review Center noong 2019, at pinagkalooban ng PHP100,000 bilang premyo.

Ang PHP50,000 ay ibinigay niya sa Tarukan Elementary School sa Tarlac.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinangaan at nai-feature din siya ni Anne Curtis sa isang episode ng It’s Showtime!

Photo of Gennie Panguelo and Anne Curtis

Sa kanyang naging journey, may iniwang payo si Gennie sa mga kukuha ng LET.

“Sa mga kagaya ko na minsang nangarap na makamit ang lisensiya sa pamamagitan ng pagsusulit na LET, magtiwala tayo sa Diyos dahil Siya lang ang nakakaalam ng lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung kayo ay magre-review, bigyan nyo ng panahon, maging sinsero, at magkaroon ng tiwala sa sariling kakayahan.”

Payo pa niya, kung gaya niya ay nabigo sa unang pagkakataon, “Sumubok nang sumubok hanggang sa magtagumpay.”

Graduation photo of Aeta students

Sa kasalukuyan, Teacher III si Gennie sa Tarukan Elementary School.

Dalawang dekada na siyang naglalakad nang apat na oras para turuan at hubugin ang kinabukasan ng mga kapwa niya Aeta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At hindi siya napapagod na ipagpatuloy ang kanyang misyon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos makapasa sa Licensure Examination for Teachers, mas pinayabong ni Gennie Panguelo ang kanyang kaalaman. “Dalawa lang ang pangarap ko sa buhay; ang maiahon sa hirap ang pamilya ko at mapagsilbihan ang mga kapwa ko Aeta na mabigyan ang kanilang mga anak ng magandang pundasyon sa pag aaral.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results