PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Housewife Michelle Arciano saves sick, abandoned dog

Cholo is welcomed into the home of Michelle Arciano, who has 3 kids and 4 dogs.
by Jet Hitosis
Published Mar 1, 2021
Michelle Arciano, Cholo the dog, viral
This photo (left) of Michelle Arciano with her Shih Tzu Baste and newly adopted dog, Golden Retriever Cholo, goes viral on February 24, 2021. On Sunday, February 28, or four days after adopting Cholo, Michelle poses with her dogs for a photo (right) to show how Cholo's condition has somehow improved since then.
PHOTO/S: Richard Allado Quiocho, Michelle Mitz Arciano on Facebook

Willing ka bang ipagamot at kupkupin ang isang aso na “ipinaliligaw” ng may-ari nito dahil sa pagkakaroon ng sakit?

Ang 34-year-old housewife na si Michelle Arciano, walang pag-aatubiling ginawa ito para kay Cholo, isang four-year-old Golden Retriever.

Sina Michelle at Cholo ang nasa litratong nag-viral kamakailan matapos na maantig ang damdamin ng nag-upload ng photo—at ng mga netizens na nakakita nito—sa kabutihan ng puso ng ginang para sa asong umano’y inabandona dahil sa pagkakasakit.

THE VIRAL PHOTO

February 24, 2021 nang in-upload ng isang netizen na nagngangalang Richard Quiocho ang litrato sa isang Facebook group para sa dog lovers.

Nasa picture ang isang babaeng nakaupo habang katabi ang isang puting Shih Tzu. Sa kanang kamay, hawak ng babae ang tali ng isa pang aso—isang Golden Retriever.

Kapansin-pansin ang madungis na hitsura ng Golden Retriever, na tulalang nakatanaw sa kawalan.

Sa caption, sinabi ni Richard na kuha ang litrato sa labas ng clinic ng Philippine Society for the Prevention of Cruelty to Animals (PSPCA) sa Recto Avenue sa Quiapo, Maynila nung araw na iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naghihintay daw noon si Richard na papasukin sa klinika nang napansin niya ang kaawa-awang kalagayan ng malaking asong kasama ng babae.

Paglalarawan ni Richard kay Cholo, “Malaki pero may kapayatan at parang hinang-hinang aso.”

Nang usisain kung ano ang nangyari, sinabi raw ng babae kay Richard na “iniwan” lang ng isang lalaki ang aso, na “ipinaliligaw daw ng amo” nito.

Inihayag daw ng babae kay Richard; “Sabi ko na lang, ‘Sige po, ako na magpapadoktor.

“Ni wala nga pong tali kaya binilhan ko na lang diyan sa clinic,” dagdag pa ng ginang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang babaeng kausap ni Richard ay si Michelle, isang housekeeper na may tatlong anak at taga-Laloma, Quezon City.

Isang food delivery service rider ang mister ni Michelle na si Mark Arciano, at pareho raw silang dog lover.

May apat na Shih Tzu ang mag-asawa.

“NARINIG KO, ILILIGAW NGA DAW SI CHOLO”

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Michelle nitong Linggo, February 28, idinetalye niya kung paanong napunta si Cholo sa kanyang pangangalaga.

Ayon kay Michelle, dinala niya sa PSPCA clinic ang Shih Tzu niyang si Baste para ipasuri ang kanang mata nito.

Nasa labas noon ng klinika sina Michelle at Baste nang maulinigan daw ng ginang ang pakikipag-usap ng isang lalaki sa kalapit niyang kabataang babae at lalaki.

Walang kasamang aso ang lalaki pero narinig ni Michelle na iniaalok nito sa dalawang kabataan ang isang asong may sakit para ampunin.

Ayon sa ginang, tumanggi ang babae at lalaki dahil nagrerenta lang daw ang mga ito sa isang condo kung saan ipinagbabawal ang pets.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kuwento ni Michelle sa PEP.ph: “Nung marinig ko na ililigaw nga daw si Cholo, dun na ako nagsalita. Na ako na lang ang aampon at magpapagamot.

