Nasungkit ng Mapúa University ang Gold Award for Digital Readiness mula sa The Wharton School–QS Quacquarelli Symonds Reimagine Education Awards sa pamamagitan ng entry nito na Ubiquitous Online Experience Program o Mapúa Úox.
Iginawad ang pagkilala sa Mapúa noong December 8, 2022.
Ang prestihiyosong award, The Wharton School–QS Quacquarelli Symonds Reimagine Education Awards, ang itinuturing na “Oscars of Education” na hinahangad mapanalunan maging ng mga nangungunang educational institutions sa buong mundo.
At sa unang pagkakataon ay nakamit ng isang higher education institution (HEI) sa Pilipinas ang top category prize sa international competition na ito na kumikilala sa makabagong paraan tungo sa digital education,
Kaakbay ng panukalang ito ay ang pagpapalakas sa kakayahan ng isang estudyante na mas matuto at mapataas ang tsansa na makahanap agad ng trabaho.

Dinaig ng Mapúa Úox ang lahok ng Singapore Management University na “Enhancing digital readiness through industry-university partnership in experiential learning,” na nakakuha ng silver medal, at ng Hong Kong Baptist University na “MSc in Finance – Fintech & Financial Analytics,” na nakasungkit naman ng bronze medal.
Ang accomplishment ng Mapúa University ay nagsisilbing monumento nito bilang nangunguna at may unique na approach sa pagtuturo.
Patunay rin ito sa competence and inventiveness ng HEIs sa Pilipinas.
Nabigyang-diin din ang adaptability and efficiency ng digital education para matiyak ang life-long learning ng mga estudyante sa kasalukuyang mundo na mas nagiging volatile, unpredictable, complex, and ambiguous (VUCA).
Sa ilalim ng Mapúa ÚOx curriculum, ang undergraduate and graduate students ay maaaring ipagpatuloy ang kanilang edukasyon “regardless of their location, social circumstances, financial situation, or availability” sa pamamagitan ng totally online, asynchronous program.

Ang Cardinal EDGE, o Education in a Digital and Global Environment, ang platform na ginamit ng Mapúa ÚOx para sa asynchronous courses nito.
Kabilang dito ang lectures, labs, and field courses.
Sa pamamagitan nito, pinapayagan ang mga estudyante na ma-access ang lahat nang kinakailangang tools, materials, and coursework kung kailan ito convenient para sa kanila.
Inabot ng pitong taon bago nabuo ang Mapúa Úox.
Dalawang online learning programs din ang nagsilbing forerunners nito.
Una ay ang Digital Days na nag-offer ng synchronous online lectures sa halos 2,300 estudyante sa 100 classes.
Pangalawa ang Digital Rush, isang set ng online undergraduate courses na ini-offer mula 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m. at 7:00 p.m hanggang 9:00 p.m. para makaiwas ang mga estudyante sa trapik.
Ayon kay Dr. Edward Jay M. Quinto, director ng Center for Teaching and Learning- Outcome-Based Education ng Mapúa, “We have demonstrated that technology infrastructure is only secondary to the primary goal of addressing educational problems that beset students and teachers.
“Mapúa ÚOx programs address difficult learning contexts such as slow internet connection, worsening traffic situations, geographic boundaries in this archipelagic country, and stressful travel experiences, in order to engender access, equity, and quality of education in the Philippines.”
Nag-o-offer ngayon ang Mapúa ÚOx ng siyam na graduate at anim na undergraduate degrees sa engineering and information technology.

Sa pamamagitan ng fully online, asynchronous learning format, makakatanggap ang mga estudyante ng katulad na mataas na kalidad ng edukasyon na inio-offer sa conventional face-to-face classrooms.
Ang Mapúa rin ang pinaka-unang institusyon sa ating bansa na nagsagawa ng maramihan at sabay-sabay na online classes para ma-meet ang local and context-specific demands, sa pamamagitan ng Digital Days and Digital Rush.
Isa rin ito sa 16 HEIs na officially ranked sa QS World University Rankings sa buong Asia.
