PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Cenry Santiago: Top 1 sa May 2022 Dentist Licensure Exam

Healthy siya throughout the pandemic, then 2 days before exam, nagka-COVID 19.
by KC Cordero
Published Jun 20, 2022
Cenry Santiago in college uniform, and in graduation photo.
Ilang beses na-cancel ang pagkuha ng board exam at nagka-COVID pa, naniniwala si Cenry Santiago na ang pagiging Top 1 niya sa May 2022 Dentist Licensure Examination ay bunga ng determinasyon niyang mapasaya ang kanyang ina at kapatid na nagtitiwala sa kanyang kakayahan.

Top 1 si Cenry Santiago sa May 2022 Dentist Licensure Examination. Nakakuha siya ng rating na 82. 77 percent.

Tubong Bulacan, produkto ang 24-year-old topnotcher ng Centro Escolar University School of Dentistry.

Bunso siya sa dalawang magkapatid. Nagtapos siya bilang cum laude, at “Gold Medalist for Leadership in Co-Curricular and Extra-Curricular Activities.”

Art card congratulating Cenry Santiago for her fete.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento niya, nahirapan siya sa kinuhang kurso.

“Oftentimes, I thought of giving up, telling myself that I couldn’t do it and that my goals were not for me.

“There were times when I thought I’d fail, but ended up passing anyway.”

Kabilang si Cenry sa DMD Batch 2020, na kung tawagin ay “pandemic batch.”

Sa feature sa kanya ng CEUwebsite noong May 25, 2022, nabanggit na hindi na naidaos ang kanilang graduation, at noong December ng nasabing taon ay na-cancel ang kanilang board exam dahil sa pandemic.

Kanselado rin ang kanilang board exam noong May 2021.

NAGKA-COVID BAGO ANG BOARD EXAM

Nitong January 12-14, 2022, ang written part ng board exam.

Dalawang araw bago schedule ni Cenry ay nagpositibo siya sa COVID-19, kaya hindi rin siya nakakuha.

Pagbabahagi niya, “I have been healthy for the past two years of the pandemic, and this happened just right before the exam, which I have been waiting for so long.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I cried a river that time. But the people around me also believed that what happened will eventually turn out into something beautiful.”

Sa kabila naman ng delays and setbacks, noong May ay natuloy na ang pagkuha niya ng board exam.

NAHIRAPAN SA THEORETICAL EXAM

Inamin ni Cenry sa panayam ng Teleradyo noong June 7 na nahirapan siya sa nasabing pagsusulit.

“Iyak lang po ako nang iyak after ng theoretical exam. 'Tapos, yun po kasi yung problem, yun po kasi yung mahirap sa boards. Hindi mo alam kung tama ba yung isinagot mo, di mo alam kung ano yung lalabas.

“Ang prayer ko po talaga noon, sabi ko, ‘Lord, ayoko nang maulit ito lahat.’ Parang hindi ko na kaya, pagod na ako.”

Aniya, naging inspirasyon niya na makitang masaya ang kanyang ina kapag nakapasa siya sa board exam.

Dagdag pa rito ang motivation na nakukuha niya sa kanyang ate na isa ring dentista, at Top 4 naman sa June 2017 Dentist Licensure Exam.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Suportado aniya siya ng mga ito, at malaki ang paniniwala sa kanyang kakayahan.

“GRABE, ITO YUNG IPINAG-PRAY KO!”

Nang lumabas ang resulta ng exam, hindi agad nalaman ni Cenry na siya ang Top 1.

“First po, may nag-send sa akin ng list of passers na nandoon po yung name ko. So, yung sense of relief po talaga yung una kong na-feel, saka po saya.

“Kasi, pagod na pagod po talaga ako nung boards.”

Nang malaman niyang siya ang topnotcher, ang tangi umano niyang nasambit: “Grabe, ito yung ipinag-pray ko!”

Agad niyang tinawagan ang ina at kapatid para ipaalam ang napakagandang balita.

Cenry Santiago in intern uniform.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa kanyang mga pinagdaanan, ang payo ni Cenry sa mga kukuha ng dentistry, “In dentistry, everything is uncertain. Some days are easy, but most days are hard.

“Surviving a day of reviewing, laboratory works, and even something as simple as getting up amidst chaos is already a story of success.”

Sa ngayon ay plano niyang tumulong sa kanyang kapatid sa dental clinic nito, at kumuha ng kurso na mas magpapalawak pa ng kanyang kaalaman para mas maging mahusay siyang dentista.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilang beses na-cancel ang pagkuha ng board exam at nagka-COVID pa, naniniwala si Cenry Santiago na ang pagiging Top 1 niya sa May 2022 Dentist Licensure Examination ay bunga ng determinasyon niyang mapasaya ang kanyang ina at kapatid na nagtitiwala sa kanyang kakayahan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results