PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

84-year-old cancer survivor, palaban sa zumba sa Nueva Ecija

"Ang zumba, ano, pangalawang pamilya sa akin iyan."
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Aug 19, 2022
lola
Si Dominga Puyat, mas kilalang Lola Omeng, 84, ay hindi nagpatalo sa cancer sa ovarian at colon cancer, at hinangaan dahil sa pakikipagsabayan pagdating sa zumba. Idol din ni Lola Omeng si Paolo Ballesteros (inset) at masaya siyang nagkaroon ng pagkakataong makilala siya.
PHOTO/S: YouTube (CS Villarico via GMA Public Affairs)

Sa bawat indak ni Dominga Puyat sa mga zumba dance floors ng Cabanatuan City, hindi mo aakalaing isa siyang cancer survivor.

Dalawang taon pa lang ang nakalilipas simula nang magkaroon ng ovarian at colon cancer si Dominga, na mas kilala bilang Lola Omeng o Nana Omeng.

Ngunit imbes na mawalan ng pag-asa, hindi siya nagpatalo sa kanyang mga karamdaman.

At sa edad na 84, kayang-kaya niyang makipagsabayan sa mga mas nakababatang kasama niyang mag-zumba halos araw-araw.

ZUMBA LOLA

Unang nakapukaw ng pansin si Lola Omeng sa viral video na nakunan sa Freedom Park ng Cabanatuan City at ipinost ni CS Villarico sa Facebook noong June 25, 2022.

Labis na namangha ang mga netizens sa masiglang pag-indayog ng matanda na hindi nagpahuli, mula sa kanyang zumba outfit hanggang sa mga hataw-kung-hataw na dance steps.

Simula nga noon ay nagkaroon ng interes ang publiko at kabi-kabila ang naging interviews ng hip zumba lola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

lola zumba

Marami ang humanga sa kanya at bumuhos ang mga positibong komento.

Kuwento niya sa panayam ng Good News website nitong Sabado, August 13, 2022, “Talagang lahat ng ka-zumba namin kahit saang barangay kami nagpupunta, humahanga sa akin kasi hindi ako nauupo, hindi ako umiinom.”

Dalaga si Lola Omeng at sa kanilang magkakapatid, siya na lamang ang natitira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya’t blessing kung maituturing na nakatagpo siya ng ikalawang pamilya sa pagsu-zumba.

Kabilang dito ang kanilang dance instructor na si Rochelle Catolico na parang anak-anakan na rin ni Lola at kasama niya saan man magpunta.

“Kasi ang zumba, ano, pangalawang pamilya sa akin iyan sa ngayon dahil diyan ako nasisiyahan.

“Diyan lumalakas ang katawan ko at yung aking kalusugan, e, talagang, kahit na ako’y payat ay malakas ang aking katawan.”

Sa pagdiriwang ng kanyang 84th birthday nito lamang August 4, dinumog din ng bisita ang tahanan ni Lola Omeng sa Barangay Daan Sarile.

Bilang sorpresa, naghandog ng isang sayaw at nag-alay ng mga roses ang tinuturing niyang bagong pamilya, ang kanyang mga ka-zumba.

Ito ay pagkilala sa inspirasyon at good vibes na dulot ng zumba lola—pati na rin ng kanyang mga pasadyang outfits—sa lahat.

LOLA OMENG: "IDOL KO SI PAOLO"

Bukod sa pagsu-zumba, isa pa sa nagbibigay ng labis na kasiyahan kay Lola Omeng ang panonood ng Eat Bulaga! araw-araw.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang kanya nga raw makukulay na outfits ay inspired ng paborito niyang EB Dabarkad na si Paolo Ballesteros.

Nagkaroon ng pagkakataon si Lola Omeng na makadalaw sa set ng Eat Bulaga! at personal na makaharap si Paolo at ang iba pang Dabarkads.

Paolo Ballesteros

Nagkaroon din sila ng mala-zumba showdown at tulad ng inaasahan, walang pagsidlan sa tuwa ang matanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako ay natutuwa talaga dahil hindi ko ine-expect na makaka-meet ko sila sa araw na ito.”

Sa kabila ng mga hinaharap ni Lola Omeng na pagsubok ay hindi siya nagpapatalo. Sinasayawan lamang niya ang mga ito, with feelings!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Dominga Puyat, mas kilalang Lola Omeng, 84, ay hindi nagpatalo sa cancer sa ovarian at colon cancer, at hinangaan dahil sa pakikipagsabayan pagdating sa zumba. Idol din ni Lola Omeng si Paolo Ballesteros (inset) at masaya siyang nagkaroon ng pagkakataong makilala siya.
PHOTO/S: YouTube (CS Villarico via GMA Public Affairs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results