“Hindi pa niya kasama noon si Cholo. Nung pagsabi ko na kukunin ko na nga si Cholo, dun pa lang niya kinuha. Naka-single na motor lang siya.”

Nilinaw ni Michelle na hindi niya kilala ang lalaking kausap at napag-utusan lang daw ito ng may-ari para “iligaw” ang aso.

Aniya, “Naawa lang din siya kay Cholo. Hindi niya magawang iligaw kaya naghanap na lang siya ng aampon.”

Sinabi ni Michelle na ang pangalang “Cholo” ay galing pa sa owner ng aso at hindi raw niya akalaing may lahi pala ito nang dalhin sa kanya.

Bulalas niya, “Ang expected ko is aspin [Asong Pinoy], so nagulat pa ako na Golden Retriever pala.”

MEETING CHOLO

Tinanong ng PEP.ph si Michelle kung paanong kaagad siyang nakapagdesisyon na akuin ang responsibilidad sa may sakit na aso kahit hindi pa niya ito nakikita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Michelle, ang tanging bagay lang na pumasok sa isip niya ng mga oras na iyon ay ang “maipagamot” ang aso.

“Ang aso kasi, or kahit anong hayup, para sa amin ng asawa ko, ay kapamilya. Mga anak namin sila.”

Dahil wala namang ibinigay na detalye ang lalaki tungkol sa iniindang sakit ng aso, hindi ba naisip ni Michelle na baka magastusan siya nang malaki sa pagpapagamot sa inabandonang aso?

“Hindi ko na po naisip iyon. Ang nasa isip ko na lang ay maisalba ko pa si Cholo,” aniya.

Kuwento ni Michelle, nang una niyang masilayan si Cholo ay awang-awa siya rito.

“Yung nasa picture po, sa nag-viral, yun na yun po, plus hirap na hirap lumakad at tumayo. Medyo madungis, amoy-grasa, malungkot, at matamlay.”

Sa awa raw ni Michelle, kaagad niyang hinawakan ang aso nang ilapit ito sa kanya ng lalaki.

“Naawa po ako, agad kong hinawakan. Ni hindi ko na naisip na baka kagatin ako or baka agresibo siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

viral photo of dog choloCholo

Ipinaalam din daw ni Michelle sa asawang si Mark ang tungkol sa biglaang pagpapagamot at pagkukupkop niya sa isang asong inialok ng isang estranghero sa labas ng PSPCA clinic.

Mabilis daw na inilipat ni Mark sa ibang riders ang mga naka-schedule nitong delivery sa araw na iyon upang sunduin sina Michelle, Baste, at Cholo mula sa klinika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Michelle, tahimik at matamlay si Cholo kahit noong sinusuri ito ng vet.

Pero nagkaroon raw ng sigla ang aso nang makapiling na ang asawa niyang si Mark.

Kaagad daw kasing nakasundo ni Mark si Cholo.

“Mas malapit siya [Cholo] sa mister ko. Hindi mo mapapahiwalay iyan sa mister ko.”

Michelle Arciano's husband Mark with CholoMark and Cholo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging mainit din daw ang pagtanggap kay Cholo ng tatlong anak ng mag-asawa—edad 17, 14, at 11—at siyempre pa, ng apat nilang pet dogs.

CHOLO HAS KIDNEY PROBLEMS

Ayon kay Michelle, napag-alaman sa pagsusuri ng veterinarian na hirap sa pag-ihi si Cholo.

Niresetahan ang aso para sa sampung araw na gamutan ‘tsaka ibabalik sa klinika para sa karagdagang pagsusuri, sabi ni Michelle.

Bukod sa kidney ni Cholo, aalamin rin daw, sa pamamagitan ng iba’t ibang tests, kung may iba pang sakit ang aso.

