Hinangad ni Narcilisa Talipnao na maging topnotcher sa December 2022 Criminologist Licensure Examination (CLE).
Pero hindi niya inasahang siya ang Top 1, with 91.60-percent rating.
Kumuha siya ng kursong Criminology sa University of Baguio at nagtapos bilang magna cum laude.
Sa 33, 489 na kumuha ng CLE, 11,098 ang nakapasa.

NARCILISA’S TOPNOTCHER MINDSET
Para matiyak na maganda ang performance niya sa board exam, pinaghandaan ni Narcilisa ang pagre-review at nag-set ng goal para sa kanyang sarili.
“Una po, talagang prepare ko is yung sarili ko. Yung mindset ko na dapat ipasa ko yung board nang first take ko pa lang, kaya dapat focused ako,” kuwento niya sa PTV Cordillera.
“I challenged myself na dapat maging topnotcher ako, or kung hindi man ako maging topnotcher, e, dapat hindi bababa ng 85 [percent] yung rating ko.”
Read also:
- Naomi Lancita, magna cum laude at Top 1 sa board exam; may PHP150K cash incentive
- Na-reject noon sa work dahil sa accent, Roslyn Vea Damasco, Top 1 sa board exam
Nakaramdam daw siya ng pagdududa sa sarili nang matapos ang board exam.
Sabi niya sa Bombo Radyo Baguio, “Pagkatapos po kasi nung exam talaga, parang na-low morale ako kasi parang feeling ko ang dami-dami kong mali.
"Kaya parang nawala na po sa isip ko na magta-topnotcher, basta pumasa na lang po.”
Pero nagbunga pa rin ang determinasyon ni Narcilisa na hinangad lamang ang magkaroon ng magandang performance sa board exam.
Kuwento niya, “Yes, I aimed to be a topnotcher, pero hindi ko naman po in-expect na Top 1, so talagang nakaka-overwhelm.”

Sabi pa ng topnotcher, lumalabas na nadagdagan ang kumpiyansa niya sa sarili dahil sa paniniwala at suporta ng kanyang mga mahal sa buhay.
“They are always been there for me, supporting me. I dedicate this success to my family.
"Especially nga sa mother ko and sa sister ko na day one pa lang, nakasuporta sa akin.
“Hindi sila nag-doubt [na papasa ako], na magpi-fail ako.”
Ngayong registered criminologist na siya, pinag-iisipan na ni Narcilisa ang kanyang prayoridad.
“Nung undergraduate, talagang naka-set yung mind ko na papasok ako ng law enforcement, pero it opened many opportunities.
“So ngayon, kinu-consider ko na ring yung academe, yung pagtuturo.”
