PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tribute to Bulacan rescuers-heroes during super typhoon karding

Most of them are in their 30s.
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Oct 3, 2022
Kasagsagan ng Super Typhoon Karding noong September 25, 2022, isang trahedya ang kumitil sa buhay ng limang Bulacan rescuers na kinilalang sina (L-R top photos): George Agustin, Troy Agustin, Marby Bartolome, Jerson Resurreccion, at Narciso Calayag Jr.

Limang miyembro ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa bayan ng San Miguel ang itinuturing ngayon na mga bayani.

Kasama sila sa mga dineploy ng PDRRMO para saklolohan ang mga nangangailangan kasagsagan ng Super Typhoon Karding noong September 25.

Ngunit malagim na balita ang sumalubong sa pamilya ng lima sa mga ito.

Sina George Agustin, Marby Bartolome, Narciso Calayag Jr., Jerson Resurreccion, at Troy Justin Agustin ay nasawi matapos gumuho ang isang pader ng gasolinahan habang binabaybay nila ang Brgy. Kamias, kung saan lampas tao ang lalim ng tubig-baha.

Read: Five rescuers in Bulacan perish while trying to rescue victims of Typhoon Karding

Sumuong sila sa panganib upang magligtas ng buhay kahit na ang mga sarili nila ay nalagay sa alanganin.

Pero para sa kanilang mga minamahal, sila ay mga miyembro ng kanilang tahanang hindi na mabubuo dahil sa biglaan nilang paglisan.

Atin silang kilalanin:

George Enriquez Agustin (August 4, 1977 – September 26, 2022)

Bulacan rescuer george agustin

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taga-Calumpit ang 45 anyos na si George E. Agustin.

Ayon sa kanyang Facebook profile, siya ay communication equipment operator II sa PDRRMO Bulacan Rescue.

Si George ang nag-Facebook Live habang nakasakay sila sa isang army truck bago sila lumipat ng bangka.

Ang mga huling salita na nadinig sa kanya sa naturang video, “Hintayin ninyo kami, San Miguel.”

Marby Bautista Bartolome (October 9, 1985 – September 26,2022)

bulacan rescuer marby bartolome

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagpanaw ni Marby B. Bartolome, 36 anyos, na taga-Bulihan, Malolos City, naulila niya ang dalawang anak na lalaki at asawang si Minhah.

Sa isang Facebook post nitong Lunes, September 26, nagpahayag ng pagsaludo ang isang malapit na kaibigan ni Marby na si Anton Divinagracia para sa kanyang “kosa” at sa iba pang nasawi sa ngalan ng serbisyo.

Panawagan ni Anton sa kanyang post: “Dapat matutunan na ‘to ng mga tao, pag nagpapreemptive evacuation na, magsilikas na kayo, hindi yung mgtatawag kayo ng rescue pag yung baha nasa bubong na.

“Hindi lang buhay nyo nalalagay sa alanganin kundi pati yung mga nagrerescue sa inyo na may mga naghihintay ding pamilya.”

Narciso R. Calayag Jr. (August 10, 1989 – September 26, 2022)

bulacan rescuer narciso calayag jr.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mulat sa trabaho ng rescuer ang 33 anyos na si Narciso R. Calayag Jr. o "Ona” sa kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Bunso sa apat na magkakapatid na puro lalaki, inspirasyon ni Ona sa kanyang pag-volunteer sa Bulacan PDRRMO ang kanyang ama na retiradong bumbero at ang dalawa pa niyang mga kapatid. Ang isa ay nagsisilbing pulis sa Nueva Ecija, habang ang isa pa—si Ferdinar Calayag—ay bumbero sa Malolos City.

Nakapanayam ng PEP.ph nito lamang Biyernes, September 30, si Ferdinar. Kuwento niya, pareho silang may rescue operation ni Ona nang araw na iyon.

“Napakasakit isipin na habang nagsasagip kami ng buhay ng iba, kapamilya na pala namin ang nalalagay sa alanganin.”

