PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Mark Vincent Layug, back-to-back topnotcher ng Pampanga

Top 4 siya sa Mechanical Engineer Licensure Examination, top 3 siya sa isa pa.
by KC Cordero
Published Jul 9, 2022
Mark Vincent Layug while chilling, and an art card congratulating him.
Pambihira ang na-achieve ni Mark Vincent Layug na nagawang maging topnotcher sa dalawang board exams kahit 10 days lang ang pagitan nang kumuha siya ng pagsusulit.

Isa si Mark Vincent Layug sa ilang beses naging topnotcher sa pagkuha ng licensure examination.

Ang tubong-Pampanga ay nagtapos ng Bachelor of Science in Mechanical Engineering sa Don Honorio Ventura State University.

Mark Vincent Layug in graduation photo.

Top 3 siya sa February 2022 Master Plumber Licensure Examination (MPLE), at may rating na 84.20 percent.

Top 4 naman siya sa February 2022 Mechanical Engineer Licensure Examination (MELE), at may rating na 94.80 percent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam kay Mark ng inhinyero.org noong March 21, sinabi niyang bata pa lang ay pangarap na niyang maging engineer.

Pagbabahagi niya, “My dad kasi ay mahilig manood noon ng Discovery, History, at National Geographics channels.

"As a child, I was extremely amazed kung ano mga nagagawa ng mga engineers.”

“MAHIRAP TALAGANG MAG-ARAL NG ENGINEERING”

Sa personal na aspeto ay wala raw siyang naging struggles nang magkolehiyo, pero aminado siyang mahirap ang kanyang kurso.

“Wala akong masyadong maalala na challenge nung college aside sa mahirap talagang mag-aral ng engineering.

“Kasi ang pinakamahirap talaga na challenge sa journey ko happened during my review for the board exam.

"The uncertainty kung matutuloy ba or mapo-postpone na naman ang exam namin really made a toll to my mental health.”

Mark Vincent Layug with his college project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakaka-relate umano si Mark sa iba pang kukuha ng board exams na nadidismaya kapag hindi natutuloy dahil pare-pareho sila ng nararamdaman dahil sa pandemya.

Aniya, “Sobrang nakakalungkot makita ang mga reactions din sa comment section ng mga postponed board exams ng Professional Regulation Commission [PRC] dahil hindi lahat [na kukuha ng board] ay privileged.

“Ang iba, sila lang ang inaasahan ng kanilang pamilya.”

TWO BOARDS EXAMS NA KINUHA 10 DAYS LANG ANG PAGITAN

Nabanggit ni Mark na mas nahirapan siya sa kanyang pagre-review dahil magkadikit lang ang schedule ng dalawang board exams na kinuha niya.

Una raw siyang sumalang sa Master Plumber Licensure Examination noong February 15 to 16.

“I took two board exams, which are only 10 days apart. Kaya after ko makauwi after sa una kong board exam, nag-rest lang ako ng isang araw, then review na naman para sa upcoming MELE.”

Mabilis aniyang lumabas ang resulta ng MPLE.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Results for the MPLE came in two days after ng exam. Nasa table lang ako nun, nagre-review at bigla na lang nakita ko na ang dami kong notifications sa phone.

“Doon ko lang nalaman na hindi lang pala ako basta pasado kundi topnotcher pa.”

Hindi umano niya maipaliwanag ang naging reaction at naramdaman niya nang mga sandaling iyon.

“Sobrang saya ko, lalo na nang makita ko ang family ko, friends, at ang buong school na sobrang proud sa achievement ko.”

Ganito rin aniya ang naramdaman niya nang lumabas ang resulta ng MELE.

“Doon talagang maluha-luha na akong makita ang pangalan ko sa topnotcher list. Sobrang bilis nag-explode ang news din sa social media.

“Super happy and proud talaga, lalo na that it is rare na magkaroon ng mga topnotchers sa school or province namin.”

“I WILL CONTINUE TO MAKE MY PARENTS PROUD”

Ang payo ni Mark sa mga engineering students, “Be ambitious. Hold it and focus on achieving it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi talaga magiging madali ang journey sa ating mga pangarap, pero ang mga challenges at sacrifices ang dahilan kung bakit mas rewarding pag na-achieve na natin ang mga ito.

“Sa mga gusto namang maging topnotcher katulad ko, one word lang: discipline.

"Because you would not always be motivated that is why you got to be disciplined.

"Discipline is doing what needs to be done, even if you don't want to do it."

Sa ngayon ay plano ni Mark na i-practice ang kanyang propesyon. “Nakikita ko ang sarili ko na exploring pa rin sa field of engineering. My mindset kasi is to never stop learning.

“Kahit na na-achieve ko na ang childhood dream ko, hindi lang ito dito matatapos.”

Gusto rin niyang magturo sa kolehiyo.

“Yung field ng academe has also a place in my heart. Lagi rin kasi akong nagtu-tutor sa mga classmates ko and ibang friends ko for free. It is really my joy to help others.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At ang isa sa kanyang ultimate plans: “I will continue to make my parents proud. It's time to give back to my parents for their love and sacrifices.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pambihira ang na-achieve ni Mark Vincent Layug na nagawang maging topnotcher sa dalawang board exams kahit 10 days lang ang pagitan nang kumuha siya ng pagsusulit.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results