Ikinasal sina Marley Jaxx, 34, at Steve Larsen, 37, ng Idaho, USA, noong August 1, 2025.
Pareho silang digital entrepreneurs.
Ang nagastos nila sa wedding ay US$50,000 (PHP2,850,875).

Nagkaroon sila ng 270 guests.
Karamihan sa mga ito ay mga estrangherong naimbitahan lang sa pamamagitan ng internet.
Pero aakalin mo bang kumita sila?
Read: Kiefer Ravena and Diana Mackey marry anew in Palawan
HOW MUCH DID THE COUPLE EARN FROM TICKET SALES
Ang ginawa nina Marley at Steve: nagbenta sila ng ticket online sa mga gustong mag-attend.
Ang presyo ng pinakamahal na ticket ay US$1,000 o PHP57,016.50.
At may mga bumili ng ticket.
Sa katunayan, nakalikom ang couple mula sa ticket sales ng US$96,000 o PHP5,473,775.20.
May napadagdag pa ritong US$36,000 o PHP2,052,666 mula sa kanilang post-nuptials brunch.
Sa kabuuan, nakapag-raise sina Marley at Steve ng US$132,000 o PHP7,526,440.90 sa charitable funds mula sa mga netizens na dumalo sa kanilang wedding.
Read: EA Guzman-Shaira Diaz wedding, magaganap na sa August 14
NETIZENS SAY THE COUPLE SCAMMED THEIR GUESTS
May mga bumatikos kina Marley at Steve dahil ginawa raw nilang negosyo ang wedding.
Isa umano itong “scammy cash grab," at nagoyo ng dalawa ang mga naging bisita.
Iginiit naman ng couple na hindi iyon ang kanilang tunay na motivation.
Ang ginawa raw nila ay isang pagsisikap na ma-disrupt ang multi-billion-dollar wedding industry.
Inamin ni Marley na nakabawi silang mag-asawa sa gastos sa wedding.
Pagbabahagi pa niya, una niyang pinalutang ang idea sa kanyang Instagram account. Upfront siya sa pagsasabing magbebenta siya ng tickets para sa wedding.
Joke lang umano niya iyon sa kanyang 21,000 IG followers, at hindi niya inakalang seseryosohin nila.
Read: Zeinab Harake on PHP2M wedding cake claim: "Ang OA naman nun!"
WEDDINGS ARE EXPENSIVE, BUT SELLING TICKETS IS DISRUPTIVE
Ayon kay Marley sa artikulong nalathala sa New York Post last August 7: “Weddings are so expensive, and selling tickets to one is disruptive.
“We wanted to [sell tickets] from a place of heart and purpose, not scammy.”
Ang wedding cake pa lang aniya ay US$650 (PHP37,093.87) na ang presyo.
Bukod pa rito ang bayad sa venue.
Noon na sila nag-imbita sa internet.
Ang social media-savvy sweethearts ay may combined 192,000 Instagram and YouTube followers.
Inanyayahan nila ang mga ito na magbayad ng in-person seat sa halagang US$1,000, 30 followers ang agad bumili ng tickets.
Read: Bride makes dramatic entrance riding "karo ng patay" to her wedding
OTHER TICKET PRICES FOR THE WEDDING
Tatlong araw—mula Huwebes hanggang Sabado—ang naging selebrasyon ng wedding nina Marley.
Ang mga miyembro ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan ay binigyan ng full VIP-level access sa tatlong araw na ito.
Ang mga naimbitahan sa internet na kaya lang magbayad ng US$57 (PHP3,252.51) ay admitted sa Friday afternoon ceremony and reception.
Para naman sa US$97 (PHP5,534.87) ang ticket, may access ang mga ito sa Thursday night rehearsal dinner at sa mismong araw ng wedding.
Ani Marley, 100 guests ang pumili ng ganitong options.
May baker namang nagbigay ng cake nang malaman ang tungkol sa ticketed wedding.
Read: Woman runs marathon in wedding dress in search of future husband
US$1,000 TICKET PAYEES SAY PRICE IS WORTH IT
Nagulat sina Marley at Steve sa dami ng bumili ng kanilang wedding tickets.
Bukod naman sa nakagawiang rehearsal dinner, wedding, and reception, pinalahok din nila ang mga guests na nagbayad ng US$1,000 sa counseling sessions.
Pinangunahan iyon ng experts sa idinaos na “Biohacking Brunch” kinabukasan.
Sumailalim ang mga bisita sa red-light therapy care, breath work tutorials, at bio-charger energy rehabilitation.
Ani Marley: “Our social media audiences actually came up with the US$1,000 price point.
“We asked them what they’d expect to pay for, and they said, ‘A grand!’”
Read: 86-year-old man has 16 wives, 104 children
PROCEEDS FROM WEDDING TICKETS DONATED TO CHARITY
Ipinagkaloob nina Marley at Steve sa charity ang sobrang kinita sa kanilang wedding.
Ang napili nila ay ang Village Impact, isang organisasyon na nagtatayo ng mga eskuwelahan sa Africa.

Plano ng newlyweds na bumisita sa Kenya sa July 2026.
Tutulong sila sa pagpapatayo ng classroom doon dahil may extra earnings pa.
Ani Marley: “It costs US$15,000 (PHP855,922.56) to build a classroom with Village Impact.
“We went with them to Africa two years ago and it was the most beautiful, life-changing experience.”
Pagbabahagi pa niya, nang malaman ng mga bisita ang tungkol sa plano nila sa Kenya: “As we shared that at our wedding reception, several people donated the full US$15,000.
“I had people approach me saying, ‘I have no idea who you are, but I’m at your wedding and it’s awesome.’”
Masayang kuwento pa ng couple, mga estranghero ang naging bisita nila sa kanilang wedding, pero umalis ang mga ito naging bagong kaibigan ng mga newlyweds.
Isang bagay rin ang natuklasan nina Marley at Steve sa pagbebenta ng tickets para sa kanilang special occasion.
Nalaman nila kung sinu-sino ang mga tunay nilang supporters sa social media, at kung sino ang clout-chasers at gusto lang maging bahagi ng hysteria.
Ang mga bumili anila ng tickets ay hindi naobliga lang.
Sa halip, gusto talaga ng mga itong saksihan ang wedding at nakiisa pa sa kanilang layunin para sa mga bata sa Kenya.
Read: Bride freezes mid-ceremony, suffers panic attack on wedding day
