PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lola Rosalinda Ogsimer, 75, di maawat sa pagsali sa mga marathon

“Kahit pandemic, hindi ako nagmi-miss. Kahit mabagal, basta makatakbo."
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Nov 9, 2022
rosalinda ogsimer marathon
Sampung taon nang nagma-marathon si Lola Rosalinda Pendon Ogsimer at wala siyang balak itigil ito. Ngayong November, sunud-sunod na ang mga naka-schedule niyang mga marathon.
PHOTO/S: Facebook (Rosalinda Ogsimer)

Marami ang humanga at napabilib si Lola Rosalinda Pendon Ogsimer, 75 anyos, na napaulat recently dahil sunud-sunod ang pagsali sa mga marathons sa kabila ng kanyang edad.

Sambit niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’m still running and healthy up to this time!”

Kuwento niya sa amin nito lamang November 6, 2022, nagsimula siyang sumali sa mga marathon events noong 2015.

“My first marathon was The Bull Runner (TBR) Dream Marathon 2015. Syempre first time [kaya] kabado.

“Worried kasi baka di matapos, but because of my determination and perseverance [I] was able to finish it with time of 6:38:01 at age 67 years old.

“Kahit katakot-takot na pulikat ang naranasan ko.”

And true enough, hindi siya humihinto sa pagsali sa kabi-kabilang marathon events na tila ba hindi alintana ang pagod at ang kanyang edad.

Sa katunayan, kasali si Lola Rosalinda sa 3km event ng National Masters and Seniors Athletics Association of the Philippines na gaganapin sa November 11-12, 2022 sa Philsports Track Oval, Pasig City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sasabak din siya sa 21km category ng Tagaytay Uphill Challenge Leg 1 sa November 27, na gaganapin sa People’s Park in the Sky, Tagaytay City.

Rosalinda Ogsimer

NEVER TOO OLD TO SET A RECORD

May bagong achievement si Lola Rosalinda kamakailan nang mag-set siya ng personal record na kanyang fastest 10km run at 1:06:43 sa Pinoy Fitness Sub1 Challenge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-rank naman siya bilang ika-51 overall sa nabanggit na marathon challenge.

Ginanap ito nito lamang October 23 sa SM by The Bay, SM Mall of Asia.

Marami ang namangha na dahil sa kabila ng kanyang edad ay walang takot itong nakipagsabayan sa mga bata pa sa kanya upang tapusin ang event na may cut-off time na dalawang oras.

Sa halos sampung taon na running career ni Lola Rosalinda, marami-raming achievements na din ang nakadikit sa kanyang pangalan.

Minsan na rin siyang nakipagsabayan sa isang 50km ultramarathon event at binaybay ang kahabaan ng Tagaytay hanggang Balayan, Batangas.

Marami man ang nagiging challenge dala na ng kanyang katandaan, hindi hinayaan ng senior marathoner na lumaylay ang kanyang career kahit minsan.

Ang matapos ang marathon within the cut-off time ang greatest goal ng kahit sinong runner.

Crossing the finish line is an achievement in itself, ‘ika nga.

What more kung pareho ng kay Lola Rosalinda ang iyong edad?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Siya ang patunay na “no one is ever too old to get active, or set a record.”

rosalinda ogsimer

A RELUCTANT RUNNER

Aminado si Lola Rosalinda na hindi siya active noong siya ay mas bata pa.

Kuwento niya sa The Radical Runner noong 2015, isa lamang siyang housewife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’m a housewife. I do help my husband manage his dental clinic, his personal secretary and 'money”-ger.'”

Nagsimula lamang siyang tumakbo noong siya ay 65-anyos na, dahil na rin sa pangungulit ng kanyang panganay na anak.

Dahil sa sakit ng katawan at hirap na pinagdaanan, ninais na niyang bumitaw noong umpisa.

Kuwento niya sa PhilSTAR Life, “I told my son I would never do it again.”

Pero hindi tumigil ang kanyang anak sa pangungulit, kasabay ng pagpapaliwanag ukol sa mga makukuhang benefits sa pagkakaroon ng mas active na lifestyle.

Kalaunan, nakagiliwan na ni Lola Rosalinda ang kanyang regular trainings, maging ang pagsali sa mga events, lalo na nang magsimula siyang magkaroon ng mga kaibigan.

“Kahit pandemic, hindi ako nagmi-miss. Kahit mabagal, basta makatakbo.

“I just enjoy what I’m doing and at the same time, motivating and inspiring newbies.”

Tunay na madami ang nai-inspire sa ipinapakitang gilas at sigla ni Lola Rosalinda sa tracking field, bata man o matanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa ito sa mga nagpapasaya sa kanya at nagbibigay ng lakas upang magpatuloy sa pagtakbo at pagsali sa mga events.

Ang kanyang advice: “It’s never too late to dream and achieve your goal.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sampung taon nang nagma-marathon si Lola Rosalinda Pendon Ogsimer at wala siyang balak itigil ito. Ngayong November, sunud-sunod na ang mga naka-schedule niyang mga marathon.
PHOTO/S: Facebook (Rosalinda Ogsimer)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results