Pinarangalan ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) noong August 11, 2022, si Nelson Palo, isang building attendant ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay matapos niyang isauli ang folder na may lamang PHP20,500 na naiwan ng isang Japanese national.

Si Nelson ay empleyado ng Omniworx Inc., isang outsource agency para sa janitorial manpower.
Ang isinauling folder na may lamang pera ay nakita ni Nelson sa Immigration filling-out counter ng arrival area NAIA Terminal 1 noong August 5.
Naibalik na rin ito ng pamunuan ng MIAA sa may-ari.
Mismong si MIAA Acting General Manager Cesar Chiong ang nag-abot ng certificate of appreciation kay Nelson.
"Mr. Palo, maraming salamat po sa ginawa ninyong pagbalik ng pera, and we're actually very proud sa ginawa niyo dito sa NAIA," ani Chiong kay Nelson.
"You are actually our inspiration, because we treat you as family, even if you're not directly employed by the MIAA."
Pawang papuri naman ang natanggap ni Nelson sa mga netizens.


Anila, dapat tularan ang tulad niya na matapat at hindi nasisilaw sa salapi.
Totoo pa rin umano ang kasabihang “Honesty is the best policy.”