Sa Bali, Indonesia, nag-celebrate ng Mother's Day si Sofia Andres kasama ang partner niyang si Daniel Miranda at anak nilang si Zoe.
Sa Instagram, nag-post si Sofia ng family pictures nila habang ini-enjoy ang Pandawa Beach sa Bali.
Ito ang patunay na mali ang mga espekulasyong hiwalay na ang dalawa.

Mensahe ni Sofia sa kanyang post: "The most unforgettable weekend. #OhanaWeekend"
View this post on Instagram
Sa comments section ay nagpahayag ng kasiyahan ang netizens sa kaganapang ito sa relasyon ng dalawa na iniintrigang hiwalay na raw.

Read: Sofia Andres on why she isn't married to partner Daniel Miranda yet
Nag-post din si Sofia sa kanyang Instagram Story ng larawan nila nina Daniel at Zoe.
Kapansin-pansing naka-tag si Daniel sa post pero hindi pa rin siya naka-follow rito.

SOFIA RECEIVES MOTHER'S DAY MESSAGE FROM DANIEL
Noong mismong Araw ng mga Ina, May 11, 2025, nag-post ng pagbati si Daniel kay Sofia.
Medyo blurry ang kuha nila ni Sofia sa larawan, at ang background music ng post ay ang kanta ni Stevie Wonder na "Isn't She Lovely."
Sa caption ay binati ni Daniel ang lahat ng ina ng Happy Mother's Day.
Pinasalamatan din niya ang kumuha ng larawan — ang anak nila ni Sofia na si Zoe Miranda.
Caption ni Daniel sa kanyang post: "happy mothers day to all the beautiful moms out there [heart emoji]
"thank you for the picture @iamzoemiranda [face blowing a kiss emoji]"
Read: Did Daniel Miranda just deny breakup rumor with Sofia Andres?
Kaya naman hinala ng netizens na hindi naman talaga naghiwalay ang dalawa kahit na hindi sila nagpa-follow sa isa't isa sa Instagram.
Komento tuloy ng isang netizen, "Ang mahalaga, malinaw na di hiwalay."
Nagsimulang magkaroon ng alingasngas tungkol sa relasyon nina Daniel at Sofia nang i-unfollow nila ang isa't isa noong April 24, 2025.
Dahil dito, lumabas ang mga haka-hakang hiwalay na ang dalawa.
Read: Sofia Andres, Daniel Miranda unfollow each other on Instagram
Pero noong April 30, napatanong ang ilang netizens kung magkarelasyon pa ba ang dalawa dahil halos sabay silang nag-post sa kanilang Instagram Stories.
Ang kanilang post ay para sa brands ng caps at sunglasses na pareho nilang iniendorso.
Sa post ay makikitang sweet na sweet sina Sofia at Daniel habang nasa beach.
Walang caption si Sofia liban sa naka-tag na Instagram handle ng brands ng mga produktong iniendorso.
Read: Are Sofia Andres and Daniel Miranda still a couple?
Sa ngayon, parehong tikom pa rin ang bibig ng magkabilang kampo ukol sa isyung hiwalayan.
