PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dating domestic worker, nag-graduate sa New York University

Siya si Xyza Cruz Bacani, at isa rin siyang renowned photographer.
by Bernie V. Franco
Published May 18, 2022
xyza cruz bacani
Si Xyza Cruz Bacani ay nagtapos ng Master of Arts and Politics program sa Tisch School ng New York University. Nakikilala siya bilang documentary photographer. Pero bago iyon, nagtrabaho muna siya bilang domestic worker sa Hong Kong ng halos isang dekada.
PHOTO/S: @xyzacruzbacani on Instagram

Malayo na ang narating ng Pilipinang si Xyza Cruz Bacani, na dating domestic worker.

Latest achievement niya ang kanyang master’s degree—Master in Arts and Politics program—mula sa Tisch School, ang performing, cinematic and media arts school ng New York University (NYU) sa Amerika.

Nagmartsa si Xyza sa Yankee Stadium nitong Miyerkules, May 18, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa hilig niya sa photography, nakilala si Xyza bilang documentary photographer at nabigyan ng scholarship sa Tisch School.

Tampok sa mga kuha ng Pinay ang buhay ng mga OFWs sa iba’t ibang bansa, at na-feature ang ilan sa mga ito sa international media, kagaya ng CNN at New York Times.

HUMBLE BEGINNINGS

Sino ang mag-aakala na ang ang simpleng hilig niya sa pagkuha ng mga larawan ang magbubukas ng mga oportunidad at pagkilala kay Xyza?

Ang kanyang first job—kung saan tumagal siya for 10 years—ay bilang helper sa Hong Kong kasama ang kanyang ina.

Para maipakita ang ganda ng Hong Kong sa inang homebody, nangutang siya ng pambili ng camera.

“Because my mother never goes out for holiday, so she never saw the beauty of Hong Kong.”

Dito nagsimula ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga shots ni Xyza ay napansin ng Filipino photographer na si Rick Rocamora.

Kasunod nito, nabigyan si Xyza ng pagkakataong maging documentary photographer ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa Pilipinas, siya ang kinuhang photographer ng Project Ugnayan, isang charity project ng mga big companies, para ma-document ang pag-aabot ng tulong sa mga kababayang nangangailangan.

Ang mga black-and-white photos ni Xyza ay napansin ng international media.

THE LAST DH IN FAMILY

Ibinahagi ni Xyza ang kanyang kuwento sa isang interview sa CNN Philippines noong December 2020.

Lumaki si Xyza na wala ang mga magulang sa tabi dahil pareho silang nagtatrabaho abroad.

Bilang panganay at dahil na rin sa hirap ng buhay, inasahan si Xyza na tumulong sa pamilya.

Pagsapit ng 19 anyos, inalok siya ng ina na magtrabaho rin sa Hong Kong.

Ani Xyza, nahasa ang kanyang work ethics sa pagtatrabaho bilang domestic worker sa loob ng halos isang dekada.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Wala raw siyang balak maging photographer.

Nagsimula ang hilig niya sa visuals dahil madalas siyang tumingin sa mga larawan ng mga libro noon. Wala kasi silang telebisyon.

“May libreng library sa barangay. Doon ko inuubos yung oras ko.

“Nagbabasa ako, tinitignan ko ang mga pictures. I’m looking at artworks.”

Taong 2009 nagsimula ang kanyang hilig sa photography.

Taong 2019, naglabas ng libro si Xyza bilang pagbibigay-pugay sa mga OFWs. Pinamagatan niya itong We Are Like Air.

Sabi ni Xyza, “I strongly believe that migrants are just like air. Important, a necessity but unseen, just like air.”

Nais niyang matapos na sa kanya ang pagiging OFW ng kanilang pamilya.

Hangad rin niyang mapalitan ang term na "domestic helper" dahil nakapanliliit daw ng pagkatao ito.

Mas gusto raw ni Xyza na tawaging "domestic workers" ang mga Pilipinong nangangamuhan sa ibang bansa.

Naniniwala siyang mas nagkakaroon sila ng dignidad sa ganoong tawag: mga OFW na nagtatrabaho at pinapasahod sa kanilang serbisyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Read More Stories About
xyza cruz bacani, Non Celebrity
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Xyza Cruz Bacani ay nagtapos ng Master of Arts and Politics program sa Tisch School ng New York University. Nakikilala siya bilang documentary photographer. Pero bago iyon, nagtrabaho muna siya bilang domestic worker sa Hong Kong ng halos isang dekada.
PHOTO/S: @xyzacruzbacani on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results