Pinusuan ng netizens ang kuwento ng isang retired teacher ng Philippine Science High School (PSHS) dahil tinuturuan niya ngayon ang mga bata sa kanilang barangay.
Si Lolo Delfin Angeles ay 37 years na nagturo sa PSHS sa Quezon City.
Naging Integrated Science and Physics teacher siya simula 1984.
Opisyal siyang nagretiro noong 2021.
Pero bago ito, nag-umpisa siyang magturo sa kanyang hometown sa Laguna noong 1975.
Ibig sabihin, higit sa 40 years nagturo si Lolo Delfin.
Pero kahit retirado na siya, hindi pa rin niya matalikuran ang piniling propesyon.
Ang tinuturuan niya ngayon ay mga bata sa kanilang lugar at ang kalsada ang kanilang classroom.
Noong una ay tinatawag siyang Lolo Delfin ng mga bata, pero ngayon ay Teacher Delfin na.

Ipinost ito ni Lolo Delfin sa Facebook noong June 2, 2022.
Kuwento niya, habang nagdidilig siya ng mga halaman sa kanyang bahay sa Sta. Ana, Manila, may mga batang lumapit sa kanya. Umandar ang kanyang pagiging guro.
Post ni Lolo Delfin, “As I water and tend my plants by the street sides, children came around asking me, llolo, anong plant iyan.’
“I got to know them and at random I ask them, 6x7 or 8+7 or to say something in English.”
Isang araw, may hiniling ang mga bata kay Lolo Delfin na hindi niya matanggihan.
Ang post niya, “One day, they said, ‘Lolo, turuan mo kami.’”
Kaya si Lolo Delfin, naging si Teacher Delfin uli. Tinawag niya itong Eskwelahang Munti, at halos araw-araw ang pasok simula noong March 2022.
Humihingi ng mga lumang school supplies ang guro sa mga kakilala para may gamit ang mga estudyante niya.
“Now we have face-to-face class. I prepare math, english, science lessons,” ani Lolo Delfin.
“I asked friends for old pencils, ball pens, crayons. I cut cardboard boxes to A4 size, from the grocery, to make clipboards for writing.
“Since then, they have ceased calling me lolo. Now, it is, 'teacher!'
"No, I won’t teach falling bodies, though I did teach them balancing equations!! (When it rains, classes are suspended, all levels.)”
Sa comments section, maraming mga dating estudyante ni Lolo Delfin ang nagkomento.
May isang netizen ang nagpahayag ng paghanga kay Lolo Delfin.
At sinagot ito ng guro at sinabing hindi natatapos ang pagiging guro.
Sabi niya, “You and I know, it's a blessing to be a teacher. Teachers never grow old;
“When we started lessons, they stopped calling me lolo. they now call me teacher.
“Isn't that great?”

Marami sa kanila, hinahangaan ang dating teacher na humubog sa kanilang kaisipan.
Ang iba, nagvo-volunteer na magbigay ng mga school supplies sa pagtuturo ni Teacher Delfin.

