Ibang-iba na ang mukha ng pulitika, hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa ilang parte ng mundo.
Nito lamang Linggo, August 7, 2022, ay nanumpa sa Colombia, sa isang pagtitipon sa Bolivar square sa Bogota, ang kauna-unahang presidente mula sa hanay ng mga rebelde.
Si Gustavo Petro na dating miyembro ng M-19 guerilla group ay nangako ng kapayapaan para sa lahat sa pagsisimula ng kanyang termino matapos makakuha ng mas maraming boto laban sa conservative parties noong June 19, 2022 elections.
Kasabay ni Petro na naluklok sa tungkulin ang bise-presidente na si Francia Marquez, isang dating kasambahay na gumuguhit ng kasaysayan bilang kauna-unahang Afro-Colombian na hahawak sa ikalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.
PEOPLE ARE CHANGING THE WAY THEY VOTE
Pinatunayan ng pagkapanalo nina Petro at Marquez ang pagbabagong-loob ng mga Colombians sa pagpili ng kanilang pinuno.
Si Petro ay kabilang sa dumadaming leftist politicians ng Colombia, habang si Marquez ay matagal nang human rights at environmental activist.
Kilala sa pagiging reluctant ang bansang Colombia na magtiwala sa mga tinatawag na political outsiders, lalo na ang mga dating rebelde, dahil sa akusasyong patuloy na pakikipag-ugnayan ng mga ito sa kanilang dating samahan.
Ngunit nitong 2016, nang malagdaan ang peace deal sa pagitan ng Colombian government at ng Revolutionary Armed Forces of Colombia, nalayo ang atensiyon ng marami sa mga violent conflicts sa rural areas.
Nabaling ang atensiyon nila sa laganap na problema ng corruption at kahirapan. Ito ang nagtulak sa mamamayan na sumugal sa mga leftist parties.
PETRO: UNITY FOR THE POLARIZED COUNTRY AND EQUALITY FOR ALL
Si Petro ay naging miyembro ng guerilla group na 19th of April Movement (kalaunan ay naging M-19 Democratic Alliance) simula noong siya ay 17 years old pa lamang.
Nagsilibi siya bilang congressman ng Bogotá noong 2002-2006 at senador simula 2006.
Nang una niyang inasam ang pagka-pangulo noong 2010, si Petro ay nakakuha ng 9.1% of total votes at pang-apat siya among the presidential candidates.
Muli siyang sumabak sa pulitika noong 2012 at nagtagal nang ilang taon bilang mayor ng Bogotá.
Nagdesisyon siyang makipagbakbakan ulit sa presidential elections noong 2018. Natalo siya, at pumangalawa sa puwesto.

Nag-anunsiyo si Petro na magreretiro kung sakaling hindi magtagumpay sa kanyang kampanya ngayong 2022. Ngunit iba ang plano ng majority nang siya ay bigyan ng 50.44% of the popular votes.
Bilang bagong halal na pangulo ng Colombia, layon ni Petro na pag-isahin ang bansa at wakasan ang matagal nang problema sa kahirapan, inequality, maging sa war on drugs.
Sa kanyang inaugural speech na sinaksihan ng halos 100,000 katao, kabilang si King Felipe VI ng Spain at iba pang Latin American officials, emosyonal na ibinahagi ni Petro ang kanyang vision para sa bansa na pag isinalin sa wikang Ingles ay, “I do not want two countries, just as I do not want two societies. I want a strong, just and united Colombia.”
THE FIRST BLACK VP IS WRITING HISTORY ANEW
Tulad ni Petro, lumikha ng ingay ang pagkakahalal kay Marquez sa pangalawang pinakamataas na posisyon sa executive branch.
Bukod sa kanyang kulay, siya din ay isang dating kasambahay na naging lawyer at aktibista.
Namasukan bilang live-in maid si Marquez sa local gold mines nang siya ay mabuntis at magka-anak nang maaga, sa edad na 16.
Breakthrough kung tutuusin ang tagumpay ni Marquez sa isang bansa kung saan talamak ang issue ng racism at inequality.
Ito ay mabigat na represesentasyon ng pagka-uhaw ng marami sa pagbabago.
Sa isa sa mga campaign rounds ni Marquez, ibinahagi niya ang dahilan ng kanyang pagpayag upang maging running mate ni Petro.
Aniya, “Because our governments have turned their backs on the people, and on justice, and on peace.”

Tulad ng inaasahan, maraming mata ang nakatuon at patuloy na magmamasid sa sinasabi ng ilang political scientists tulad ni Yan Basset ng Rosario University ng Bogotá na “very ambitious agenda” ang tandem nina Petro at Marquez.
The world will have to wait and see.