Si Ferdinar ang unang nakaalam ng malungkot na balita, at siya ding nagkumpirma sa pagkakakilanlan ng kanyang kapatid, base sa suot nitong sapatos na kanyang niregalo nito lamang nakaraang buwan.

Jerson Lopez Resurreccion (October 18, 1989 – September 26, 2022)

bulacan rescuer jerson resurreccion

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang 32 anyos na si Jerson L. Resurreccion ng Santa Maria ang nagsilbing team leader ng grupo.

Siya ay dating kawani ng Santa Maria Rescue Team na nadestino sa Bulacan Provincial Rescue Team.

Ayon sa tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng kanyang hometown, itinuturing nila si Jerson bilang “isang magiting at kahanga-hangang taga-sagip-buhay.”

Troy Justin Papa Agustin (July 2, 1992 – September 26, 2022)

bulacan rescuer troy agustin

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa nature ng kanyang trabaho bilang rescuer, madalas daw tinatanong ng 30-anyos na si Troy Justin P. Agustin, taga-Plaridel, ang kanyang kabiyak na si Jessa kung ano ang gagawin nito kung iuwi siyang bangkay.

Bagay na hindi sinasagot at hindi sineseryoso ni Jessa, base sa kanyang Facebook post nitong Miyerkules, September 28.

Kuwento pa niya, masidhi ang pagmamahal ni Troy sa kanyang trabaho.

Kuwento ni Jessa (published as is), “Walang pagdadalawang isip yan mag duty at mag mag overtime sa mga rescue operations all over the country.

"Yung landslide sa Davao, landslide sa Cebu, yung gumuhong building sa Porac, sa covid facility sa arena, at madami pang iba.”

Pero sa kabila ng pagiging makisig na rescuer, ipinagmamalaki niyang exceptional na ama si Troy.

Paglalarawan n Jessa: “Kahit galing work, puyat, pagod, o nakainom, nagtitimpla ng gatas, nagpapalit ng diaper, nagpapaligo, nagpapatulog, at nag-aalaga iyan ng anak nang walang reklamo at hindi ko kailangan pakiusapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kusa niya lahat ginagawa ang tungkulin niya bilang ama.”

Sa kabila ng pagdadalamhati, proud si Jessa sa kabayanihan ng kanyang asawa at iba pang mga kasama nito.

Nagpapasalamat si Jessa sa lahat ng nag-aabot ng tulong sa kanila.

Mayroon ding pakiusap si Jessa sa gobyerno: “Now, this is the right time to speak not just for me, for my kids, for my family, but also for all the rescuers, nurses, and frontliners na hindi madinig ang boses sa mga kahilingan nila sa pinansyal, safety, etc.

“Ako po ay nananawagan sa gobyerno, mga ahensya, at sa lahat ng may katungkulan, na sana po ay magsilbing aral itong nangyari na ito para sa lahat, sana po ay pakinggan nyo ang tinig ng mga taong isinasakripisyo ang sariling buhay so others may live.”

PANAWAGAN SA GOBYERNO

Sa pagpanaw ng limang Bulacan rescuers in the line of duty, hindi lamang ang kanilang pamilya ang lubos na nagdadalamhati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging ang mga kasamahan sa trabaho, lalo na ang kanilang chief, ang Bulacan PDRRMO head na si Felicisima “Liz” Mungcal.

“Mga anak ko sila. Pamilya kami sa Bulacan Rescue kaya napakasakit,” madamdaming pahayag ni Liz sa panayam ng 24 Oras kamakailan.

Nito lamang Biyernes, September 30, idinaos ang isang “Luksang Parangal Para sa mga Bayaning Tagapagligtas” sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Malolos City.

Isa itong payak ngunit makabuluhang pagkilala sa limang bagong bayani na muling nagpatunay na ang Bulacan ay “Land of Heroes.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasagsagan ng Super Typhoon Karding noong September 25, 2022, isang trahedya ang kumitil sa buhay ng limang Bulacan rescuers na kinilalang sina (L-R top photos): George Agustin, Troy Agustin, Marby Bartolome, Jerson Resurreccion, at Narciso Calayag Jr.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results