Detach Video

WATCH: Nakaka-good vibes na jamming session ni Apo kina Lola't Lolo

by Rommel R. Llanes
Published Jul 17, 2020

Hinangaan ng maraming netizens ang pakikipag-jamming ng vlogger na si Daniel Joseph Espinola Rocio sa kanyang lolo't lola.

Sa video, makikitang inaawit nina Joseph, 21, Lola Vilma, 82, at Lolo Cesing, 92, ang classic American country song na "You Are My Sunshine" ni Jimmie Davies.

Mula nang i-upload nung ni Joseph nung June 5, 2020, sa kanyang Facebook account ang video ng kanilang jam session, nakakuha na ito ng lagpas 1.3 million views, 31 thousand-plus shares, at 68 comments.

Lahat ng comments ay pawang paghanga at pagbati kina Joseph at sa kanyang lolo't lola dahil sa "good vibes" at "feel good" na pakiramdam na hatid ng kanilang video.

Panoorin ang video sa itaas kung ano ang reaksyon nina Joseph, Lola Vilma, at Lolo Cesing sa atensyon na nakuha nila mula sa netizens.

HOT STORIES

NOOD KA MUNA!

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results