PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Magkapatid, parehong Top 1 sa magkahiwalay na board exams

Inspirasyon ni Abigail ang kanyang kuya.
by Bernie V. Franco
Published Dec 19, 2022
siblings top 1 board exams
Si Abigail Ramirez (left) ay Top 1 sa Nurse Licensure Exam, habang ang kuya niyang si Alec Benjamin Ramirez ay Top 1 1 sa Geologist Licensure Exam.

Top 1 si Abigail Ramirez sa Nurse Licensure Examination nang lumabas ang resulta noong November 30, 2022.

Si Abigail na nagtapos sa St. Paul University Dumaguete (SPUD) ay nakakuha ng 90 percent average score.

Related article: Meet Abigail Ramirez, topnotcher na binigyan ng hero’s welcome

Pero hindi si Abigail ang unang topnotcher sa pamilya.

Noong 2017, nag-Top 1 ang kuya niyang si Alec Benjamin Ramirez sa Geologist Licensure Examination, kung saan nakakuha siya ng 83.20 percent.

topnotchers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa katunayan, inspirasyon ng bunsong si Abigail ang kuya niya na inilarawan niyang “naturally gifted.”

"I made him as my role model. I wanted to be like him, so talagang sumikap ako in my own way,” lahad ng dalaga sa ulat ng ABS-CBN News.

“Inspirasyon ko rin naman iyong ibang mga kapatid ko, pero dahil kami yung mas magkakalapit ng edad, siya ang mas nakita kong motivation," sabi ni Abigail.

Teacher ngayon ang kuya ni Abigail sa National Institute of Geological Sciences ng University of the Philippines Dilliman.

Likas daw na matalino ang kanyang kuya simula noong bata pa.

Pero hindi rin nagpapahuli si Abigail na nagtapos bilang magna cum laude sa SPUD ngayong 2022.

Anang dalaga, consistent honor students silang magkakapatid sila pa noong elementarya. Sa madaling sabi, pamilya sila ng mga achievers.

"Even when we were little, our parents supported our academics," aniya.

Also Read:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WELCOME FOR ABIGAIL AS TOPNOTCHER

Isang “hero’s welcome-inspired motorcade” ang ibinigay ng SPUD kay Abigail noong December 8, 2022.

Nilibot ng motorcade ang kabuuan ng Dumaguete City.

Bukod pa rito, naging generous din ang SPUD sa mga ibinigay na insentibo kay Abigail dahil sa kanyang achievements.

Pinagkalooban siya ng bagong motorsiklo, MacBook, at tseke na may undisclosed amount.

Plano ni Abigail ngayon na maging clinical instructor sa kanyang alma mater bilang paraan niya pagtanaw ng utang na loob.

Aniya tungkol sa kanyang napiling propesyon, "Nursing is really a hard profession. It may break you a couple of times.

“But just the process, trust the hardships that you are going to face, because these will help you become stronger."

Sundot ni Abigail, hindi lang puro hard work ang naging susi sa kanyang tagumpay na maging achiever.

Aniya, kailangan laging samahan ito ng dasal at manalig sa nasa Taas.

“Whenever you're down, whenever you feel like giving up, just pray. God will answer all your prayers in one way or another."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Abigail Ramirez (left) ay Top 1 sa Nurse Licensure Exam, habang ang kuya niyang si Alec Benjamin Ramirez ay Top 1 1 sa Geologist Licensure Exam.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results