PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Melanie Piedad, cum laude, Top 4

...dahil dukha siya.
by KC Cordero
Published Oct 3, 2022
Pinatunayan ni Melanie Derilo Piedad sa nagsabi sa kanya noon na di siya makakatapos ng pag-aaral na nagkamali ito sa paghusga sa kanya. “Sa murang edad natuto akong magtiis at maging madiskarte.”

Ten years old si Melanie Derilo Piedad nang may nagsabi sa kanya na dahil dukha ang kanyang pamilya, hindi siya makakatapos ng pag-aaral.

Ginawa niyang challenge ang sinabing iyon sa kanya.

Ang 22 years old na tubong Pantabangan, Nueva Ecija, ay nagtapos bilang cum laude noong July 15, 2022 sa Central Luzon State University sa kursong Bachelor of Science in Agricultural and Biosystems Engineering.

Top 4 din siya sa 2022 Agricultural and Biosystems Engineering Licensure Examination, at may rating na 84.36 percent.

Art card congratulating Melanie Piedad

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapanayam si Melanie ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 23, 2022, sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

Kuwento niya, panganay siya sa tatlong magkakapatid. Utility worker sa munisipyo ang kanyang ina at forest ranger sa NIA-Pantabangan ang kanyang ama.

Agricultural and Biosystems Engineering daw ang first choice na kurso ni Melanie.

Aniya, "From the moment I learned how important agriculture is, especially in our country, and the integration of engineering into it, I never doubted this course.

“I have no other course in my mind but this.”

Ayon pa kay Melanie, may epekto sa kanya ang sinabi ng kakilala na hindi siya makakatapos ng pag-aaral.

“I believed her. I believed her because we are poor, and I was clear at that age that you need money to study.”

Hindi na niya masukat kung gaano karami ang kanyang nailuha makapag-aral lang.

“Tuwing umaga, gumagayak ako habang umiiyak patago dahil wala na naman akong baon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ako puwedeng magreklamo. Alam kong kahit anong palag ko sa buhay ay wala pa akong kakayanan na baguhin ito. Pero may kakayanan itong baguhin ako.

“Sa murang edad natuto akong magtiis at maging madiskarte.

Nakatapos siya ng elementary at high school bitbit ang mga karanasang humasa sa kanya.

DISKARTE AT SCHOLARSHIP SA COLLEGE

Sa kolehiyo, sari-saring diskarte ang ginawa ni Melanie para maipagpatuloy ang pag-aaral.

“Naging mabait ang Diyos sa akin dahil mayroon kaming kamag-anak na may boarding house malapit sa campus at doon ako nanirahan nang libre.

“Ang tanging kailangan ko lang gawin ay maglinis.”

Hindi rin siya halos mapadalhan noon ng kanyang parents ng gastusin.

“Kapag wala, gawan ko na lamang daw ng paraan dahil hindi na nila kaya. Nasanay na ako mula noon pa man na hindi na maghingi.”

Dahil required sa kanilang course na may laptop o computer dahil sa kanilang subject na AutoCAD, nakikipag-deal siya sa mga kaklase.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sabi ko, ‘Iuuwi ko yung laptop mo, ako na ang gagawa ng ibang plano mo.’

“For the paper works naman kagaya ng mga lab reports, humihiram ako sa tito ko basta gagawin ko yung mga na-miss niyang gawin sa duration ng paggamit ko ng laptop niya.”

Bulalas ni Melanie sa pagbabalik-tanaw, “Mahirap... Sobrang hirap na hindi kailanman naging komportable ang buhay namin.

“Palagi kong iniisip yung nanay ko na aligaga tuwing Linggo kung saan hahanap ng pera para may pambaon ako sa college.

“Halos lahat na ay nautangan niya para lang makaalis ako papuntang CLSU.

"Ganun din ang tatay ko na nagpapakahirap magtrabaho para may mapantustos sa amin.”

Lagi rin niyang sinasabi sa sarili bilang panganay na huwag na huwag susuko. Kailangang matibay siya.

“Kasi sabi nga ng marami, ako ang pag-asa ng pamilya. Ako ang magtataguyod sa amin. Ako ang mag-aahon sa amin sa kahirapan.”

