PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Grade 10 student na dog hero, binigyan ng scholarship at iba pa

Dog hero gets scholarship and a new cellphone
by Bernie V. Franco
Published Aug 11, 2021
Ang tinaguriang dog hero na si Angelo Flores, 16 (left photo center), ay ginawaran ng scholarship, mobile phone, at groceries ng Animal Kingdom Foundation staff, matapos niyang iligtas ang aso na inanod ng tubig sa ilog noong kasagsagan ng Bagyong Fabian.
PHOTO/S: Facebook (Animal Kingdom Foundation, Margole Ilagan)

Dog hero ang tingin sa isang Grade 10 student mula sa Biñan, Laguna, matapos nitong sagipin ang inanod na aso sa ilog sa gitna ng bagyo.

Kabilang sa mga ipinagkaloob sa binatilyo ay scholarship, cellphone, at grocery items.

July 27, 2021, ipinost ng Animal Kingdom Foundation ang video at screenshots ng pagliligtas ng isang binatilyo sa isang asong inanod sa ilog.

Sa video na kuha ni Margole Ilagan, bumaba ang binatilyo sa basa at delikadong dike para saklolohan ang asong nasa ilog.

Maririnig ang sigaw ng mga tao na pinag-iingat ang binatilyo.

Nang makababa malapit sa kinaroroonan ng aso, kumapit lamang ito sa kable.

Inabot niya ang kinaroroonan ng aso, hinawakan ito sa batok at binuhat sa mas ligtas na lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nangyari raw ang pagliligtas sa aso sa kasagsagan ng Bagyong Fabian, na bumuhos noong huling linggo ng Hulyo.

Caption ng Animal Kingdom Foundation: “This young man saved a dog from drowning in the river. Kudos to you, sir! Maraming salamat.

“It has been raining so much during these past few days and the flooding has caused danger to both humans and pets.

“In times of calamities, please secure your animals,” paalala ng dog foundation.

“In case you see an animal in distress or danger, do not hesitate to help or ask help. You can do something.

Pagtatapos ng foundation, “Good karma awaits those who are kind to animals.”

At magandang karma nga ang bumalik sa binatilyo.

FINDING THE DOG HERO

Sa mga sumunod na posts, humihingi ng tulong ang foundation para matunton ang kinaroroonan ng binata.

Kinilala siya bilang si Angelo Flores, 16 anyos, isang Grade 10 student, at nagtatrabaho sa Biñan Public Market. Nakatira siya sa Biñan, Laguna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naibahagi rin ni Angelo ang tungkol sa ginawa niyang pagsagip sa aso.

“Madami ang naawa sa aso na umiiyak. Pero nasa taas lang sila. Naantig lang talaga damdamin ko at bumaba na ako.”

Sa post, nabanggit ng foundation na bibigyan nila ng mga regalo si Angelo at nagbigay ng contact info sa mga netizens na nais makisabay.

Noong August 4, binisita ng staff ng foundation ang tinaguriang dog hero na si Angelo.

Binigyan siya ng pabuya dahil sa kabayanihang ginawa.

Kabilang sa mga ibinigay sa kanya ay bagong cellphone, grocery items, at scholarship.

Mensahe ng foundation sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Miyerkules, one-year scholarship ang iginawad nila kay Angelo, na incoming senior high this school year.

Ipinost ng foundation ang larawan ni Angelo at ng bumisitang staff matapos igawad ang pabuya sa kanya.

Caption sa Facebook post: “DOG HERO, ANGELO, was REWARDED TODAY

“A few weeks ago he saved a dog trapped in a river. Many were touched by his bravery and compassion and sent help for the young boy.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Today we delivered the gifts for Angelo and his family.

“We are very happy to have been an instrument to helping Angelo, he got a BRAND NEW PHONE (he mentioned to us that his phone is already broken), an EDUCATION SCHOLARSHIP and a big bulk of GROCERY ITEMS.

“Truly, good karma comes to those who are kind to animals. Thank you, Angelo. You are an inspiration to everyone!

Bakas naman ang matamis na ngiti ni Angelo sa mga regalong ibinigay sa kanya habang hawak ang scholarship certificate, bagong cellphone, at ang mga kahon ng grocery items.

Samantala, ang kuwentong ito ni Angelo ng pagsagip sa asong nangangailangan ay naitampok din sa mga news outlets.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang tinaguriang dog hero na si Angelo Flores, 16 (left photo center), ay ginawaran ng scholarship, mobile phone, at groceries ng Animal Kingdom Foundation staff, matapos niyang iligtas ang aso na inanod ng tubig sa ilog noong kasagsagan ng Bagyong Fabian.
PHOTO/S: Facebook (Animal Kingdom Foundation, Margole Ilagan)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results