Nitong Linggo, kinumusta ng PEP.ph ang kalagayan ni Cholo.

“Medyo okay naman na yung pag-ihi niya,” ani Michelle.

Ibinalita rin ng ginang na bahagya nang nakakapaglakad ngayon ni Cholo.

Minsan daw ay nakikipaglaro na rin ito sa iba pang aso ng kanilang pamilya.

Pero alalay pa rin daw ang pagkain ni Cholo, batay na rin sa rekomendasyon ng vet nito.

NETIZENS WANT TO SEND HELP FOR CHOLO

Samantala, sa pamamagitan ng private message ay personal daw na pinasalamatan ni Michelle ang netizen na si Richard sa pag-upload nito sa viral na ngayong litrato nila ni Cholo, kasama si Baste.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Overwhelmed” daw kasi ang ginang sa mga nabasa niyang comments sa viral photo na iyon, na ipinost din sa social media accounts ng Inquirer.net.

Maraming netizens daw ang nagpasalamat kay Michelle sa pagpapagamot at pagkupkop niya kay Cholo.

Dahil sa post na iyon, may mga kumokontak daw ngayon kay Michelle, at maging kay Richard, para mag-abot ng tulong para kay Cholo.

Gayunman, hindi na bago kay Michelle ang magsalba ng buhay ng aso.

Ang Shih Tzu niya kasing si Baste ay isa ring rescued dog.

THE OTHER VIRAL PUP

Kuwento ni Michelle, tatlong buwang tuta pa lang noon si Baste nang ma-rescue niya ito habang inilalako sa Aranque market sa Sta. Cruz, Maynila.

Noon ay may swimmer puppy syndrome—o iyong hindi mailakad ang mga paa sa likuran—si Baste na five years old na ngayon.

Sa viral photo nina Michelle at Cholo, agaw-pansin si Baste para sa maraming netizens, kahit pa muntik na itong hindi mahagip ng camera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napagkatuwaang punahin ng netizens ang mistulang pagkakairap daw ni Baste kay Cholo sa litrato.

Ilang netizens ang pabiro pang binansagan si Baste bilang “selosong Shih Tzu.”

Sa panayam ng PEP.ph, nilinaw ni Michelle na hindi nakairap si Baste kay Cholo, at hindi rin daw ito seloso.

Sabi ni Michelle; “Kaya po ganun ang hitsura niya [Baste] kasi may problema po siya sa mata, kaya po siya nasa clinic that day.”

Sa katunayan, sa simula pa man ay “gustung-gusto” na raw ni Baste si Cholo.

“Caring po si Baste sa mga tao or sa mga kapwa niya. As in gusto po niya agad lapitan at dila-dilaan,” ani Michelle.

Baste and Cholo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CARING FOR PETS IS LIKE CARING FOR BABIES

Dahil sa likas na malasakit at pagmamahal sa aso, hindi raw maintindihan ni Michelle kung bakit inabandona si Cholo ng dating owner nito kung kailan may sakit at nangangailangan ng tulong ang aso.

Halata rin daw kasi sa hitsura ni Cholo na “pinabayaan” ito ng dating may-ari.

Mensahe ni Michelle sa dating owner ni Cholo: “Kung mayroon pa siyang alaga, sana huwag na niyang pabayaan, like Cholo.

“If wala naman na at nagbabalak pa siya ulit, pag-isipan muna niyang mabuti. Dahil ang pag-aalaga ng hayop ay parang pag-aalaga rin ng sanggol.”

Baste, Mark, and Cholo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This photo (left) of Michelle Arciano with her Shih Tzu Baste and newly adopted dog, Golden Retriever Cholo, goes viral on February 24, 2021. On Sunday, February 28, or four days after adopting Cholo, Michelle poses with her dogs for a photo (right) to show how Cholo's condition has somehow improved since then.
PHOTO/S: Richard Allado Quiocho, Michelle Mitz Arciano on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results