Si Dolores Ceralbo ng Don Salvador Benedicto, Negros Occidental ang tinanghal na national winner sa 2022 Search for Outstanding Rural Women ng Department of Agriculture.
Tinanggap niya ang parangal noong December 8, 2022 sa ginanap na awarding rites sa PhilRice Station, Science City of Muñoz, Nueva Ecija.
Kinilala ng DA ang adbokasiya ni Dolores na hikayatin ang mga kabataang magkaroon ng interes at hilig sa farming, at maging bahagi ng pagtiyak sa food security ng Pilipinas.

Kinatawan ng 57-year-old Negrense farmer ang Western Visayas, at nagwagi laban sa walo pang regional winners.
Ani Dolores sa kanyang acceptance speech, “I commit to help in the programs, especially for women and also for the youth to engage in farming.
“Right now, young people are no longer interested in agriculture. Only the old people are into farming in our place.”
Dagdag pa niya, “They [the youth] instead want to work in air-conditioned offices because farming entails being under the heat of the sun.”
Si Dolores ang vice chair ng Pandanon Integrated Balangon Farmers’ Association.
Ang kanilang asosasyon naman ang recipient ng Rice Production and Mushroom Production Projects ng DA para sa Special Area for Agricultural Development Program sa Western Visayas.

Sa pahayag ng DA-Region 6, nagsimula ang passion ni Dolores para sa sustainable agriculture dahil sa simple niyang layunin na makapag-provide ng three meals araw-araw para sa kanyang pamilya.
Ayon pa sa ahensiya, “Through her dedication and hard work, she was able to establish her organic integrated farm.”
Bilang national winner, tumanggap si Ceralbo ng PHP150,000 na premyo.
Pagkakalooban din siya ng proyekto ng DA-6, at iba pang intervention para maparami ang kanyang ani gaya ng production inputs, machinery, equipment, o mga pasilidad.

Inilunsad ang taunang Search for the Outstanding Rural Women noong 2003 para bigyan ng pagkilala ang mga kababaihang magsasaka na nagpakita ng husay, at nakapaghatid ng malaking impact sa buhay ng kanilang kanayon.
Sa pamamagitan ng nasabing kumpetisyon, naibabahagi ang kuwento ng matatagumpay na magsasaka at mangingisdang Filipina upang maging magandang ehemplo ng women empowerment.