Mukhang bumalik na sa normal ang relasyon ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion.
Patunay nito ang in-upload na masasayang larawan ni KC kasama ang inang si Sharon habang nagbabakasyon sila sa isang beach.
Kitang-kita ang pagiging sweet ni Sharon sa panganay na anak.

Hindi binanggit ni KC kung saang beach sila nagpunta ng kanyang ina. Pero ayon sa isang netizen na nag-comment, sa Amanpulo, Palawan, daw nagbakasyon ang mag-ina.
Caption ni KC sa kanyang post: "Birthday moments!"
View this post on Instagram
Read: KC Concepcion flexes photos with Aly Borromeo at a wedding
CELEBS, NETIZENS HAPPY FOR KC, SHARON
Maraming celebrities at netizens ang kaagad na pinusuan ang post na ito ni KC.
Kabilang na rito sina Vina Morales, Ryan Agoncillo, at Sherilyn Reyes-Tan.

Komento naman ng isang netizen tungkol sa post ni KC: "It is so good to see both of you smiling and enjoying the mother and daughter bonding"

Sabi ng isa pa niyang follower: "Hello KC! I'm one of your followers and you remind me of my only child currently residing in Maryland with her own family. You both have same b-day month. Your b-day is April 7 while hers is April 13. May this next trip around the [sun emoji] be your best one yet! Cheers!"

Heart emojis naman ang komento ng iba pang netizens:

Read: Sharon Cuneta, KC Concepcion reconnect over Christmastime
