PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bride searches for wedding crasher; finds him after four years

“Do you know who that is?”
by KC Cordero
Published Sep 18, 2025
Wedding crasher caught on cam
Mula nang makita ng bride sa wedding photos ang hindi kilalang bisita, hindi siya tumigil hangga’t hindi nalalaman kung sino ito. At nakakatawa pala ang kuwento kung bakit present ang lalaki sa wedding. (Photo courtesy of Michelle Wylie)

Naging palaisipan para kay Michelle Wylie kung sino ang guest na hindi niya kilala pero dumalo sa kanyang kasal noong November 2021.

Nakunan pa nga ng photos ang gatecrasher.

At ngayon, sa pamamagitan ng social media, ang isang matagal ng misteryo sa kanyang wedding day ay naresolba na.

Ibinahagi ni Michelle ang kanyang kuwento sa New York Post at media outlet na SWNS last September 12, 2025.

Read: She stands 5'4, he stands 4'0--this is their unique love story

BRIDE SPOTS THE WEDDING CRASHER IN PHOTOS

Isang digital facilitator si Michelle, 38, sa National Health Service ng UK.

Matapos daw ng kasal nila ng husband na si John sa Carlton Hotel sa Prestwick, Ayrshire, agad niyang nakita ang wedding crasher matapos panoorin ang wedding pictures.

Hindi lang siya ang nakapansin kundi maging ang kanyang mga kapamilya at kaibigan.

Iisa umano ang kanilang tanong noon: “Do you know who that is?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Wedding crasher attending the ceremony
Walang nakakakilala sa lalaking dumalo sa wedding. Photo courtesy of Michelle Wylie

Nag-usisa sila ni John sa kani-kanilang pamilya at mga kaibigan, pero wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa lalaki.

Wala ring nakaalalang nakita ito sa reception. Walang photos kung nakikain ito.

Kaya ang kanilang naging conclusion: “We now know he slipped away straight after the ceremony.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Couple sells wedding tickets; earns PHP7.5 Million

BRIDE STARTS LOOKING FOR THE IDENTITY OF WEDDING CRASHER

Mula noon, hindi na tinigilan ni Michelle ang paghahanap ng pagkakakilanlan sa wedding crasher.

Regular niyang ibinabahagi sa Facebook ang larawan nito.

Umaasa siyang may makakakilala rito.

Sa kabila ng tiyaga ni Michelle na maresolba ang misteryo, wala siyang nakuhang kasagutan.

Read: Bride makes dramatic entrance riding "karo ng patay" to her wedding

BRIDE turns to CONTENT CREATOR for help

Nitong ikalawang linggo ng September 2025, habang tinitingnan muli ni Michelle ang kanyang wedding pictures, isang idea ang pumasok sa isipan niya.

Nag-reach out siya sa content creator na si Dazza, at nakiusap siyang i-share ang photo ng wedding crasher.

Pumayag naman si Dazza, na may mahigit 400,000 Facebook fans at 129,000 TikTok subscribers.

At makalipas lang ang dalawang oras matapos i-post ng content creator, natukoy agad kung sino ang misteryosong bisita.

Read: Woman runs marathon in wedding dress in search of future husband

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

WEDDING CRASHER’S IDENTITY FINALLY REVEALED

Ang hindi kilalang bisita sa wedding nina Michelle at John ay si Andrew Helliman.

Pero hindi siya professional wedding crasher.

Siya ay isang 33-year-old painter and decorator.

Hindi umano sinasadya ang pagkakadalo niya sa napakahalagang okasyon sa buhay nina Michelle at John.

Matapos makita ang kanyang photo sa pages ni Dazza, lumutang si Andrew at nakipag-ugnayan sa media.

Sa panayam sa kanya ng SWNS, sinabi niyang nagkataon lang na nasa maling kasalan pala siya.

Read: Man marries former classmate's mother, 21 years his senior

WEDDING CRASHER REVEALS WHY HE WAS AT THE WEDDING

Ang kanya umanong partner ay kinuhang isa sa groomsmen sa kasal ng kaibigan nitong babae na si Michaela.

“And I’d been invited as his plus one.”

Nagkamali ang kanyang partner sa pagbibigay sa kanya ng detalye kung saan gaganapin ang kasal.