Nakahinga nang bahagya sa gastusin si Melanie nang maging scholar siya ng CHED-TES at PhilDev Foundation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang napakalaking dagok na binuhat ko sa college ay ang personal at emosyunal na sitwasyon.

"Dahil alam ng lahat na malakas ka, hindi mo na kayang iharap sa kanila yung mahina mong parte.”

REVIEWING FOR BOARD EXAM

Nang kukuha na siya ng board exam, ramdam ni Melanie ang pressure.

“I graduated with Latin honors, and, you know, great power comes with great responsibility.

“Kahit hindi sabihin sa akin ng mga tao, alam ko na they are expecting something big from me, while I am doubting myself big time.”

Bago graduation, hindi pa siya desididong kumuha ng board exam.

Pero sa panghihikayat ng boyfriend niyang si Engr. John Vincent Nate, na isa ring board topnotcher noong 2019, itinuloy niya.

Hindi na nag-enroll sa review center si Melanie at naging personal mentor niya ang boyfriend.

“Ibinigay niya sa akin yung reviewer niya. Sabi niya sa akin, kung mangangarap akong maging topnotcher ay wala namang mawawala sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“From that very moment, naging goal ko na ang maging topnotcher.”

Melanie Piedad's review materials

Aminado siyang nahirapan sa board exam.

“Noong nakita ko yung mga questions, para akong ni-reformat dahil most of it ay bago.”

Handa naman umano siya sa ganitong senaryo.

“I practiced analyzing questions lalung-lalo na sa mga computations during my review. The exam was hard, and I must say, it will be difficult if you don’t prepare.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"TOPNOTCHER KA! PANG-APAT KA!"

Hinding-hindi makakalimutan ni Melanie ang mga eksena nang lumabas na ang resulta.

“Nasa third floor ako ng apartment noon para maka-connect sa WiFi, habang yung mga kaibigan ko na nag-take din ay nasa first floor naman.

“Narinig ko na yung sigawan nila habang hinahanap ko yung pangalan ko.”

Nang makita ang kanyang pangalan sa list of passers, napatalon siya.

“Napasigaw ako ng, ‘Engineer na ako!’”

Nang kumalma na siya ay saka siya nag-check ng link ng Top 10.

“Hindi ko agad nakita yung pangalan ko. Ang huling naalala ko na lang ay nagsisisigaw yung boyfriend ko na, ‘Topnotcher ka! Pang-apat ka!’”

Agad niyang sinabihan ang mga magulang tungkol sa magandang balita.

“Doon na bumuhos lahat ng luha na meron ako... Their reaction was priceless.

“I have never seen them so happy like that! Para bang lahat nang sakripisyo nila para sa aming magkakapatid ay natumbasan nang lubus-lubos pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We were not able to capture the moment, pero it will remain vivid forever. Sobrang saya!”

Inialay ni Melanie ang tagumpay sa kanyang mga magulang at kapatid, sa kanyang boyfriend na matiyagang tinuruan siya sa review, at sa mga tao sa paligid na patuloy na naniniwala sa kanyang kakayanan.

Melanie Piedad riding in a tractor

Kasalukuyang kumukuha si Melanie ng kanyang master's degree sa ilalim ng scholarship program ng Department of Science and Technology-Engineering Research and Development for Technology.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I am planning to pursue academe, specifically on research.

“Currently, I am working with my first Elsevier publication, and hopefully ay makapagsulat pa ng maraming researches for the development of agricultural and engineering field.”

At kapag naaalala niya na minsan ay may nagsabi sa kanyang hindi siya makakatapos ng pag-aaral, sinasabi niya sa kanyang 10-year-old self: “I know you are the proudest right now that we’ve come this far.”

Read also: Meet Grace Mapanao, board topnotcher at age 48

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinatunayan ni Melanie Derilo Piedad sa nagsabi sa kanya noon na di siya makakatapos ng pag-aaral na nagkamali ito sa paghusga sa kanya. “Sa murang edad natuto akong magtiis at maging madiskarte.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results