Nag-trending ang post ni Gladi Echavarre sa kanyang Facebook account noong May 11, 2022.
Nanawagan si Gladi na hanapin ang magkasintahan na dumalo sa miting de avance ni Vice President Leni Robredo noong May 7.
Kita sa kalakip na larawan ang dala nilang placard na may mensaheng: "Ikakasal kami na si LENI na ang PRESIDENTE."

Naging sentro ng bashing ang magkasintahan nang matapos ang halalan.
Sa mga unang arangkada ng bilangan kasi ng mga boto ay umariba si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at pumangalawa si VP Leni.
Hirit ng mga bashers, hindi na siguro matutuloy ang kasal ng dalawa.
Ayon sa post ni Gladi (published as is): "Please help me find this couple.
“I WILL MAKE THE BRIDE'S WEDDING DRESS FOR FREE.
“This lovely couple has been bashed and became the poor subject of ridicule.
“Let's turn our loss & grief into something beautiful to our fellow kakampink."
Batay sa profile niya, si Gladi ay isang fashion designer.
Marami ang nag-share ng post ni Gladi.
Isa na rito ang netizen na si Junize. Ayon sa post niya noong May 12 (published as is): “People made fun of this couple dahil hindi na raw sila ikakasal but look what the pink movement decided to do for them.
“Deserve niyo pong ma-bless ng maraming tao for staying still in spite of ridicules you received. Hindi biro ang gastos sa kasal, as someone married, alam ko yan.
“Kaya grabe ‘tong mga taong ‘to mag bless talaga.
“Friends, this is how we should continue the radical love that our chosen candidate shared to us. Ituloy natin yung bigayan sa isa’t isa, yung ngiti na nakita natin habang nasa rally tayo, yung sobrang babait at disiplinado ng mga tao na feeling mo parang nasa ibang bansa ka, at yung volunteerism.
“Hindi ito dapat mamatay dahil hindi nanalo si VP Leni. Ituloy natin ang nasimulan niya. Lahat ng iyak natin ay gamitin natin na inspiration para magsilbi sa bayan. Hindi na tayong muling pipikit pa.
“Tuloy tayo sa laban upang maging mabuting Pilipino.
“PS. Dumagdag na yung honeymoon at drones kaya I had to upload again.”
putting together a pink wedding
Triggered naman ang mga Kakampinks na may mabubuting kalooban at kanya-kanyang pledge ng maiaambag para sa kasal ng couple.
May nagsabing siya na ang bahala sa hair and makeup.
Kung wala pang wedding host, mayroon na ring nagprisinta.

Super friendly na "Kakampink rate" naman ang offer para sa wedding and reception venue.
Libre na rin ang videographer.
May gustong siya ang gumawa ng damit para sa mga moms ng magkasintahan at maging sa flower girls.
Hindi na rin problema ang nail care ng bride.
Marami ring nag-offer para sa prenuptial shoot, at may nagprisintang maging wedding planner.

May nagtanong kung may GCash para magbigay ng kaunting blessing sa magkasintahan.
Willing din ang iba na taga-My Day o taga-IG story ng wedding, at tumugtog sa reception.
Sagot na ng isa pa ang coffee booth, at may nagparamdam na sagot na niya ang honeymoon room sa Tagaytay.

At siyempre, may sponsor na rin para sa wedding ring ng magkasintahan.
Ayon sa mga netizens, napakasarap sa pakiramdam ang nakikita nilang pagpapatuloy ng bayanihan ng mga Kakampinks kahit tapos na ang halalan.
At press time, hinihintay pang ma-locate ang magkasintahan.
Sa dami ng gustong mag-share ng blessing sa kanilang kasal, baka ituring itong wedding of the year.
Hindi na tayo magtataka kung maging ninang at ninong sa kasal sina VP Leni at ang running mate nitong si Senator Francis “Kiko” Pangilinan.