Ang pangarap lang ni Edeth Novia Tubal ay maka-graduate at mabigyan ng diploma ang kanyang pamilya.
Pero higit pa sa kanyang pinangarap ang naabot ni Edeth, na mas kilala bilang Via.
Magna cum laude at class valedictorian si Via, na nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Fisheries sa Mindanao State University Naawan, Misamis Oriental.
Isa rin siya sa tatlong scholars na kabilang sa 20 Fisheries Scholarship Program (FSP) na pinarangalan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Caraga Region (BFAR-13) last August 10, 2022 dahil sa excellent academic achievements.
Tumanggap si Via ng plake ng pagkilala at PHP30,000 incentive mula sa BFAR.

Tubong Lianga, Surigao del Sur si Via, na anak ng isang mangingisda.
Noong July 15 ay nag-post siya sa kanyang Facebook account ng kanyang graduation photo.

Aniya, simple lang ang naging pangarap niya, pero lubos siyang biniyayaan ng Diyos.
Ang kanyang caption, “I didn’t ask for any of this. All I did was pure hard work.
“Neither did I ask to be at the top. All I did was run an extra mile in everything I do.
“Ang pangarap ko lang ay maka-graduate at mabigyan ng diploma ang aking pamilya.
“Pero grabe, sobra ang blessings na ibinigay sa akin ni Lord, kaya sobra-sobra rin ang aking pasasalamat.”
Ang pagtatapos ni Via ay isang mahalagang milestone sa kanilang pamilya.
Sambit pa niya, “The first to graduate college in the family.
“Aiming to be the breaker of the generational cycle of poverty in the family and aiming to be an educator.”
Sa artikulong nalathala sa Philippine News Agency noong August 10, sinabi ni Via na bumitaw siya sa chemical engineering program ng Mindanao State University nang makapasa siya sa scholarship ng FSP.
Kuwento niya, “I realized that my parents will probably have a hard time financing me if I took the engineering course, especially since my father was sick at that time.
“All my life, being born in a poor family, I didn’t get to have a lot of choices.”
Nagpapasalamat siya sa scholarship grant ng BFAR dahil naging malaking tulong ito sa kanyang pag-aaral, lalo na sa mga gastusin sa school.
Last August 8 ay natanggap na si Via bilang college instructor sa North Eastern Mindanao State University (NEMSU) Lianga, Surigao del Sur Campus.
Ang nasabing institusyon ay dalubhasa sa pananaliksik sa coastal resource management.
Ani Via ay pangarap talaga niya ang maging bahagi ng academe.
“I want to become an educator in the hopes of sharing my knowledge and vision for the fisheries sector, which is one of the most important sectors in the country.”
Umaasa rin siya na ang fishery sector sa Caraga Region, at sa buong bansa, ay ma-achieve ang full sustainability.
“Since we are endowed with marine resources, I am hoping that these resources will be utilized properly and sustainably, so that there will still be resources left for the next generations to come.”
Read also: 3 B.S. Fisheries students, magna cum laude, receive PHP30K incentive