Karamihan sa mga kapamilya ni John Kirt Reyes Baguio, mas kilala bilang Kirt, ay nagtatrabaho sa construction bilang laborers.
Ang kanyang ama ay isang contractual carpenter. Ang kanyang ina naman ay isang vendor.
Pagbabahagi ni Kit sa isang article, “My father’s family worked in construction as laborers.
"And it has always been his dream to have an engineer in our family, so I decided to take civil engineering.
“It was also a way to challenge my skills in math–a subject I’m good at.”
Nag-enroll siya sa Far Eastern University (FEU) Institute of Technology.
Umpisa pa lang ng kanyang college life, marami na agad siyang sinuong na pagsubok.
Hindi kasi sapat ang kita ng parents ni Kirt para masuportahan ang pagkokolehiyo nila ng kapatid niyang babae.
“Every day, I had to travel from Caloocan to Manila for about two to three hours since we didn’t have money for rent.”
Noon din niya napaglimi na matagal na siya at ang kanyang pamilya na nakagapos sa tanikala ng kahirapan.
“This fueled me to dream of a better life. That’s why I pushed myself to overcome challenges as a student.”
Kaya kahit sinisikap ng kanyang parents na masuportahan ang kanyang edukasyon, para makatulong sa kanila ay nag-part-time tutor siya sa mga high-school students.
Nag-apply rin siya sa isang scholarship. Sa kabutihang palad, nakapasa siya.

Bilang bahagi ng scholarship program, nagkaroon din siya ng pagkakataon na magtrabaho nang part-time kapag school breaks.
Saka naman dumating ang isang mabigat na pagsubok sa kanilang pamilya.
“Ang biggest challenge ko po siguro ay yung mawala si Papa. Pangarap ko ito, ngunit mas pangarap niyang magkaroon ng engineer na anak.”
Higit na masakit iyon kay Kirt dahil ilang hakbang na lang siya sa katuparan ng kanyang pangarap.
“On my last semester in college, kinuha na po siya ni Lord. Pero alam ko pong gingabayan niya pa rin ako, so I continued our dream and heto na po ako ngayon.”

Top 10 si Kirt sa November 2022 Civil Engineer Licensure Examination.
May rating siya na 92.90 percent.
Ayon sa kanya, sobrang focused siya sa paghahanda sa board exam.
Nag-set din siya ng goal na hindi lang siya basta magiging passer kundi topnotcher.
Bulong umano niya sa sarili sa araw ng exam: “Focus lang, Kirt. Kaya mong mag-top.”
On November 29, 2022, matapos lumabas ang resulta ng board exam ay nag-post si Kirt sa Facebook account ng kanyang naging journey.
Pinasalamatan niya ang lahat ng taong tumulong at naging bahagi ng kanyang tagumpay.
At siyempre, special mention ang kanyang ama.
Aniya, “Thank you, Papa! Alam kong simula nung nawala ka, kasama pa rin kita sa mga panalo ko!”
Ngayong natupad na niya ang pangarap ng ama na magkaroon ng civil engineer sa pamilya, nakatutok naman si Kirt sa pagkakaloob ng magandang buhay sa kanyang ina at kapatid.
Bukod dito, “Now that I am a licensed engineer, I will practice my profession with integrity so others can see me as a role model.
“I also want to succeed in the field I will pursue and someday teach and share my expertise with young civil engineering students.”
Ibinahagi rin niya ang naging magandang karanasan at mga natutunan sa natanggap niyang scholarship program.
“The testimonies from successful scholars in every scholars’ assembly gave me the motivation to continue pursuing what I want.”
Payo niya sa mga mahihirap na kabataan na nais makatapos ng pag-aaral, “I learned that whatever your status is in life, there’s always an opportunity that will come your way.
“You just have to realize, grab, and work for it.”
