PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Jose Efren Bagamasbad, chess champion at 66

Congrats po.
by KC Cordero
Published Oct 25, 2022
Photo of Jose Efren Bagamasbad
Nasungkit ng 66 anyos na Filipino chess player na si Jose Efren Bagamasbad ang gintong medalya sa Asian Senior Chess Championships 2022 sa New Zealand. “Kung kailangan mo ng magandang tira, kailangan mo ng training. Yung training, hindi iyan magde-depend sa coach, hindi iyan magde-depend sa teacher. Nasa player iyan.”

Nasungkit ng 66 anyos na Filipino chess player na si Jose Efren Bagamasbad, mas kilala bilang Efren, ang gintong medalya sa katatapos lang na Asian Senior Chess Championships 2022.

Ginanap ang kumpetisyon sa Auckland Rose Park Hotel sa Auckland, New Zealand noong October 14-22, 2022.

Si Efren ang nakakuha ng unang puwesto sa kanyang naitalang 7.5/9 points sa Over 65 category.

Photo of Jose Efren Bagamasbad

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapagtala siya ng anim na panalo, at tatlong tabla.

Siya na ngayon ang pinakabagong International Master ng Pilipinas.

Nakuha naman niya ang ikatlong puwesto sa Merv Morrison Memorial 2022 Open, isang six-round chess tournament na ginanap noong October 22-24 sa Auckland Chess Centre.

Tubong Talisay, Camarines Norte si Efren.

Forty-eight hours din siyang nagbiyahe para lang sumalang sa kumpetisyon.

Aniya, "Talagang kulang na kulang ang tulog ko during that time.

“Wala akong maisip. Parang salag lang ako nang salag sa mga ibinabatong atake ng kalaban ko."

Ibinahagi rin niya na noong 2021 pa niya gustong lumahok sa mga chess tournaments, pero ipinagpaliban niya dahil sa pandemya.

Sa halip, ginamit niya ang kanyang oras sa pagsasanay para mas maging handa siya pag sumalang na sa laban.

Sa panayam sa kanya ng GMA News noong October 24, 2022, sinabi niyang, “Ang panalo ay wala sa edad, nasa tira iyan. Kung kailangan mo ng magandang tira, kailangan mo ng training.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung training, hindi iyan magde-depend sa coach, hindi iyan magde-depend sa teacher. Nasa player iyan.”

Ani Efren, ang sunod niyang target ay ang Grandmaster title.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nasungkit ng 66 anyos na Filipino chess player na si Jose Efren Bagamasbad ang gintong medalya sa Asian Senior Chess Championships 2022 sa New Zealand. “Kung kailangan mo ng magandang tira, kailangan mo ng training. Yung training, hindi iyan magde-depend sa coach, hindi iyan magde-depend sa teacher. Nasa player iyan.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results