PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ina Raymundo Returns Taxi Driver's Phone

“Sabi ko artista to.Yun pala yun ang nanay ng pasahero ko."
by Bernie V. Franco
Published Jan 5, 2023
ina raymundo jakob poturnak taxi driver
Nag-viral ang taxi driver matapos i-post ni Ina Raymundo ang larawan nila. Siya si Mike Dungan, ang taxi driver ay isinauli ang naiwang cellphone ng anak ni Ina na si Jakob Poturnak (left photo).
PHOTO/S: @inaraymundo95 on Instagram

Nag-viral ang Instagram post ng aktres na si Ina Raymundo noong January 2, 2023.

Ipinost ni Ina ang kanyang selfie kasama ang taxi driver na nagsauli ng cellphone ng anak na si Jakob Poturnak.

Caption ni Ina: “Maraming salamat, mike, driver ng RMJJ taxi!

“My son left his cellphone in his car but he [driver] returned it to us.

“Nakakatuwa at may mga tao pa talaga na may ginintuhang puso.

“Pinaganda mo ang pagpasok ng 2023 namin. May God bless you always.”

Umani ng papuri ang taxi driver na si Mike sa kabutihang ginawa niya.

Natunton ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang taxi driver at inilahad niya ang pangyayari.

ina raymundo taxi driver

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHO IS MIKE THE TAXI DRIVER?

Si Michael Dungan, 46, ay labindalawang taon nang taxi driver.

Kuwento niya sa PEP.ph sa pamamagitan ng voice call noong January 4, 2022, nagulat siya nang makitang nag-viral siya dahil sa post ni Ina.

Nagsimula ito sa pagsakay ng isang foreigner na binata kasama ang dalawnag babae.

“Galing siya rito sa BGC, sa Xylo, yung gimikan,” panimula ng driver.

Nagpahatid ang grupo sa isang village sa Makati.

“May sinabi siyang lugar. E, yung lugar na iyon hindi ko kabisado.”

Hiniling ni Mike sa kung puwedeng i-Google Maps ang address na kanilang pupuntahan.

“Ginoogle Map niya tapos inabot niya sa akin [yung cellphone]. Ipinatong ko rito sa may harapan ko sa dashboard.”

Matiwasay namang naihatid ni Mike ang grupo sa kanilang patutunguhan.

“Paglabas ko ng subdivision, kinuha ko yung I.D. ko, yung lisensiya ko [sa guard].”

Nang makabalik si Mike sa BGC ay saka niya napansin na nasa dashboard pa rin ang cellphone ni Jakob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ina raymundo son jakob poturnak

May mga kasamahan si Mike na nagbiro na mamahalin ang cellphone.

“Sabi ko, ‘Wag, pre.’ Sabi ko hindi pupuwede kasi hindi naman sa akin ito. Sa pasahero ko ito.

“Saka ang pangit naman pag ganon. Hindi naman atin. Ibalik mo na lang.”

Naghintay ng tawag si Mike mula sa kampo ni Jakob. Hindi siya nabigo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang unang tumawag daw ay isang babae na nagpakilalang kapatid ni Jakob.

Galit daw ito at nagsasalita sa Ingles kaya nahirapang makipag-usap si Mike na aminadong hirap umintindi ng Ingles.

Sinikap na ipaliwanag ni Mike na nakalimutang kunin ng pasahero ang naiwang cellphone.

Ibinaba raw ng kausap ni Mike ang phone.

Hindi nagtagal ay may tumatawag ulit at ang nakarehistro sa incoming call ay “Mom.”

Sinagot ni Mike ang tawag, and, this time, Tagalog ang salita ng kausap.

Sabi ni Mike, “Ipinaliwanag ko sa kanya sabi ko, ‘Ito pong cellphone na ito ay naiwan po rito," sabi ko.

Lubos naman daw ang pasasalamat ng kausap kay Mike.

Pinag-usapan ng dalawa kung paano isasauli ang cellphone.

Nagbigay ng addres ang "mom" ng pasahero sa isang village sa Makati.

“Tapos nilista ko, sinulat ko, sinave ko,” sabi ng driver.

Kinabukasan, nang papunta na si Mike ay nag-abiso muna siya.

“Bago ako pumunta, nag-text ako, ‘Ma’am on the way na po ako.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pagdating ko roon nagulat ako may tumatakbong babae, hindi ko gaanong maaninag.

“Sabi ko artista ito. Ang ganda naman nito. Yun pala, yun ang nanay ng pasahero ko, kaya nagulat ako.”

Walang kamalay-malay ang driver na ang aktres na si Ina Raymundo ang "mom" ng pasahero.

Nang mai-turn over ang cellphone ng anak ni Ina, hiniling ni Mike sa aktres na mag-selfie sila bilang katibayan na naisauli niya ang gadget.

“Itinawag ko rin po sa opisina namin iyan sa garahe. Kasi sa garahe ang SOP namin, pag may maiwan sa unit [cab] maliit na bagay o malaking bagay, isu-surrender sa opisina.

“Ngayon ginawa ko selfie rin kami para makita ng opisina na talagang [na-claim].

“Pagkatapos naming mag-selfie, sabi niya, ‘Sige, Kuya, tayo naman picture din tayo.’”

Ito nga ang picture na ipinost ni Ina sa Instagram Story.

“Pagka-picture, inabutan ako ng pang-gas, ‘Kuya, o, pang-gas mo, at saka pandagdag sa pamasko mo.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinasalamatan naman ni Mike ang aktres.

NOT THE FIRST TIME

Kuwento ni Mike hindi ito ang unang beses na may nakaiwan ng mahalagang gamit sa minamanehong taxi.

Dati ay may matandang mag-asawa na nakaiwan ng importanteng papeles "na inipon nila nang sampung taon, naiwan nila sa taxi ko."

Hindi raw siya nag-atubiling ibalik ang mga ito.

“Kahit malayo yung lugar nila, talagang sinadya ko kasi talagang alam mo yung kawawa.

“Sampung taon nilang inipon yung papeles nila para makakuha sila ng pension tapos mawawala lang nang ganon, kaya binalik ko.”

Ani ni Mike, may ilang negatibong komento siyang natanggap kahit na isinauli niya ang cellphone ni Jakob, subalit mas marami ang pumuri.

Depensa niya sa mga pumupuna sa kanya, magalit sila sa mga hindi nagsasauli ng gamit.

Hangad din ni Mike na tularan siya ng ibang taxi driver para umangat ang tingin ng tao sa mga gaya niyang taxi driver.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-viral ang taxi driver matapos i-post ni Ina Raymundo ang larawan nila. Siya si Mike Dungan, ang taxi driver ay isinauli ang naiwang cellphone ng anak ni Ina na si Jakob Poturnak (left photo).
PHOTO/S: @inaraymundo95 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results