"For some reason, he told me it was at the Carlton hotel in Prestwick at 2:00 P.M., when it was actually being held at the Great Western Hotel in Ayr.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong araw ng kasal, maagang umalis ang kanyang partner para sa rehearsal ng groomsmen.

Bilin nito, sumunod na lang siya sa venue.

Nagkataon namang may tinapos siyang trabaho at halos late na nang dumating si Andrew sa Carlton.

May kasayahang nagaganap sa labas ng hotel, at ang mga dumarating na bisita ay sinasalubong ng isang tumutugtog na bag piper.

Hanggang sa mga sandaling iyon, ang buong akala ni Andrew ay nasa wedding siya ng kaibigan ng kanyang partner.

Aniya, minsan pa lang niyang nakita ang bride.

Maliban dito at sa kanyang partner, wala siyang ibang kilalang bisita.

Agad niyang ipinarada ang kotse at nagmamadaling pumasok sa loob.

Nakita pa umano niya ang groom na halatang nininerbiyos habang naghihintay sa bride.

“I had never met Michaela’s husband before so I thought, ‘Alright, this must be Ben.’”

Ang pagkakamali umano ni Andrew: “The fact that I didn’t recognize a single person in this place didn’t raise any alarm bells.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 86-year-old man has 16 wives, 104 children

WEDDING CRASHER REALIZES HE WAS AT THE WRONG VENUE, BUT...

Natuklasan ni Andrew na nasa maling venue siya nang tugtugin na ang wedding march.

Nakita niyang naglalakad si Michelle papunta sa altar.

Hindi ito si Michaela, at hindi niya ito kilala.

Natulala umano siya.

Gayunpaman, hindi siya umalis sa venue.

Paliwanag niya: “You can’t exactly stand up and walk out of a wedding mid-ceremony.

“So, I just had to commit to this act and spent the next 20 minutes awkwardly sitting there trying to be inconspicuous.”

Nang magpalitan na ng “I do” sina Michelle at John, pasimple nang tumalilis si Andrew.

Aniya, naging malaking katatawanan sa circle of friends niya ang nangyari, at paulit-ulit niyang ikinuwento sa mga ito kinagabihan.

Read: Bride freezes mid-ceremony, suffers panic attack on wedding day

BRIDE AND WEDDING CRASHER MEET

Sa kabila ng pagsisikap ni Andrew na huwag mapansin sa wedding nina Michelle at John, hindi siya nakaligtas sa lente ng mga cameraman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos niyang lumutang sa media, noong September 11 ay nagkita na sila ni Michelle.

Photo of the bride and the wedding cashier
Makalipas ang apat na taon, nakita na ng bride ang mahiwagang bisita sa kanyang kasal. Photo courtesy of Michelle Wylie

Ayon kay Michelle, hindi siya makapaniwalang nagkaharap sila ng misteryosong bisita na apat na taon niyang hinanap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tawa rin umano siya nang tawa nang marinig mismo mula sa bibig ni Andrew kung paano nangyari ang mix-up.

“It is so funny, and the way Andrew tells the story is brilliant. It is great to finally find out who it was.”

Read: Meet Manoel and Maria Dino: Couple married for 84 years

BRIDE AND WEDDING CRASHER PLAN FOR A BONDING

Ngayong nagkita na sila, plano nina Michelle at Andrew na mag-bonding.

Ani Michelle, sa kabila ng pag-aakala niyang nag-gatecrash si Andrew, ang wedding day nila ni John ay maituturing na perfect.

Okay rin daw kung nag-stay na lang si Andrew hanggang sa wedding reception sa halip na umalis.

Pero, sa kabilang banda, ang nangyaring mix-up ay nagdagdag ng makulay na kuwento sa araw ng kanyang kasal, at nagbigay sa kanya ng bagong kaibigan.

Read: Young woman plays bride in prank wedding; finds out it's for real

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mula nang makita ng bride sa wedding photos ang hindi kilalang bisita, hindi siya tumigil hangga’t hindi nalalaman kung sino ito. At nakakatawa pala ang kuwento kung bakit present ang lalaki sa wedding. (Photo courtesy of Michelle Wylie)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results