Malayo na ang narating ng Eat Bulaga! scholar na si Maribel “Bel” Villar Singian.
Si Bel ay isa sa mga masuwerteng naging beneficiary ng scholarship program ng Eat Bulaga!, ang EB Excellent Student Awardee o EBEST.
Naging beneficiary siya ng EBEST dahil nagtapos siya noon sa Don Pequeño Elementary School sa Iloilo bilang valedictorian.
Naging scholar si Bel mula high school hanggang college, kung saan kumuha siya ng Bachelor of Science in Marine Transportation.
Ngayon, isa na siyang third officer seafarer sa isang barko, at nag-iisang babae sa 21-member ship crew.
Incidentally, si Bel ay anak ng isa ring seafarer, si Second Engr. Rafael Singian.
THE ONLY GIRL in the crew
Itinampok ang kuwento ni Bel sa episode ng “Bawal Judgmental” segment ng Eat Bulaga! noong September 22, 2021.
At the time of the interview sa “Bawal Judgmental,” ang crew ni Bel ay sakay ng Vessel Motor Tanker Blue Bird, isang oil tanker.
Nasa Dubai ang oil tanker para sa dry dock, ang oras ng pagdi-drain ng tubig at inspection ng vessel.
Ten months na raw nasa naturang vessel si Bel, na under contract.
Kuwento ni Bel, “Sa barko ko po ngayon, may twenty-one po na crew na ibat-ibang nationality: Filipino, Indian, Romanian, and Croatian.
“At ako po yung nag-iisang babae, at may kasama po akong twenty na lalaki.”

Nasanay na raw si Bel bagamat she is the only rose among the thorns.
Noong estudyante pa lang siya ay napapalibutan na siya ng mga lalaki, kaya hindi na rin ito bago sa kanya.
“At first natatakot po ako, pero na-train na po kami na mabuhay sa surroundings na maraming lalaki,” sabi ni Bel tungkol sa industriyang dominated ng mga lalaki.
“For example, sa school namin, naging ilang babae lang po kami sa isang section.
“So, through that siguro, nasanay na rin ako na makipagtrabaho kahit nag-iisa lang akong babae.”
Panunukso kay Bel, wala bang nagtangkang manligaw sa kanya ng kanyang fellow crew members?
“So far, sa five years na pagbabarko ko, wala naman pong may nag-try or what,” sagot ng dalaga.
Kahit na male-dominated ang maritime industry, hinihikayat ni Bel ang mga kapwa kababaihang ituloy ang pag-pursue ng career dito kung ito ang kanilang hilig.
“Seafaring is a world of men, but in these times, marami na ring mga babae ang pumapasok…
“So, love it, pursue it. It takes strength and determination to be able to get where I am right now, so never give up on your dreams.”
Ang pangarap ni Bel? “Gusto ko naman po maging kapitan.”
ON BEING EBEST SCHOLAR
Malaki ang pasasalamat ni Bel sa Eat Bulaga! dahil sa scholarship program nito.
“I am very proud to say that I am an Eat Bulaga! Excellent Student Awardee of Iloilo. And an Eat Bulaga! scholar.
“Without Eat Bulaga!, I will not be where I am, or who I am right now.
“Thank you Eat Bulaga! for bringing the road for me to be educated.
“Maraming, maraming salamat po at sana mas madami pa po kayong matulungan.”
