PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinoy Seaman Rescues 2 Americans and Dog

His name is Raul Deocadez.
by Bernie V. Franco
Published Jan 3, 2023
pinoy seaman rescue
Ang Pinoy seafarer na si Raul Deocadez (inset) ang nakakita sa yacht na siyang nagsakay sa dalawang Americans at isang aso na naiulat na nawawala sa loob ng sampung araw.
PHOTO/S: US Coast Guard Atlantic Area, ABS-CBN News

Noong December 16, 2022, iniulat ng U.S. media outlets ang tungkol sa rescue sa dalawang American senior citizens at ng kanilang pet poodle na sampung araw nang nawawala sa dagat sa Atlantic Coast.

Isang oil tanker ang nakakita sa palutang-lutang na yacht na pinaghahanap ng U.S. Coast Guard.

At ang kanilang successful rescue at may kinalaman sa isang Filipino seaman.

MEET THE RESCUER

Noong December 13, 2022, namataan ni Second Officer Raul Deocadez habang naka-duty sa oil tanker na Silver Muna ang palutang-lutang na yacht sa Delaware Coast.

“Naobserbahan ko po na hindi gumagalaw at walang power that time na yun po, masama yung panahon at malalaki ang alon,” kuwento ni Raul sa ulat ni Rachel Salinel ng ABS-CBN News, January 2, 2023.

Kaagad itong ipinaalam ni Raul sa kanilang kapitan kaya isinagawa ang rescue operation.

Naging challenging ang pagliligtas sa stranded Americans at inabot ito ng tatlong oras.

sea rescue

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging emosyonal ang ship crew at mga nailigtas nila.

Kinilala ang mga lalaki bilang sina Kevin Hyde, 65, at Joe Ditomasso, 67. Ang kasama nilang poodle ay alaga ni Joe.

Ikinuwento ng mga na-rescue na nasiraan sila ng yacht nang umalis sa Oregon inlet sa North Carolina.

Sabi ni Raul, "Wala kaming experience sa pagre-rescue, but, at the same time, napakasaya na napaluha yung iba nga kasi nga na-rescue namin successfully yung dalawang tao.”

Wala raw naging bukambibig ang dalawang lalaki kundi pasasalamat sa kanila.

Sabi ni Raul, baka nga nameligro na ang buhay ng dalawang lalaki kung hindi sila nakita.

“Sabi nila naubos na yung mga signals nila, like parachute flair, yung radio nila wala nang buhay,” pagbabahagi ng Pinoy seaman.

Ang U.S. Coast Guard naman ang nagdala sa dalawang Amerikano at aso sa pamilya nila sa New York.

Sabi ni Raul, “Alam naman natin na kung sino yung in distress ay tutulungan natin, lalo pa, e, tayong mga Pilipino hindi natin gagawin na i-balewala lang po iyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, sa ulat ng NBC News noong December 16, 2022, tinawag na “miracle rescue” ang nangyari.

“It’s a miracle, it’s Christmas,” ani Kevin sa isang interview.

“I never heard the wind so bad in my whole life. [It] sounded like the devil was out there.”

Tumatama raw sa kanilang yacht ang 40-foot waves dahilan para mawalan sila ng gas, pagkain, at halos walang tubig na maiinom sa loob ng 10 days.

Sabi pa ni Kevin, nang makita sila ng Silver Muna oil tanker ay maituturing niyang “like finding needle in a haystack” ang pagkakasagip sa kanila.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Pinoy seafarer na si Raul Deocadez (inset) ang nakakita sa yacht na siyang nagsakay sa dalawang Americans at isang aso na naiulat na nawawala sa loob ng sampung araw.
PHOTO/S: US Coast Guard Atlantic Area, ABS-CBN News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results